Thirty Nine (Part 2)

92 2 0
                                    

Chapter Thirty Nine (Part 2)

Inabot kami ng isang oras bago nakapunta sa bahay nila Angelo. Inabutan kami ng rush hour kaya medyo traffic na sa main road kaya natagalan kami bago nakapunta dito sa bahay nila Angelo.

Wala pa naman masyadong tao kaya makakatulong pa kami kila tita Sam kung sakali may hindi pa ayos dito sa party ni Angelo na kasabay din ang pag-celebrate ng success ng business nila tita Sam.

"Okay ka lang ba talaga, Camila? Bakit kanina ka pa parang hindi mapakali?" napalingon ako nang tanungin nanaman ako ni Kuya Jeremy

Ako? Hindi mapakali?

"Ahh. Ano ba kuya, ayos lang ako." sabi ko at saka ngumiti

Akala ko okay na yung sagot ko na 'yon kaso ayaw akong tantanan ni Kuya Jeremy. Ano ba kasi kailangan ni kuya? Ayos nga lang naman talaga ako eh.

"No, you're not. What's bothering you?" tanong niya sa akin na tila nag-aalala base sa kanyang facial expression sa akin. Hay. Eto talaga si kuya mabilis makakutob. Pero ayos lang naman talaga ako eh... Ata.

"Kasi kuya..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang may humila sa akin papunta sa may pool area.

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Angelo. Tss. Kahit kailan talaga baliw tong si Angelo. Kinakausap ko pa si kuya eh. Napailing nalang ako. Bakit ba kahit ganyan siya ang sweet sweet pa rin niya sa paningin ko?

Dumiretsyo kami sa may bench nila dito sa may pool area at saka umupo. Tahimik lang kami. Ayokong magsalita, gusto ko siya unang makipag-usap sa akin.

"Camila." tawag niya sa akin kaya liningon ko siya

"Yes?"

Nakangiti ako sakanya habang nakatitig siya sa akin. Ang gwapo talaga nitong boyfriend kong 'to. Hindi lang gwapo, may soft side din siya at sobrang bait. Hindi talaga ako nagsisi na na-inlove ako sakanya.

Lalo akong napatitig sakanya nang bigla siyang ngumiti. Ang ganda ng kanyang mata na tila ngumingiti din sa saya. At bagay na bagay talaga sa kanya ang suot niyang suit and tie. Mas lalo tuloy siyang gwumapo.

Naalala ko nanaman yung panahong sinayaw niya ako noong 16th birthday ko. It's my moment. Our moment. Sobrang romantic noong araw na 'yon para sa akin. Pinasaya niya ako ng sobra dati nung 16th birthday ko.

Ngayong 18th birthdayniya gusto ko maging masaya rin siya. I know it's kinda inappropriate sakanya na magcelebrate ng 18th birthday niya pero hindi siya tumanggi, at bakit naman siya tatangi diba?

"Ang ganda mo talaga." sabi niya sabay ngiti at tila lumalapit siya sa akin na para bang hahalikan ako. Pero bago niya ako mahalikan ay natakpan ko na ng aking kamay ang kanyang bibig kaya naman sumimangot siya.

"Kaw ha! Hindi porket birthday mo ganyan na gagawin mo sakin ah!" napailing pa ako. Maloko din tong si Angelo. Hay nako talaga.

"Birthday gift mo na yon sakin." sabi niya na ngumiti pa ng nakakaloko.

"May iba nga akong regalo sayo, kulit!"

"Kiss mo nga lang ayos na ako." ngumiti ulit siya.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka tumayo pero hinawakan niya agad ang braso ko kaya napatingin ako sakanya.

"Stay."

Hindi ko siya pinansin at saka inalis ko ang pagkahawak niya sa aking kamay.

"Magccr lang ako."

Maglalakad na sana ako palayo kaso naramdaman ko ang pagtayo niya at bigla niya akong niyakap mula sa aking likod. Napapikit nalang ako dahil hindi ko alam pero ang nararamdaman ko ngayon ay parang sobra ko siyang miss na miss.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon