Chapter Thirty (Part 2)
"Ang tanga tanga ko!" sigaw ko dito sa cr at tuluyan na nga akong naiyak...
Nilock ko mismo ang cr. Wala akong pakielam kung may kumatok. Ayokong magmukmok sa mismong cubicle kaya dito ako mismo magmumukmok sa hallway ng cr.
Bakit ba kasi hindi ko nahalata na niloloko na niya ako? Dahil ba kasi mahal ko siya? Dahil may tiwala ako sakanya? Pero pesteng tiwala yan, kaya ako nagkakaganto ngayon.
"C-camila? Buksan mo tong pinto." narinig ko ang boses ni Angelo. Peste nakakainis siya! Naiinis din ako sakanya.
Ilang araw ako nagtimpi, ilang araw ko tinago pero alam ko. Oo alam ko na si Angelo may kagagagawan ng lahat. Kakampi niya pa si Kurt pati sarili kong kuya! Nakakaggo lang!
"Kelan mo balak sabihin?" tanong ni kuya kay Angelo habang binubuksan niya yung wine at nilagyan niya yung baso ni Angelo at baso niya.
Nandito ako sa may hallway. Bababa sana ako pero narinig ko bigla nalang tinanong ni kuya si Angelo. Nacurious ako kaya hindi nalang ako bumaba.
"Bukas." sabi niya kay kuya Jerry pagkatapos niyang inumin yung wine na nasa baso niya.
"Lahat lahat?" Tanong naman ni kuya Jerry at nilagyan niya ulit yung baso ni Angelo at baso niya ng wine.
"Hindi rin ako sigurado diyan."
Ano ba kasi yung pinaguusapan nila? Damn! Kanino ba nila sasabihin? Hindi ako chismosa pero kinakabahan kasi ako. Hindi naman ako ganito, i mean hindi ako ganito kabahan pero bakit sobra akong kabado ngayon? Ano bang nangyayari sakin?
"Are you going to tell her what happened on her first day of school too? I mean behind that kiss thing you did to her?"
Wtf! So alam talaga ni kuya Jerry yung tungkol doon? Alam niya na hinalikan ako ni Angelo? Pero paano? Imposible namang sinabi yon sakanya ni kuya Jeremy! Naguguluhan na ako!
Kinuha ni Angelo yung baso niya at uminom ulit ng wine "Hindi ako sigurado. Jerry, damay ka don. Ako, ikaw at si Kurt. Damay tayong tatlo. Hindi man tayo ang nagsuggest about sa kiss na yan, aba sangkot pa rin tayo dito kasi pinlano natin 'to."
"Ako lang ang nagsabi na gawing memorable ang first day of school ni Camila pero si Kurt ang nag-isip na halikan mo siya at ginawa mo naman. Sana sa reaksyon ko noong araw na sinabi ni Kurt na halikan mo nalang si Camila ay nahalata mo na agad na ayoko ng plano."
What!? Nakakainis naman! Talagang alam ni kuya ang tungkol dito! Kasama siya sa mga nagplano! Kasama ang kuya ko! Kuya ko pa naman siya!
At loko naman tong si Angelo, ginawa naman niya ang sinabi ni Kurt? Nakakaggo lang! Naiinis ako sakanila! Kung nasa katinuang pagiisip tong si Angelo di niya gagawin yon! Pero nakakainis kasi hinalikan niya talaga ako.
"Okay sige, siguro kasalanan ko rin kasi gusto kong balikan ako ni Ienne. Sige part of that kasalanan ko. Pero involve pa rin kayong dalawa."
Sht. Niloko niya ako! Oo alam kong pinsan ko siya pero nakakainis! Sabi niya gusto niya ako tapos maririnig ko ito ngayon? Wow! So all the time joke lang? Lahat ng sinasabi niya sakin malaking biro lang? Nakakainis! Kasama lang pala yon sa plano nila? Aba! Nakakainis talaga!
Hindi ko na kaya tong mga naririnig ko. Nakakainis! Ang tanga ko naman!
Bumalik na ako sa kwarto ko pero hindi ako gumawa ng ingay para hindi sila makahalata.
Bakit ba nila ito ginagawa sa akin? Ang masakit kasama pa ang kuya Jerry ko. Bakit sila ganyan? Ang sakit! Pinagkaisahan nila ako.
Ang sabi sakin ni Angelo, trip lang yong halik na yon. Pero planado pala lahat. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Dla nastolatkówAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...