Thirty Three

161 6 0
                                    

Chapter Thirty Three

Matapos ang aking Sweet 16 dito sa States nagstay pa kami ng ilang araw dito para magrelax.

Pero kahit anong gawin kong relax hindi ako marelax. Tuwing naiisip ko kung paano ako hinalikan ni Angelo noong birthday ko lagi nalang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Lately laging siya nalang ang naiisip ko. Bakit ganon?

Grabe naman epekto ni Angelo sakin
Para akong mababaliw kasi kahit anong gawin ko, siya lang naalala ko.

"Ngayong alam ko nang may lugar din ako diyan sa puso mo, gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang."

Deymn. Kapag naiisip ko yung sinabi niyang yon sa akin hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Para na nga akong baliw kasi halos 2 araw na ang nakalipas simula nung hinalikan niya ako nung birthday ko pero sariwa pa rin sa isip ko kung paano niya ako halikan at kung ano ang mga sinabi niya sa akin. Tandang tanda ko pa.

Kung paano niya ako titigan bago niya ako hinalikan, kung paano niya ako hinalikan at kung paano niya hinawakan ang aking mukha. Lahat ng iyon tanda ko pa at mukhang hindi ko makakalimutan.

"Camila? Are you listening to me?" natauhan ako nang biglang may nagsalita sa aking harapan. Si Kuya Jeremy pala.

Nasa isa kaming restaurant ngayon dito sa States for a business meeting at hindi ko nga alam kung bakit kasama pa ako dito.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Ano ba talagang purpose ko at kasama ako ni kuya ngayon dito sa business meeting na 'to?!

"Uhmm..."

"As I was saying... When you're 18. Ipapakasal ka sa anak ng business partner ng company natin. Sa anak ni---"

Wait?

Tama ba tong naririnig ko?

Sa wattpad ko lang 'to naririnig ah. Yung mga tipong arraged marriage para sa business nila? Eh bakit nangyayari sakin 'to ngayon?

"Stop it right there kuya. Are you serious? Ayoko. Ayokong may dumidikta sa buhay ko kuya. Kahit pa sino yan. Ayoko."

Napailing pa ako. Mahina ko lang sinabi iyon pero sapat na para marinig ni kuya. Nasa isang public place kami kaya hindi ko kayang lakasan ang boses ko kasi ang dami rin tao dito sa restaurant na 'to. So kaya niya ako kasama kasi para sabihin iyon sakin? The f! Ayoko. A-Y-O-K-O. Kahit sino pang gwapo yan! Kahit si Logan Lerman pa yan. Maygad. Eh hindi ko naman mahal yon e. Mabuti pa kung mahal ko siya.

"No, Camila. Our company need this. Can you just wait for my e---"

"Edi ikaw magpakasal sa anak nung ka-business partner ng company natin." walang gana kong sabi sakanya.

Naiinis lang ako kasi bakit kailangan pa ng ganito? Hay.

Napapikit si kuya Jeremy at saka huminga ng malalim "Lalaki ang anak ng business partner natin, Camila."

"At ganon nalang kadali sayo kuya para ipakasal ako sa taong hindi ko mahal kapag nag18 ako?!"

Nakatitig sakin si kuya nang sinabi ko iyon "This is for our business Ca--"

"Kuya naman! Puso ko ang pinaguusapan dito! Wala akong pakialam kung para sa business natin 'to. Madami pang ibang paraan kuya. Sila lang ba ang mga clients natin? Hindi naman diba? Pwede pa namang maghanap ng iba. Damn it!"

Kahit alam kong nawawala ang respeto ko sakanya kasi matanda siya sa akin pero hindi naman kasi tama na diktahan niya ang damdamin ko.

He might me my kuya. Pero kapag business ang pinaguusapan parang hindi niya ako kapatid. Nakakainis lang kasi involve na dito ang nararamdaman ko.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon