Chapter Thirty Six
"Ate Camila! Yehey! Bumalik kayo ni kuya Shawn!" sigaw ni Mae. Nakakatuwa naman at kilala pa rin niya kami ni Angelo kahit ngayon nalang ulit kami bumisita dito sa ampunan. Si Mae ang laging kumakausap sa amin ni Angelo kapag pumupunta kami dito sa ampunan noong high school pa lang kami ni Angelo.
Tumangkad na nga tong si Mae eh. Ngayon nga ay nasa may beywang ko na siya. Nakakatuwa at ang jolly pa rin niya kagaya nang dati. Yung ibang bata rin dito sa ampunan ay kilala pa rin kami ni Angelo at tuwang tuwa talaga silang makita kami ulit.
Hay. Dapat pala dati ko pa sinabihan tong si Angelo na bumisita kami dito sa ampunan. Pero ayos lang, di naman ako nagsisi na ngayon ko lang niyaya si Angelo na bumisita dito ulit sa ampunan.
Nasa room kami ng mga toddlers ngayon at nakikipaglaro kami sakanila. Ang cute pa din nila at ang lalaki na rin nila. Nakakatuwa nga at kilalang kilala pa din nila kami kahit na nokng high school pa lang kami ni Angelo ay bihira lang kami pumunta dito pero tandang tanda pa rin nila kami.
"Namiss mo kami ni ate Camila ano, Mae?" nakangiting tanong ni Angelo kay Mae. Naglalaro lang si Mae ng jackstone kaya hindi siya makatingin kay Angelo habang tinatanong siya nito. Bago tigilan ni Mae ang paglaro ng jackstone ngumiti ito ng marahan at hinarap si Angelo.
"Opo!" masiglang sabi nito kay Angelo. "Kasal na po ba kayo ngayon?" tanong ni Mae at humagikgik pa ito.
Nagulat ako sa tinanong ni Mae kaya pinaglakihan ko ng mata si Angelo na sobrang lapad ng ngiti sa sinabi ni Mae. Baliw talaga tong si Angelo kung makangiti ang wagas eh.
"Hindi pa. Pero girlfriend ko na si ate Camila mo." nakangiti pa ding sabi ni Angelo kay Mae. At bigla pa niyang hinawakan ang kanang kamay ko and then he intertwined it with his hand. Shems eto nanaman ang simple gestures niya na kinakikiligan ko. "Pero malapit na kaming ikasal." dagdag pa niya.
"Angelo!" napalakas ang boses ko at marahan naman siyang tumawa at si Mae naman ay humagikgik pa ulit na tila kinikilig sa aming dalawa ni Angelo. Ang ibang bata naman ay tila nabulat sa paglakas ng boses ko kaya bigla silang napatingin sa amin at saka nginitian ko nalang sila at nagsorry.
"Tigilan mo ako sa jokes mo ah." inis na sabi ko sakanya. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko at onting galaw ko lang ay hinihigpitan niya agad ang paghawak dito na tila bang ayaw niya akong pakawalan.
"It's not a joke, Camila...." sabi niya pero hindi siya sa akin nakatingin. Tinititigan niya kasi ngayon si Mae kung paano maglaro ng jackstone at tila minememorize niya kung paano ito gawin. Kaso nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at nagsalita ulit. "...One day, I'll marry you." naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi pero pinalo ko lang siya sa braso niya.
"What? Di ako nagloloko. Papakasalan talaga kita." nakangiting sabi niya sa akin na ngayon ay titig na titig sa akin.
"Sus. 18 pa lang tayo tapos ganyan na iniisip mo?" pailing iling kong sabi sakanya.
"Basta kapag sinabi ko, gagawin ko."
Yun lang ang huling sinabi niya kasi tila ayaw na niya akong kausapin kasi busy na siya sa pakikipaglaro kay Mae.
Habang naglalaro pa rin si Mae ng jackstone ay nakilaro na rin si Angelo kay Mae kaya sabi ko sakanya ay pupuntahan ko lang muna si Ate Amy kasi dito kami kagad dumiretsyo sa room ng mga bata at mukhang hindi pa ata alam ni Ate Amy na nandito kami ni Angelo kaya pupuntahan ko nalang siya sa may office niya. Tumango naman si Angelo bilang sagot niya kaya umalis na ako at pinuntahan si ate Amy.
Naglalakad ako sa hallway ng ampunan nang may mataan akong isang babae na naglalagay ng paper sa may bulletin board ng ampunan. Noong una kinabahan ako kasi siya lang ang tao doon. Pero nilapitan ko ito kasi parang si Ate Amy ata iyon at nang makalapit ako ay tama nga ako, si Ate Amy iyon.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...