10 to 15 chapters to go...
Chapter Thirty (Part 3)
Sinabi ng host na sa amin daw ni Angelo ang dancefloor, bigla namang tumugtog yung King and Queen of Hearts sa mismong pagtapak namin ni Angelo sa dancefloor. Automatikong nilagay ni Angelo ang kamay niya sa baywang ko at nilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang balikat.
Napangiti ako nang makita kong nakatitig sa akin si Angelo. Napaiwas naman agad ako ng tingin. Naiilang pa rin ako dahil sa mga nangyari kanina habang wala kami dito sa function room.
"You're beautiful, Camila. Sabi sayo tayo mananalo eh." sabi niya sa akin kaya napatingin ako sakanya. Titig na titig talaga siya sa akin. Sayaw lang kami ng sayaw kasabay ng beat ng kanta. Bakit ba ako naiilang sakanya? Ugh.
"Tss. Binibola mo ako." napailing iling pa ako
"Hindi ka bola para bolahin. Trust me. Totoo ang sinasabi ko." sabi naman niya pero umiwas naman ulit ako ng tingin sakanya. Naiilang kasi ako.
Sumayaw lang kami ng sumayaw at yung iba pang mga estudyante ay kinakantyawan si Angelo. Natatawa nalang ako. Ingat na ingat siya sa pagsayaw niya sa akin. Kahit di ako nakatingin ng diretsyo sakanya, ramdam ko naman ang titig niya sa akin.
"Look at me..." bigla niyang sabi at pagkasabi niya niyon ay bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagiging abnormal nanaman ang tibok nito. Ganito talaga epekto sa akin ni Angelo.
"Camila..."
Hindi pa rin ako makatitig sakanya. Naiilang pa din ako sakanya.
"Look at me, Camila..." doon na ako tumingin sakanya. Titig na titig siya sa akin. Halata pa sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Kung kanina binalot ito ng pagaalala, pero ngayon kitang kita sa mata niya na masaya siya. Ang bilis bilis ng heartbeat ko! Damn!
"Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko ng ganito..." sabi niya at bigla niya inalis sa balikat niya ang kanang kamay ko at saka nilagay ito sa kanyang dibdib kung saan nakatapat ang puso niya. Ramdam ko sa aking palad ang bilis ng tibok ng puso niya. Di ko maiwasang hindi mapangiti.
"Ikaw lang ang may kagagawan niyan." dagdag pa niya
Napangiti nalang ako sakanya at saka sumaway ulit kami.
Nang matapos ang isang buong kanta ay sinabi naman ng host na open na ulit ang dancefloor sa lahat ng gusto pang sumayaw. Slow song pa din. Pabalik na kami ni Angelo sa table namin nang biglang may humawak sa balikat ko at napalingon ako sa aking likod.
Si Kurt...
Di ko alam pero automatic akong napatingin kay Angelo para makita ang reaksyon niya. Nakakunot noo ngayon si Angelo.
"Pwede ba kitang maisayaw?" tanong ni Kurt sa akin.
Napangisi ako. Lahat ng galit ko, lumabas nanaman. Naiinis nanaman ako sakanya. Akala ko talagang hindi na ako naiinis sakanya pero nagkakamali ako kasi naiinis pa rin ako sa kanya.
"Pare, akin si Camila. Di ako papayag na isayaw mo siya." dali daling sabi ni Angelo kaya naman biglang napatingin si Kurt sakanya na ngumisi pa bago magsalita.
"Pare, girlfriend ko yang kasama mo. May karapatan akong isayaw siya." halata sa bosss niya ang pagkainis kay Angelo habang sinasabi niya yon.
"Girlfriend ba ang turing mo sakanya o playtoy?" naiiritang tanong ni Angelo kay Kurt.
"Ggo!" sigaw ni Kurt kay Angelo at akmang susuntukin ito pero nagsalita na ako.
"Ayaw kitang kasayaw, Kurt. Iwanan mo na kami ni Angelo." mahinhin kong paliwanag kay Kurt at nakuha ko naman ang atensyon niyang kanina na kay Angelo.
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...