Twenty two

206 7 0
                                    

Chapter Twenty two

"ANGELO?! Ano ba yan?! Bakit mo sinuntok si Kurt? Nasisiraan ka na ba ng bait, ha?!" naiinis na sabi ko sakanya nang nandito na kami sa loob ng bahay.

Pagkatapos ba naman kasi na suntukin ni Angelo si Kurt kanina nakailang suntukan pa sila bago tumigil. At nang tumigil na sila bigla nalang ako hinila ni Angelo palayo kay Kurt. Ni hindi pa nga ako naggoodbye man lang sa boyfriend ko kaya mas nainis ako kay Angelo.

Umuwi kagad kami dito sa bahay na masama ang loob ko sakanya. Buti nalang wala pa sila mom at dad kasi kundi mapapagalitan ako non kasi nakasigaw agad ako.

"I don't trust him." sabi niya habang nilalapag niya ang bag niya sa couch ng living room namin at umupo siya. Kahit sandali lang ang suntukan nila ni Kurt, meron siyang galos sa mukha dahil sa lakas ng impact ng suntok sakanya ni Kurt at ganoon din kay Kurt, meron din itong galos sa mukha niya kaso di ko na nagamot si Kurt dahil hinila agad ako ni Angelo pauwi ng bahay. Nakakainis.

"Lagi naman yan ang sinasabi mo eh. Walang bago. Lagi kang ganyan! Nakakainis na!" inis kong sabi habang papunta ako sa may cabinet ng medicinal things namin dito sa bahay.

"I'm just pro---"

Pagkakuha ko agad ng medicinal kit ay hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya "Ayan ka nanaman sa 'I'm just protecting you, Camila.' Angelo naman! Can't you see that it's not working?! Lagi ka nagdadala ng gulo! Angelo, may boyfriend na ako! Si Kurt na ang dapat magprotekta sakin at hindi ikaw kasi...."

"Kasi ano?" mahina niyang sabi habang papalapit ako sa kung saan siya nakaupo.

"you're just my cousin, Angelo." mahinahon kong sabi sakanya at nilabas ko ang betadine sa medicine kit at ang bulak para gamutin na ang galod niya sa mukha.

Natahimik siya nang sinabi ko iyon. Ano nanaman ang nasabi kong masama? Tama naman ang sabi ko ah. He's just my cousin. Pinsan ko lang siya pero minsan kung umasta siya para siyang boyfriend ko. At hindi nakakatuwa iyon.

Habang ginagamot ko siya napatitig siya sakin kaya nadistract ako sa paggamit sakanya at bigla nalang siyang nagsalita. "I'm not just your cousin, Camila."

What? Anong ibig sabihin niyon? Pagkasabi niya non ay tumayo siya sa couch kahit hindi ko pa siya tapos gamutin, kinuha niya ang bag niya at umakyat siya sa taas ng bahay namin. Anong problema niya? Tsk.

Hinding hindi ko talaga siya magets. Ang moody niyang tao. Tss. Teka tatawagan ko nalang si Kurt. I want to talk to him. Hindi ko rin kasi alam ano na ang nangyati sakanya nang umalis kami sa school ni Angelo.

Calling.... Babe

[Babe?]

"Kurt! Kumusta ka na? Okay ka lang ba? Sorry kasi hindi na ako nakapag-paalam sayo kanina. Si Angelo ka---"

[Babe, no need to worry. It's fine with me. Okay lang ako.]

"Sor--"

[Camila, wala kang nagawang masama kaya wag kang magsorry. Yung ugok na yon ang may kasalanan kaya hindi dapat ikaw ang nagsosorry.]

"Okay. Fine."

[Wag ka na mag-alala. Matulog ka na. I'll fetch you there tomorrow. Tapos punta tayo ng park]

"Promise?"

[yes, promise.]

Pagkababa sa tawag ay dumiretsyo kagad ako sa kwarto ko. Hindi sa kwarto kong pinagtutulugan ko kundi sa kwarto kong ako lang ang nakakaalam kung anong meron doon.

Noong pinapagawa palang itong bahay namin, sinabihan ko na lagyan ng secret room ang kwarto ko. Simula kasi nang inayos na ang kwarto ko ay hindi na rin naman alam nila mom at dad even my kuyas kung nasan na ang secret room na pinalagay ko. Kasi gusto ko ako lang ang may alam kung nasaan iyon.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon