Chapter Thirteen
Camila's POV
After namin magmall ni kuya nakabili na rin ako ng heels na gusto ko. Color pink siya na may white na kahalo saka stiletto rin eto pero keri lang kasi para lang naman edo sa family gathering namin this coming saturday. Hay namiss ko na rin naman kasi sila tita Sam and Tom pati yung pinsan naming si Jon. Childhood friends din kaming dalawa eh, sa aming magpipinsan kaming dalawa ng pinaka-close.
Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita, sobrang curious na rin talaga ako sa itchura niya. Feeling ko gwapo na si Jon ngayun. Syempre binata na eh. Pero di ko talaga maimaging kasi hindi ko naman siya nakikita sa fb kasi simula nung umalis sila papuntang States wala na akong contact sakanya. Sila mommy meron kila tito Tom and tita Sam pero si Jon di ko pa nakikita ksi hindi naman kami nakakapagskype eh.
Di pa kasi uso yung skype nung pumunta sila ng States, nung time na yon di pa masyadong uso yung technology. Wala pa nga akong matinong gadget nun eh. Tamagotchi nga lang ata ang meron ako nun. Pero ngayun pinauso na at may POU na sa app store. Ang taray na talaga ng technology ngayun.
Hay! Malapit na magSaturday. 3 days from now makikita ko na ulit si Jon, naexcite na talaga ako! Ano kaya magiging reaction ko kapag nakita ko na ulit siya? For sure magugulat ako. Pero hindi ko talaga alam eh.
"Camila?" tawag sakin ni kuya. Nandito pa rin kasi kami sa kotse, pauwi pa lang kami galing sa mall.
"Yes, kuya?" sabi ko sakanya kasi ang tahimik niya tapos bigla akong tinawag.
"Wag kang magagalit sakin ha?"
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ayan nanaman si kuya. He's being weird again and I don't know why.
"Yan ka nanaman eh. Bakit naman ako magagalit sayo, kuya?"
Tapos hindi na niya ako sinagot. Ngumiti nalang siya pero fake smile lang naman yon. Ano ba kasi yung tinutukoy niya? Naweirdan na talaga ako kay kuya.
Nang mapadaan kami sa school sinabihan ko si kuya na ibaba nalang ako sa school para papasok nalang ako kahit sa afternoon classes namin. Naka-civillian ako ngayun pero it doesn't matter kasi kapag Wednesday naman pwede kaming mag-civillian. Nagthankyou na rin ako kay kuya kasi nagtiyaga siya sa pagikot ng mall kasama ako kasi halatang napagod talaga siya ng sobra.
"Ingat ka, Kuya Jerry!" tumango nalang siya bilang sagot niya at inandar na niya ang kotse. Pumasok na ako sa school at wala rin namang masyadong tao sa corridor kasi for sure naglulunch sila ngayun kasi 12:30pm na rin at lunch break na ng mga students.
Pumunta ako sa classroom para tignan kung andun si Karla pero wala siya. Sunod ko na pinuntahan yung locker niya pero wala rin naman siya doon. Asan kaya yung babaeng yun? Pumunta na ako sa canteen para tignan kung lumalamon siya doon pero nilibot ko na ang tingin ko wala pa rin siya.
Bakit ngayun pa aabsent yung babaeng yon? Dapat pala hindi na ako pumasok. Pero it's weird kasi hindi naman siya palaabsent kaya nagtataka ako bakit yun aabsent ngayun? Eh wala naman okasyon sakanila ngayun para umabsent siya.
Papunta akong garden ng school para magpalamig at magbasa nalang ng libro hanggat hindi pa nagriring ng bell. Pero nang nandito na ako as in paupo na sana ako sa bench nang may makita akong hindu ko inaasahan.
Bakit ko 'to nakikita ngayun?! Eto ba ang karma sakin kasi hindi ko pinapasok si Kurt sa bahay kaninang umaga para kausapin ako? Bakit niya kayakap ang kaibigan kong maingay na si Karla? Sila na ba? Eh bakit ako hinalikan ni Kurt kahapon?
Pinagloloko ba nila akong dalawa? Na all along crush ko tong si Kurt pero may lihim na relasyon pala silang dalawa? Bakit ganito? Kahit naiinis ako kay Kurt, di ko pa rin tanggap na magkayakap sila ngayun. Yakap lang naman eh. Pero bakit ako nagkakaganito?
BINABASA MO ANG
Stolen First Kiss
Teen FictionAno feeling na halikan ka ng taong mahal mo? The fact na siya ang first kiss mo. Let's emphasize. FIRST KISS. Masaya ba sa feeling? Na parang ayaw na hugasan yung labi mo dahil nga hinalikan niya ito. Ganyan siguro ang feeling kapag galing sa TAONG...