Chapter Eleven
I have no choice but to go with my kuya Jerry. Hindi kasi ako pumasok kaya ayun kailangan ko ngayon samahan si kuya sa mall. Ngayon kakatapos lang namin kumain at nag-ayos lang ako ng konti tapos umalis na kami ng bahay. Si kuya Jerry yung nagdrive since kotse niya naman yung gagamitin namin sa pagpunta ng mall.
Ang tahimik namin kasi hindi naman kami ganoong close. Masyado akong close kay kuya Jeremy pero kay kuya Jerry hindi masyado.
"Kuya bakit ba tayo pupunta ng mall?" tanong ko sakanya kasi gusto ko lang naman malaman kung ano gagawin namin saka ang tahimik kasi namin kaya nagtanong na rin ako.
"Bibilan ka ng shoes." Eh? Ang dami dami ko na ngang sapatos sa bahay tapos binilan nanaman ako ng bago? Yung totoo?
"Madami pa nga akong sapatos eh"
"Ayaw mo yun? Edi madadagdagan sapatos mo." sabi ni kuya habang nagdadrive pa rin. Nasa mood pala tong si kuya. Mabuti naman akala ko mabubuang na ako dito ng wala sa oras eh.
"Ugh. Ewan. Bahala na." yun lang ang sabi ko kasi knowing kuya Jerry kung gusto niya ako bilan ng isang bagay bibilan talaga niya ako. Mabait naman kasi si kuya hindi lang siya masyadong expressive ng mga feelings niya. Ewan ko nga kung nagkagirlfriend na tong si kuya Jerry eh. Kasi si kuya Jeremy nagkagirlfriend na eh.
Natahimik nanaman kami ni kuya kaya tumingin nalang ako sa labas ng kotse. Pero ikinagulat ko nang bigla siyang magsalita.
"Sino yung lalaking pumunta kanina sa bahay?" napatingin tuloy ako ng wala sa oras kay kuya. He's talking about Kurt! Naalala ko tuloy nung hinalikan niya ako bwisit! Noong una bago ako halikan ni Angelo I was like SANA SI KURT NALANG YON! And now na nangyari na parang naiinjs na talaga ako. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganto. "Boyfriend mo yon 'no?" dagdag pa ni kuya kaya bigla tuloy ako napaiwas ng tingin.
"KUYA!!" sigaw ko kasi sa tono ng boses niya halatang inaasar niya ako. Tss.
"Tama ako 'no? Boyfriend mo yon?" kulit nitong si kuya! Naninibagi tuloy ako kasi minsan lang siya maging ganto yung nakikipagkulitan sakin. Mostly kasi laging si kuya Jeremy ang nakikipagkulitan sakin eh.
"KUYA NAMAN EH!" medyo naiinis na sabi ko.
"Don't worry iba ang gusto ko para sayo." mas lalo tuloy ako kinabahan. Baka bigla nalang ako iblind date ni kuya ngayun! Baka sinabi niya lang na bibilan niya ako ng sapatos pero ang totoo ibablind date niya ako? OMG!!! Ayoko nga! Teka! Bakit ba ganito iniisip ko? Knowing kuya Jerry kasi omg ayoko na. Iba nalang iisipin ko. "Pero kung hindi mo yun boyfriend, crush mo yon 'no?" Lumaki mata ko sa sinabi niya kaya natawa siya.
"B-bakit ka tumatawa kuya?" hindi niya ako pinansin. Minsan talaga baliw tong si kuya! Kahit minsan lang magpakita ng emosyon, haaay mukha namang baliw kapag nangaasar. Bigla biglang tatawa eh.
Nagdrive nalang si kuya at tinigilan ako. Kaya ako naman nagsoundtrip nalang. Ayoko kasi yung tahimik feeling ko ako lang mag-isa kapag ganun saka ang weird sa feeling kapag tahimik. Kaya eto EXO songs and BTS songs on reply. Dancer rin kasi ako kaya siguro naeenjoy ko yung beat ng KPOP songs.
Siguro umabot pa ng 30min. bago sabihin ni kuya na nandito na kami sa mall. Nasa SM Megamall lang kami at medyo konti pa lang ang tao dahil maaga pa at dahil may pasok ngayun, umabsent ako diba? Kaya ganun. I feel bad tuloy.
Nang nandito na kami sa mall, sinundan ko lang si kuya sa mall. Nilalagpasan niya ang mga boutique store! Di rin kami tumigil para tumingin sa F21. Hala! Saan ba ako dadalhin nitog si kuya? Sabi na eh! Baka irereto ako nito sa kung kani-kanino. Ayoko ng ganito! Camila kumalma ka kalma! Omg!
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...