chapter 7

23 2 0
                                    

NHIANA'S POV
"Nhiana!Nasaan kana ba?"sinuklay ko ang kamay ko sa  buhok ko habang tinitignan ang paligid

"Putek!Hindi ko rin alam kung nasaan ako!"reklamo ko

Ngayon kasi ang birthday ni Mia binigay nya saakin yung restaurant daw ng bf nya eh kaso walang hiya hindi ko naman alam na halos lahat nang nandito restaurant at bar aba malay ko ba kung saan dito ang sa  bf nya

"Ano?Binigay moba sa taxi yung address mo?Nandito na kaming lahat nagumpisa na rin silang uminom ang tagal mo!"sabi nya

"Baka  may balak kang puntahan ako noh?Ang daming restaurant dito hindi ko alam kung nasaan yung sa bf mo!"sabi ko

Nakakaramdam na  ako ng pagkainis maikli lang kasi ang pasensya ko sa mga ganto dahil mas gusto kong mag stay sa bahay.Ayaw ko ring pumupunta sa mga lugar na bago lang saakin

"Sge sge susunduin kita!"sabi nya saka binaba  ang tawag

Ilang minuto pa akong nagantay ng makita ko si Mia na lumabas sa di kalayuan saakin na restaurant kumaway sya saakin

"Oh!Happy birthday!"sabi ko saka inabot sakanya yung regalo ko

"Thank you!!"sabi nya kumapit sya sa braso ko saka ako inakay papasok sa restaurant

"Kanina pa kami nagstart at dahil hindi ka naman  umiinom omorder na ako ng sweets food para sayo!"ngumiti ako

Maganda naman yung restaurant kaso nagtaka ako dahil lumampas kami umakyat kami sa second floor bumungad saamin ang mahabang corridor kaliwa't kanan angmga  pinto

"Dito sa taas ang mga VIP!"sabi nya bumukas ang isang pinto at lumabas ang isang babae na pangewang gewang maglakad

"Bar toh noh?"tanong ko pero humagikgik lang sya

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan binuksan nya yun at bumungad saakin ang malaking kwarto

May malaking TV sa harap at sa gitna  merong tatlong malalaking sofa at sa gitna nun ang lamesa na puno ng alak s abandang likod naman may malaking rin lamesa yung isa puno ng pagkain yungisa naman ilang nga sweets food ang nakalagay

"Guys!Nandito na si Nhiana!!!"tumingin sila saamin lahat sila  may hawak na baso na may lamang alak

Napangiwi ako bakit ba ako pumunta  dito hindi naman ako umiinom

"Sawakas  nakaattend ka din!"sabi ni mark

"Ahmm Nhiana boyfriend ko pala si klark!"kumapit si Mia sa isang lalake na nakaupo ngumiti ako

May itim syang hikaw sa kaliwang tenga may itsura rin naman pero mamaya natin malalaman kung deserve ba nya ang mukha nya

"Hi klark!"tinanggap ko ang kamay nya 

"Nhiana"sabi ko saka binawi ang kamay ko

"Btw mga kaibigan ko"tinuro nya  yung mga nakaupo sa katabing sofa

Nagulat ako ng makita ko si azeo kasama nya yung kaibigan nya na nakita ko sa  apartment

"Mga engineer kami!"ngumiti lang ako

Engineer si azeo?Pff  HAHAHA hindi halata ah

Umalis na ako dun at pumunta sa likod kung saan nakalagay ang mga sweet umupo ako dun sa sofa

"Nhiana inom ka muna!"sabi ni Mia umiling lang ako kumuha ako ng sweet at nagumpisang kumain

Kakaupo ko palang pero nabobored na agad ako mas maganda talagang matulog nalang eh

"Hindi ka umiinom?"nagangat ako ng tingin sa nagsalita napangisi ako ng makita si azeo

I can't imagine  na nakasuot sya ng formal suit at seryosong nagtratrabaho parang hindi bagay sakanya.

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon