Eighteen

256 11 2
                                    

Chapter Eighteen

Kumakain kami ngayun. Nasa table na kamin lahat. Nandito na kasi sila kuya Jerry at kuya Jeremy. Eh since nandito na rin naman sila tita Sam edi kumain na rin kami. Medyo kinakabahan nga ako dahil iba yung pakiramdam ko ngayun. Una na at katabi ko si Kurt na kumakain at nandito sila mommy, pangalawa nandito rin sila tita Sam kaya medyo kinakabahan ako. Pangatlo, iba yung tingin ni Angelo kay Kurt.

Yes, ngayon ko lang talaga naconfirm sa sarili ko na tama ang hinala ko nung araw na dinala ako ni Angelo sa bahay nila. Labas pa lang ng bahay nila alam ko na kaya tumakbo ako noon palayo. Hindi ko kasi matanggap na si Angelo pala ay si Jon na pinsan ko. I was dumb! Hindi ko man lang napansin sa pangalan niya na Angelo Jon Tiamzon . Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko kasi hindi ko nanaman talaga alam itchura niya. Pero naiinis ako dahil hindi man lang niya sakin sinabi na siya yung pinsan kong kababata ko rin.

Kung sa simula pa lang sinabi na niya sakin na pinsan ko siya at kung sana hindi niya ako hinalikan edi sana okay lang sakin. Edi sana hindi masama loob ko sakanya. Hindi naman kasi talaga maiiwasan na magkaroon ng sama ng loob e, NAGSINUNGALING siya sakin kaya siguro normal lang tong nararamdaman ko na sama ng loob.

"Camila, tinatanong ka."

Nakakainis lang kasi isipin na alam niyang pinsan niya ako pero nagawa niya akong halikan sa harap ng mga kaibigan niya?! Ang sakit sa loob nun. Pinsan ko siya e! Pinsan! Alam niya dapat limitayson niya as my cousin! Protective siya oo. Pero iba ang pagkaprotective niya sakin na nagmumukha na siyang boyfriend ko kapag kasama ko siya. Nakakainis isipin na dahil nagsinungaling siya sakin kaya gusto ko siyang iwasan.

Masaya na nga ako na mas nagkakabonding kami ni Kurt kaso dumating pa tong araw na ito. At ayan nalaman ko pa ang totoo. Ang mas nakakainis ay he's acting like nothing happen at all! Para bang wala siyang nagawang kasalanan sakin. Wow ha! Manhid naman niya.

Tapos ang nakakainis pa kinantahan pa niya ako noon ng FALL FOR YOU. Like what was that for? So may gusto ba siya talaga sakin kagaya ng sabi sakin ni Kurt? What the f! Pinsan niya ako tapos magkakagusto siya sakin? Alam naman niya sa simula na pinsan niya ako tapos magkakagusto siya sakin?! Wtfudge! Hindi naman tama yung ganun.

"Camila?" Natauhan ako nang narinig kong tinatawag ako ni Kurt

"Oh?" maikli kong sagot sakanya.

"Tinatanong ka ng mom ni Angelo." pagkasabi yon sakin ni Kurt napatiin kagad ako kay Tita Sam. At tinano ko siya kung ano ulit yung tinatanong niya sakin.

"How's school? Almost 2 months na rin kayo sa school right? Mabait ba tong si Jon?" tanong sakin ni tita at nakasmile pa siya.

Mabait? Maybe in a way he is kind. Pero kung titignan natin kung saan nagsimula. I will say hindi. Kasi hinalikan niya ako for Pete's sake! Nako kung alam lang nila tita yung ginawa niya baka magalit sila tita. At the fact na lagi niya ako tinatakas sa kung saan saan. Okay naman sakin kaso nga lang di naman tama na para niya akong kinikidnap kapag gusto niya na samahan ko siya sa kung saan man siya pupunta.

Napatingin ako kay Kury Jeremy at nakita ko siya na ang sama ng tingin kay Angelo. Of course he will. Siya ang pinakauna na sinabihan ko na hinalikan ako ni Angelo. Aish! Ayaw mawala sa isip ko yung araw na yon kasi sobra talaga akong nainis sakanya!

"Tita, to be honest," tumingin ako kay Angelo at nagulat ako kasi nakatingin siya sakin "he's not that kind. Nako tita kung alam niya lang..." napailing nalang ako tapos kumain ulit ako tapos tumawa naman si tita Sam sa sagot ko.

"Ganyan talaga yang si Jon, pilyo kasi." Nang sinabi yon ni tita tahimik lang si Angelo.

I can feel the tension surround us. Ang pagtingin ng masama ni Angelo kay Kurt. Lalo naman ang pagtingin ng masama ni Kuya Jeremy kay Angelo. Para tuloy akong sinasakal dito. Para kasing nagpapatayan sila ng tingin sa ginagawa nila.

Nang matapos kami kumain ay pumunta ako kagas sa living room para maginternet sa phone ko at nagulat ako nang biglang tumabi sakin si Kurt sa kanan ko at si Angelo naman sa kaliwa ko.

Ano naman kaya problema ng dalawang 'to? Para kasing sinisiksik nila ako ng sobra. Ang laki laki ng sofa namin dito sa living room tapos sinisiksik nila ako. Ano bang gusto nila? Ang mapisat ako? Tss.

"Camila, selfie tayo?" alok sakin si Kurt at hindi naman ako tumanggi. Nagpicture kami ng isang selfie na nakawacky face tapos natatawa pa kami kasi nakakatawa yung itchura namin sa picture.

Kaso nang kinalabit ako ni Angelo nakuha niya atensyon ko. "Picture tayo? Dalawang shots ito." hinanda na niya yung phone niya kaya hindi na ako tumanggi. Yung unang picture nakasmile kami at yung pangalawang picture naman ay nakapeace sign kaming dalawa. Di ko alam bakit nakipagselfie din siya. Tss.

"Kukuha lang ako ng cookies" Sabi ko sakanilang dalawa kaso tatayo pa lang ako bigla na silang dalawa tumayo at nagsalita.

"Ako na kukuha." / "kukuha ako para sayo."

Napakunot noo ako. Ano bang problema nila? Pagkasabi nila nun ay pumunta sila agad sa may counter table sa bahay. Nagulat ako nang pagbalik nila. Si Kurt may dalang dalawang cookies at juice. Si Angelo naman ay may dalawang tatlong cookies at juice. -.-

Iniabot nila sakin yung cookies at juice pero nagsalita na ako "sainyo na yan, kukuha nalang ako ng akin." pagkasabi ko ay tumayo na agad ako kasi baka may kumontra sakanila kapag hindi pa ako tumayo.

Dumiretsyo agad ako sa counter table namin at kumuha ako ng isang cookies at kinain ko agad iyon. Nang naubos ko ay kumuha ulit ako ng isang cookies at pabalik na ako sa may living room nang narinig ko yung usapan ni Angelo at Kurt.

"Akin siya." napakunot noo ako sa sinabi ni Angelo

"Nahihibang ka na ba? Never siya naging sayo." sabi ni Kurt habang nagsasalita pero di naman nakatingin kay Angelo.

"Matagal na siyang akin."

"Hindi porket gusto mo siya gusto ka na rin niya." sabi naman ni Kurt at doon napatingin si Angelo sakanya. "Pinsan mo nga siya e. Hindi kayo pwede." doon naman ako nag

"Wala kang alam. Walang wala." seryosong sabi pa ni Kurt.

Bago pa magkainitan sila ay tumuloy na ako sa living room at doon lang sila umayos ng upo. Nagpanggan nalang ako na wala akong narinig sa mga pinagsasabi nila kahit sobra na akong nalilito sa pinagsasabi ni Angelo.

Ang tahimik namin tatlo kahit na magkakatabi kami dito sa sofa. Siguro epekto na rin nito ng paguusap nila.

"Kurt?" nakuha yung atensyon naming tatlo nang biglang nagsalita si mom at nasa harapan pala namin siya.

"Yes, Mrs. Tiamzon?"

"Can I talk to you?"

"Of course, Mrs. Tiamzon."

"You can call me tita, Kurt. Okay? Come with me." Pagkasabi nun ni mommy sinundan na siya agad ni Kurt. Baka maguusap sila sa office room ni daddy dito sa bahay. Ano naman kaya paguusapan nila? Ayoko munang alamin.

Nang makaalis na sila mom at Kurt tatayo na sana ako sa kinaupuan ko kaso pinigilan ako ni Angelo sa pagtayo ko na pinagtataka ko.

"Ano ba?!" iritang tanong ko sakanya.

"Mag-usap tayo."

"Ano pa bang ginagawa natin ngayon?"

"Yung matinong paguusap." sabi ni Angelo sakin at bigla nalang siyang tumayo at tinayo niya rin ako sa pagkakaupo ko sa sofa. Kaso hindi ko inaasahan nang bigla nalang niya akong niyakap. Kakalas sana ako sa pagkayakap niya kaso hinigpitan niya ang pagyakap sakin.

Angelo, ano bang ginagawa mo?!

---
Sorry sa delay update. Busy kasi ako eh. Sana magustuhan niyo tong chapter na ito :)

-BYEpjulienne

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon