Nineteen

244 11 2
                                    

Chapter Nineteen

Niyakap niya ako. Hindi ako makagalaw at makapalag sa ginagawa niya sakin. Bakit ba ganito siya? Kanina parang ayaw niya akong kausapin noong kakapunta pa lang nila dito sa bahay namin pero ngayun naman todo kung yumakap sakin. Ang gulo talaga niya. Naguguluhan ako sa pinagagawa niya.

"Stop hugging me, Angelo."

Hindi niya ako pinapakinggan at niyayakap pa rin niya ako. Bakit ba kasi dinadaan niya sa yakap ang lahat? Alam naman niya siguro sa sarili niya na may mali siya eh. Na kaya ko rin siya iniiwasan ay dahil nagsinungaling siya sakin.

"Just please, Camila. Let me hug you." mas lalo akong nainis sa ginawa niya kaya pinilit kong alisin ang pagkayakap ko sakanya at nagtagumpay naman ako. Pagkatapos ko tanggalin ang pagkayakap niya sakin hinawakan naman niya kamay ko.

"Angelo, stop it. Kung umasta ka parang wala kang kasalanan sakin ah." inis na sabi ko sakanya at tinggal ko yung pagkahawak ng kamay niya sakin. Kahit kasi hindi naman kami in good terms God knows I trusted him. But he ruined it. Angelo ruined my trust to him. Bakit ba niya kasi nilihim sakin na pinsan ko pala siya? Hindi ko alam bakit ako ngakakanganto pero naiinis ako sakanya. Naiinis ako na una pa lang alam na niya na pinsan niya ako at nagawa pa niyang itago yun sakin.

"Sasabihin ko na--"

"Sasabihin? Wow. Sasabihin mo? Kelan mo pa gustong sabihin? Pinaabot mo pa talaga itong araw na 'to. Kaya pala ang sama ng kutob ko ngayong araw na 'to e." inis na sabi ko sakanya at i rolled my eyes. Kanina parang ang yabang yabang niya pero ngayon naging maamo ang mukha niya. Nakakainis. Naiinis talaga ako at ayoko tanggapin kung ano mang idadahilan niya sakin dahil nasira na niya ang tiwala ko. Wala na akong tiwala sakanya.

"Nung araw na dinala kita sa bahay, sasabihin ko na dapat sayo. Kaso umalis ka." nakayuko siya nung sinabi niya yon sakin.

"Pero bago yun kinantahan mo ako at doon sa kantang yon walang ibang ibig sabihin yon kundi na gusto mo ako. Angelo, alam mong pinsan mo ako for Pete's sake! Ano sa tingin mo iisipin ko after? Natural maiinis ako!"

God knows how much I want to hurt him right now. Gusto ko siyang suntukin, gusto ko siyang sipain, gusto ko siyang sampalin. Pero hindi ko kaya e. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nandito kami sa bahay at baka makita kami nila mom at nila tita. Ewan ko. Naguguluhan talaga ako. Naguguluhan din ako sa inaasta ko. Bakit ganito ako kagrabe mainis.

"Hindi mo kasi alam. Hindi mo alam ang totoo." mahina niyang sabi pero narinig ko naman at sapat na yon.

"THEN TELL ME, ANGELO! SABIHIN MO SAKIN!" sa tono ng boses ko ngayun napalakas na ng sobra dahil nafufustrate na ako. Naiiyak na rin ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Anong hindi ko pa alam? Ano ba yung sinasabi niyang hindi ko pa alam?

"Sht Camila, wag kang umiyak." natataranta siya at kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya "Ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng napaka-special sakin." sabi niya at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Angelo, tama na please. Sabihin mo na kasi sakin ang hindi ko pa alam..." medyo nahimasmasan na ako pero hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko. Nakatingin lang siya sakin. Ganun din ako nakatingin lang ako sakanya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero gusto kong malaman ang ba talaga ang hindi ko pa alam.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon. May mga bagay na hindi dapat minamadali dahil merong tamang panahon para doon."

huminga ako ng malalim "tell me kelan? Kelan pa yung tamang panahon na yan?"

"Hindi ko pa alam."

Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko "Okay. Kung hindi mo sasabihin sakin fine. Pero sagutin mo ito. Gusto mo ba talaga ako?"

"Yes, Camila. I like you." Nang sinabi niya yon napailing ako.

"Tigilan mo na yan, Angelo. Wag mo na akong gustuhin."

Nagulat siya sa sinabi ko. Napakunot noo siya at tila binabasa niya ang iniisip ko. Wala na siyang magagawa. Ayokong magkagusto siya sakin. Ayoko dahil mali, maling mali na magkagusto siya sakin dahil pinsan niya ako. Mali ito.

"Hindi ko kaya, Camila. Gusto kita. Gusto kita!"

"Stop it! Please, Angelo? Mali ito. Maling magkagusto ka sakin. Sa iba nalang. Hindi ako deserve para sayo. Isa na dahil pinsan mo ako at alam nating hindi pwede yon."

Nakayuko nalang niya habang sinasabi na hindi niya daw kaya na maalis yung nararamdaman niya sakin. Bakit ba kasi hinayaan niya ang sarili niya na magkagusto sakin? Pinapahirapan niya lang ang sarili niya. Mas mahihirapan siya kapag hindi niya nilet-go ang nararamdaman niya sakin.

"Alam kong may gusto ka rin sakin..."

"ANGELO!? Ano ba?! Pinapahirapan mo ang sarili mo eh." kahit nakayuko siya alam kong umiiyak siya. Base na rin sa pananalita niya. Hindi ko alam gagawin ko kaya pinunasan ko nalang yung luha niya. Bakit niya ba ako iniiyakap ng ganito. Hindi dpaat siya umiiyak ng dahil lang sakin.

"Simula nang bata pa lang tayo alam ko na sa sarili ko na gusto kita. Hindi mo naman ako masisisi dahil dati tayo ang laging magkasama. Araw araw tayo ang laging magkalaro. Naalala mo ba nung Grade 2 tayo? Dati inaasar ka ng mga kaklase natin na tomboy ka daw dahil lagi mo akong kasama? Sinuntok ko kaya sila kaya ako na-guidance office noon..." natawa siya sa pinagsasabi niya at naaalala ko nga yung araw na yon. Siya ang life saver ko dati. Hindi ako nalulungkot kapag siya ang kasama ko.

"..Nagbago lang ang lahat simula nang pumunta kami ng States. Pero believe me hindi nawala yung feelings ko sayo. Alam ko sa sarili ko na mali. Na maling magkagusto sayo dahil pinsan kita pero iba eh. Iba talaga yung nararamdaman ko kaya pinagpatuloy ko lang..."

"Camila, just please hayaan mo lang ako na gustuhin ka. Hindi ko kaya kapag pinigilan ko ito. Kaya sana payagan mo ako. Kung hindi mo ako gusto okay lang. Basta wag mong ipatigil sakin ang nararamdaman kong ito para sayo. Hindi ko kaya eh"

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nawala yung pride niya sa katawan niya para lang sabihin yang mga bagay na yan sakin. Bakit ba kasi ayaw niya nalang sabihin sakin yung sinasabi niyang totoo? Ano ba yon?

"Pero promise. Sasabihin ko sayo yung kailangan kong sabihin sa tamang panahon. Sasabihin ko sayo kagad. Promise." sabi niya at pinilit niyang ngumiti kahit alam kong napipilitan lang siyang ngumiti.

"Don't just promise it, dapat gawin mo rin."

"Yes I will." sabi niya at hinarap niya ako. "Galit ka pa ba sakin?"

"I'm not mad. Naiinis lang ako. Pero wala naman mapupuntahan itong inis ko kaya siguro aantayin ko nalang yang tamang panahon na yan."

Ngumiti siya tapos pininch niya yung ilong ko at nagulat ako sa ginawa niya kaya napalo ko siya at pagkatapos na tumawa kami.

"Okay na tayo?"

"Oo naman! Miss ko na yung Jon na laging nandyan para sakin e."

"Tss. Miss? Eh hindi naman ata eh."

Tumawa kami. Para kaming baliw kanina nag-aaway kami nagsasagutan pero ngayun magkaayos na kami. Baliw na nga siguro kami. Hay ewan ko ba.

"Camila?"

Doon kami natigilan. Nakita namin si Kurt na nasa likod ni Angelo. Tapos na siguro siya kausapon nila mom at dad. Nakasmile siya. Bakit kaya? Tapos etong si Angelo nanahimik nalang bigla.

"Oh andyan na manliligaw mo." may pagkasarcastic pa yung pagkasabi niya pero hindi ko nalang pinansin.

"Oh ikaw? Puntahan mo kaya ate ni Kurt bagay kayo." sarcastic kong sabi kay Angelo at natawa lang siya pero fake laugh naman yon. "Angelo?" aalis na sana siya kaya tinawag ko siya at hinarap niya ako ulit. "Sana mahanap mo na ang babaeng para sayo." nang sinabi ko yun ngumiti lang siya ng onti.

"Kurt? Anong pinagusapan niyo nila mom at dad?"

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon