Chapter Seventeen
Kurt's POV
Six am pa lang ng umaga hindi na ako mapakali sa sarili ko. Eto ang formal na handaan na makakausap ko ng masinsinan ang magulang ni Camila. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari mamaya pero kinakabahan ako sa posiblenh mangyari.
Kakauwi lang namin galing sa pinuntahan naming adventure kahapon kaya kailangan ko rin ng konting pahinga kaso dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon hindu ako makatulog ng mayos. Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Hinanda ko na rin nanaman ang susuotin ko mamaya kaya madali nalang ang lahat ng bagay mamaya kapag papunta na ako sa bahay nila Camila. Ano kaya ang suot mamaya ni Camila? I bet she'll be more beautiful than ever. Maganda si Camila kahit simple lang suotin niya. Paano kaya mamaya?
Sht. Bakit di mawala ang kaba ko? Hindi ko gusto ang kabang nararamdaman ko ngayon. Iba talaga itong kaba na nararamdaman ko. Hindi ito normal! Bakit ako nagkakaganto?
"Kurt?"
"Damn!" nagulat ako nang bigla nalang pumasok si ate sa kwarto ko nang wala man lang katok katok. Sanay naman ako na hindi siya kumakatok kaso iba kasi kaba ko kaya nagulat ako nang bigla akong tawagin ni ate.
"Oh? Bakit ka nagulat? Halos araw araw naman ako pumapasok sa kwarto mo ah." sabi niya tapos umupo siya sa may couch sa kwarto ko at tumingin sa mga magazine na nakalagay doon sa may table.
"Wala, hindi lang ako mapakali."
"Hays. Kaw talaga! Kalmahin mo sarili mo para kang ano diyan." natatawa pa si ate habang kinakausap ako. Mukha na ba talaga akong ewan dahil mukha na akong tanag dahil sa kaba kong ito? Hindi ko rin alam eh.
"Ate kinakabahan ako..." hay nababakla na ata ako sa inaasta ko ngayon. Para akong baliw dito na hindi mapakali. Kanina ko pa sinasabunutan sarili ko. Nakakabaliw na! Baka himatayin ako kapag kinausap ako ng dad ni Camila. Hay! Nakakabadtrip naman tong nararamdaman ko. Ngayon lang ako nagkaganto. Ngayon lang ako nagseryoso.
"Tiwala lang. Makakaya mo yan." sabi ni ate tapos lumabas na siya kagad ng kwarto ko.
*
Camila's POV
2pm pa lang dito pero inaayusan na ako. Feeling ko naman debut ko na pero hindi pa nakan. Masyado lang OA si mom at gusto niyang maganda daw ako mamaya pag nagfamily gathering na kami kasama sila Tito Tom and Tita Sam and pati si Jon. Sana matapos na tong araw na ito kasi feeling ko hindi maganda mangayayri mamaya.
Kinakabahan din ako kasi pupunta mamaya si Kurt at kakausapin pa siya ng matino nila mom at dad. Hindi ako sanay ng ganito kasi si Kurt ang unang lalaki na naglakas loob na ligawan ako eh. Unexpected nga ang lahat ng ito.
Inaayos na ang make up ko ay ang buhok ko para mamaya kaya medyo naboboring na ako dito kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganitong ayusan. Ayoko na nagmake-up ako kasi feeling ko hindi ako yun kapag nakamake-up ako. Feeling ko tinatago ko ang kagandahan ko. Pero dahil minsan lang ito nagpamake-up nalang din ako at light lang naman ang nilagay ng make up stylist.
Kanina pa si mom nakangiti ng todo dito habang nakatingin sakin ang weird lang. Hah wala eh. Ganun kasi si mom kapag nakikita niya akong ganito maayos, grabe na siya makangiti. Syempre isa ring stylist si mom kaya siguro ganun nalang siya ngumiti.
Almost 5pm na nang magbibihis na ako ng susuotin ko mamaya. Kailangan ko pala suotin yung damit na binigay sakin ni Kuya Jerry. Maganda naman iyon at type ko kaya okay lang sakin at bagay naman sakin. Mahilig ako sa dress pero minsan lang ako magsuot ng ganitong dress. Nang tumingin ako sa salamin napangiti ako, ang cool ng damit bagay nga sakin.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Fiksi RemajaAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...