Thirty One

211 3 0
                                    

Chapter Thirty One

"Naalala mo pa ba tong lugar na 'to?" tanong kagad sa akin ni Angelo nang makarating kami sa isang pamilyar na park. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Ito yung lugar kung saan kami dati kagi naglalaro. Dito kami lagi nagpipicnic nila mom, dad at mga kuya ko kasama sila Angelo. Nakakamiss din pala tong lugar na 'to.

Naglakad pa kami nang naglakad. Mapapansin mo talaga samga puno na sobrang tanda na nito. Yung ibang dahon nila ay nalalaglag sa mga grass pero maganda pa rin tignan. Nang makarating kami ni Angelo sa kung saan kami dati nagpipicnic umupo agad kami sa grass. Nakakamiss 'to. Namiss ko tong lugar na 'to.

"Oo naman. Hinding hindi ko makakalimutan tong lugar na 'to." sagot ko sa tanong niya sa akin. Humiha siya sa mga damo at nilagay niya ang kamay niya sa likod ng ulo niya pero ako ay nanatiling nakaupo, indian seat to be exact.

"Angelo! Ano ba yan! Bagalan mo naman pagtakbo!" sigaw ko sa pinsan ko. Nandito kami ngayon sa park. Nagpipicnic kasi kami kasama sila mommy, daddy, kuya ko at saka sila tita at tito pati na rin tong si Angelo kaya nga naglalaro kami ng habulan ngayon e.

Hinahabol niya ako para tayain pero ang bilis bilis niya tumakbo. Bakit ganon silang mga lalaki? Pati rin mga kuya ko ang bibilis tumakbo para silang sinaniban ni Dash sa The Incredibles.

Dahil sa napagod ako sa pagtakbo pumunta muna ako kila mom at tita para humingi ng tubig at kagad naman nila akong binigyan ng tubig. Pero pagkatapos ko uminon nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Taya! Ikaw na taya!" nakasmile na sabi ni Angelo kaya nagsadface ako.

"Ang daya mo naman eh! Umiinom kaya ako. Napagod kasi ako kakatakbo eh." reklamo ko sakanya.

"Hindi ka naman nag-taym pers eh. Pero sige pagbibigyan kita." sabi niya at saka umupo siya sa tabi ko. Natuwa ako sa sinabi niya kaya niyakap ko siya.

Pinsan ko si Angelo na kababata ko rin. Lagi kaming naglalaro ni Angelo pati sa school. Naalala ko naguidance office siya kasi sinuntok niya si Kurt. Inaasar kasi siya kaya ayun sinuntok niya. Pinagtanggol lang din naman ako ni Angelo nun eh.

Grade 1 pa lang kami ngayon. Kami kasi ni Angelo ang pinakaclose. Sila kuya? Minsan kasi may sarili silang mundo kaya hindi nakikisama si Angelo sakanila.

Nagulat ako nang bigla akong kiniss ni Angelo sa forehead ko kaya agad napalaki mata ko at saka napakunot noo ako sakanya.

"Bakit mo ako kiniss? Sabi ni mommy gawain lang daw yon ng matatanda eh bata pa tayo ah!" sabi ko sakanya pero nakangiti lang siya. Ano bang problema niya?

"Ang cute mo magalit..." natatawa niyang sabi. Kaya pinalo ko siya kaya nag-ouch siya. "Gusto kasi kita, Camila." dagdag pa niya

"HA?! GUSTO MO AKO?!" mas lalong lumaki mata ko at saka nakatulala ako kay Angelo ngayon. Gusto niya raw ako? Ibig sabihin girlfriend na niya ako? Pero ang bata pa lang namin ah?

"Oo. Liligawan kita paglaki natin." sabi niya saka hinawakan niya ang kamay ko "pero ngayon.. Taya!" bigla niyang sabi sakin kaya nagulat ako. Ang daya naman niya eh! Naguusap pa kami tapos tatayain niya ako.

"Taym pers muna yon diba! Naguusap pa tayo ah!" pagmaktol ko sakanya. Ang daya talaga niya. Napakamot lang ako sa ulo ko.

Pagkasabi ko non umupo ulit siya sa tabi ko at saka tumango sa sinabi ko.

"Pinsan mo ako diba?" tanong ko sakanya nang nakaupo na ulit siya sa tabi ko.

Tumango siya bilang sagot niya.

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon