Twenty Seven

247 7 0
                                    

Chapter Twenty Seven

"Angelo, trust me. Kaya ko 'to."

Kanina pa ako inaalalayan nitong ni Angelo sa pagakyat dito sa bundok. Kanina ko pa rin sakanya sinasabi na kaya ko nga umakyat ng bundok na mag-isa lang.

"Hindi mo--"

"Angelo! Do you think mauuna sila kuya doon sa pagakyat kung alam nilang hindi ko kaya?!" doon natigilan si Angelo. Kasi knowing my kuyas kung alam nilang hindi ko kaya ang pagakyat ng bundok edi ngayon sana inaalalayan nila ako. But since they know that I can, ayun nauna sila parehas sa pagakyat ng bundok.

"Okay fine. Just be careful."

"Ikaw ang mag-ingat" Sabi ko sakanya at saka tinulak ko siya ng konti kaya na out of balance siya pero nagawa pa rin niyang hindi matumba kaya tumakbo ako sa pagakyat ng bundok kaya hinabol naman niya ako.

"OH MH GOD ANGELO! HAHAHAHAHA" sabi ko nang nasa tuktok na ako ng bundok. Naabutan namin si kuya Jerry at kuya Jeremy na nagpipictorial dito sa tuktok ng bundok kaya natawa kami ni Angelo.

"Diyan pala nagkakasundo mga kuya mo." natatawa na sabi ni Angelo.

Kung tutuusin kasi pagmomodel ang hilig nila kuya pero dahil gusto daw nila tulungan sila mom at dad sa business ay nagsacrifice sila sa kagustuhan nilang magmodel at nagbusinessman nalang muna. Saka mahilig din sila mga photograph kaya kapag nagoouting kami, sila lagi ang nagpipicture samin.

"OHMYGOSHANGLAKINGPAPAYA!" dahil sa tuwa ko ang bilis ng pagkasalita ko nang may makita akong malaking bunga ng papaya dito sa bundok namin. Hindi kaming lagi nandito sa Laguna pero meron kaming caretaker ng bahay namin saka nitong bundok namin.

Nagulat siguro sila kuya sa reaction ko kaya bigla silang napalapit ng wala sa oras sa pwesto namin ni Angelo.

"Akala ko may masama nang nangyari sayo yun pala dahil lang diyan sa papaya." sabi ni kuya Jeremy at napakamot pa sa ulo niya. Tinawag niya si manong joel na caretaker namin dito para iharvest tong papaya kasi hindi naman marunong tong mga kasama ko saka baka kung ano pa mangyari sa kamay nila kapag sila kumuha non tsk.

Nang makuha na yung mga papaya nilagay yun ni manong joel yung mga papaya sa lalagyan na dinala nila kuya Jeremy.

"OHMYGOSHANGDAMINGCALAMANSI!!!!" umatake nanaman yung pagkahyper ko kasi nag kukyot nung mga calamansi. Ang daming bunga! At amoy na amoy yung calamansi. Omg! Gusto kong pumitas kaso pinigilan ako ni kuya Jerry.

"Kami na bahala."

"Kj. Paexperience lang eh." sabi ko tapos nagsad face ako. Pero hindi naman umubra kay kuya Jerry. Tss.

"Let her. Alalayan niyo nalang sa pag-akyat." biglang sabi naman ni kuya Jeremy kaya nagsmile ako at niyakap ko si kuya Jeremy.

Hindi na nagsalita si kuya Jerry kundi um-oo nalang siya. Tumapak ako sa may trunk ng puno saka ako inalalayan ni Angelo at nakabantay naman yung mga kuya ko. Nang inaabot ko na yung calamansi sa di naman kataasan na sanga biglang nadulas yung kaliwang paa ko kaya naput of balance ako ang mabuti ay nasalo ako ni Angelo. Shiz tinititigan pa ako.

"Tama na yang titigan. I told you, kaya ayaw kitang pakuhanin kasi di mo kaya." sabi ni kuya Jerry at saka inalis niya pagkahawak ko kay Angelo at tinayo niya ako.

Ngumisi lang si Angelo. "Crush kasi ako ni Angelo! HAHAHAHAHAHAHAHAHHA!" bigla kong sabi "GANDA KO KASI."

"Totoo naman eh."

Kumunot noo ng dalawa kong kuya.

"Tama na yan. Uwi na tayo" kinuha ni kuya Jeremy yung calamansi na nakuha nila saka yung papaya pero nagpaiwan muna ako at sinamahan naman ako ni Angelo.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon