Nine

300 13 0
                                    

Chapter Nine

"WAAAAAH OMG!" kakatapos lang namin sumakay ni yabang sa Space Shuttle at sobrang saya ko kasi yun ang pinaka-gusto kong ride dito sa EK. Wala akong ginawa kundi tumili ng tumili. Hindi ko nga alam kung nabibingi na sakin si yabang kasi ka kapag tinatanong ko naman kung nalalakasan siya sa sigaw ko sabi niya hindi naman. Hay.

"It's good to see you smiling." sabi niya habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng foods. Pailing iling pa siya habang naglalakad tapos ngumingiti.

Baliw na siguro siya? Kanina pa siya ngiti ng ngiti lalo na kapag sumisigaw ako sa rides. Nakakailang tuloy parang ayoko nang sumigaw pero hindi ko mapigilang hindi sumigaw eh. Wala eh masyado kasi akong expressive pagdating sa ganito lalo na kapag nageenjoy ako.

"Araw araw naman ako ngumingiti ah." sabi ko habang paupo na kami sa upuan kasi medyo kanina pa kami naglilibot dito sa EK at nakakapagod rin pala pero enjoy na enjoy ko talaga.

"Ngayon lang kita nakitang ngumiti. Lagi mo kaya akong tinatarayan."

Haha. Ohwell. Hindi naman niya siguro ako masisisi kung tinatarayan ko siya eh. Syempre iba na yung first impression ko sakanya kaya ganun pinapakita ko sakanya, yung ugali kong matapang. Pero habang tumatagal gumagaan na talaga loob ko sakanya. Masaya ako kapag kasama ko siya kahit minsan naiinis na talaga ako sakanya. Tsk.

Hindi ko siya sinagot kasi nang umupo na ako bumili na siya ng pagkain, hindi na niya ako tinanong kung anong gusto ko kasi ang sabi ko lang "kahit ano" eh bahala na siya bumili ng kahit ano. Haha! Ewan ko ba sa lalaking 'to.

Halos 5min. din ako naghingay bago siya nakarating ulit sa kinauupuan ko. Hotdog saka soft-drink lang pala binili niya eh. Okay lang busog pa naman ako kaya keri lang kahit eto lang binili niya. Kinain ko kagad yung hotdog kasi gusto ko pa sumakay ng rides para sulit yung pagpubta namin dito. Kaso ang bagal niya kumain.

"Uy bilisan mo naman kumain." sabi ko sakanya pero medyo nag-aalangan pa ako kasi tutok na tutok siya sa cellphone niya. Tapos nakakunot pa noo niya. Gusto kong tanungin sino katext niya or kung ano man binabasa niya kaso nahihiya naman ako.

Kaso nang bigla siyang napatingin sakin dahil nahalata niya atang titig na titig ako sa ginagawa niya buti nalang nagring yung phone ko. At sinagot ko kagad.

"K-kuya?" medyo nag-alangan ako kasi ayaw na ayaw nga ni kuya Jeremy na makasama ko si yabang. Ewan ko ba kung anong dahilan niya basta parang galit talaga siya kay yabang eh.

[Where are you?! Bakit wala ka sa bahay? Umuwi ka na!]

Ano nalang sasabihin ko? 'Kuya nandito ako sa EK kasama ko si Angelo. Wag ka mag-alala mabait naman siya' No way! Baka mas uminit ulo ni kuya kay yabang. Kinakabahan ako hindi ko alam sasabihin ko sakanya. Iba kasi magalit si kuya eh.

"Mamaya kuya uuwi rin ako."

[WHAT THE HELL CAMILA! I'M ASKING WHERE ARE YOU! MAHIRAP BA SAGUTIN YON? SINO KASAMA MO?!]

Wrong move. Kasi naman tong si yabang eh. Ayan tuloy. Ayoko kasi magalit sakin si kuya kaso kapag nagsinungaling ako magagalit siya sakin lalo naman kapag sinabi ko ang totoo tiyak na magagalit talaga siya sakin. Kasi naman tong si yabang bakit kais bumait sakin ayan tuloy.

"K-kuya..."

[DON'T YOU DARE NA MAGSINUNGALING SAKIN, CAMILA.]

Napatingin tuloy ako kay yabang ng wala sa oras. Halata sa mukha niya na worried siya pero bahala na nga sasabihin ko nalang kay kuya na kasama ko siya.

"Okay. Pero wag kang magagalit kuya..."

[Just tell me kung nasan ka at kung sino kasama mo.] Huminahon si kuya kaya medyo gumaan ng konti pakiramdam ko. Pero kinakabahan pa rin ako.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon