Thirty Eight

110 1 0
                                    

Chapter Thirty Eight

"Camila, hintayin mo ako diyan sa bahay niyo. After 5min. nandyan na ako"

Tinawagan ako ni Angelo pero hindi na niya inantay ang sagot ko at pinatay niya agad ang tawag niya sa akin. Napailing nalang ako. Biglaan naman kasi tumawag tong si Angelo.

Ano nanaman kaya ang gagawin niya dito? Bihira lang yon tumawag sa akin ng madalian kagaya nang ginawa niya kanina. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin mamaya? Pwede naman kasi sabihin na niyang diretsyo kanina nung tinawagan niya ako, pero bakit kailangan ko pa siyang antayin dito sa bahay?

Napatayo tuloy ako nang wala sa oras sa aking pagkahiga sa kama ko. Nag-ayos ako ng kaunti para mas maging presentable ang itchura ko kapag nandito na si Angelo mamaya. Ano nanaman kayang pakulo tong gagawin ni Angelo? Lately lagi siyang ganyan. Laging nagsusurpresa sa akin. Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit ganyan siya.

May gagawa siguro siyang kasalanan sakin?

Pero hindi naman. Knowing him, sasabihin niya agad sakin iyon kung meron man siyang nagawa dahil alam niyang magagalit ako kapag hindi niya ito sinabi sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip sa gagawin niya mamaya.

Bumaba na ako para kumain muna nang kaunti dahil hindi pa ako nagbebreakfast. Kumuha lang ako nang cupnoodles at nag-init ng tubig para dito. After 5min. nainit na yung tubig at nilagay ko na ito sa cupnoodles at nagsimula na akong kumain.

Patapos na akong kumain nang may marinig akong nagdoorbell. Tatayo na sana ako pero inunahan na ako ni kuya Jeremy para tignan kung sino ang nagdoorbell.

Lumabas si Kuya para pagbuksan yung nagdoorbell pero nagpatuloy nalang ako sa aking pag-inim ng tubig.

"Camila!"

Munik na akong mabulunan nang bigla akong tawagin ni Angelo.

"Oh no, im sorry Camila." lumapit agad sa akin si Angelo at bigla bigla namang akong niyakap. Mga galawan niya eh 'no.

Makalipas ang ilang minuto hinila niya ako kaya muntik na akong matalisod sa pagkagulat.

Nang makalabas kami nang bahay ay pinagbuksan niya agad ako ng pinto sa kotse niya sa may passenger's seat at pagkatapos ay dumiretsyo naman siya sa may driver's seat. Hindi ko pa rin akam kung anong gagawin niya. Saan niya ba ako dadalhin?

"Uhm, Ange--"

"Don't worry, pinagpaalam na kita sa Kuya Jeremy mo."

Natahimik nalang ako sa sinabi niya at saka inenjoy ko nalang ang tugtog aa kotse niya. Medyo kinakabahan din kasi ako sa kinikilos niya. Ano nanaman tong gagawin niya? Surpresa nanaman ba ito?

Hindi na ako mapakali nang natatanaw ko na ang kanilang bahay...

Ano ba 'to? Bakit niya ako dinadala dito sa bahay nila?

Nagpark muna si Angelo sa may garahe nila bago niya ako pagbuksan ng pinto at pagkalabas na pagkalabas ko ay nilagyan niya ako ng blindfold sa mata ko.

"Uhh, Angelo? Ano nanaman 'to?"

"You'll see." sabi niya at pakiramdam ko ay ngumiti pa siya habang sinasabi niya ito.

"Per--"

"You trust me right?" diretsyong tanong niya sa akin.

"Yes." mabilis kong sagot sakanya.

"Alright, just hold my hand. Dont ever let go." pagkasabi niya nito ay hinawakan niya agad ang aking kanang kamay at nagsimula siyang maglakad. Inaalalayan niya din ako sa aking paglakad kasi wala akong makita dahil sa blindfold na nasa mata ko.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon