One

1.1K 23 6
                                    

Chapter One

"Ugh! Nakakainis siya!" Sabi ko habang papasok ako ng classroom namin. Una, hinalikan ako ng hindi ko kakilala. Pangalawa, ang panget niya. Pangatlo, ang yabang niya!

"oh Camila? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong naman nitong si Karla na kababata ko. "May nangyaring masama 'no?" Pero dahil tinatamad ako sumagot hindi ko nalang siya sinagot. "Kilala kita, kaya bago kita matabatukan, sabihin mo na sakin ang problema mo or whatever."

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero dahil feeling ko sasabog na ako sa galit at inis ay sinabi ko rin sakanya kung bakit. "Karla! This guy kissed me and I dont even know him! Alam mo naman diba na ang gusto ko na ang first kiss ko ay para lang sa mapapangasawa ko?! Or maybe kay Kurt. Diba? Diba."

Para tuloy akong nagsusumbong sakanya. Kasi alam naman niya na pinangangalagaan ko yung first kiss ko. Gusto ko talaga sa asawa ko mapunta first kiss ko or kay Kurt na crush ko kaso.. Ugh. Nevermind.

Kaso imbis ma matuwa ay lalo pa akong nainis dahil biglang ngumiti si Karla nang nakakaloko. Ugh. Kaya minsan nakakainis din tong babaeng 'to eh.

"Camila..." Panimula niya at pinat yung balikat ko. "Baka naman yung lalaking yun ang mapapangasawa mo. At wag ka nang umasang hahalikan ka ni Kurt wala kang pag-asa sakanya."

Aray ha! Grabe! Paglandakan daw ba sakin na wala akong pag-asa kay Kurt. Lagi nalang siyang ganyan. Psh.

"Aray ha! Araw-araw mo saking pinamumukha na wala akong pag-asa kay Kurt. Ouch ha!" Sabi ko nang pabiro sakanya kaya natawa nalang kaming dalawa.

Kaso... Habang tumatawa kami may nakita akong bagong dating papasok ng classroom namin. Hay. Pati ba naman dito? Ayaw ako lubayan? Nakakairita lalo. At mukhang nahalata ni Karla na biglang nagbago aura ko.

"Siya ba yung humalik sayo?" Sabi ni Karla na nakasmirk sa akin. Oh yea whatever. Kilalang kilala niya talaga ako.

"SHUT. UP." Sabi ko sakanya at umupo na ako ng maayos sa upuan ko dahil nagbell na rin naman. Saka kakapasok na rin ng adviser namin kaya nanahimik nalang ako.

One thing I hate about first day of classes is introducing yourself. Duh! It's just for gradeschoolers! Like duh! Highschool na kami! And to be exact 4th yr high school!

Sinumulan na nila magpakilala pero hindi ako nakinig hinintay ko lang yung turn ni Kurt para magsalita at pagkatapos nun ay di na ako nakinig... Until na magsalita yung Mister Magnanakaw ng halik.

"I'm Angelo Jon Tiamzon. 17. Gwapo. Matalino. At higit sa lahat loyal sa babae."

"Ohh booom!" Sabi ng iba naming kaklaseng lalaki at yung mga babae naman kinikilig pa. Wow ha! Wow as in wow! Isang typical playboy pala yung lalaking yun eh!

Nung mga babae na ang magsasalita inantay ko lang yung turn ko kasi inis na inis na talaga ako kanina pa. Di ko na kaya magstay pa mg matagal sa klase na 'to.

"I'm Camila. And I think all of you know who am I. So Yeah." Yan alng ang sabi ko at umupo na rin ako. Bored na kasi talaga ako. Saka halata naman sa tono ng pananalita ko na di ko talaga gusto yung magpakilala.

"Okay that's all..." Sabi ni Ma'am Vergara kaso nang mapalingon siya sakin ay para akong nalagay sa hot seat. Ugh. Nakakainis naman pati teacher.

"Ms. Tiamzon, kaano-ano mo si Angelo?" Ugh sino pa ba? Natural tinatanong niya kung karelative ko ba yung mister magnanakaw ng halik na yon.

"He's not my cousin or my brother. And we're not related to each other."

Tumango naman si ma'am at mabuti naman na nakinawan siya kagad sa sinabi ko. Kaso may binulong pa ako. "At ayoko siyang maging kamag-anak. Ugh."

Stolen First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon