chapter 11

18 1 0
                                    

NHIANA'S POV
"Nhiana sabay kana saamin!"napatingin ako kay mia kasama nya Jowa nya magkasama sila saiisang payong

"Hindi na!Magpapatila nalang ako!"Sabi ko

"Sure ka?Sumabay kana alam kong natatakot kana!"ngumiti ako saka umiling

"Kaya kona toh mauna na kayo!"sabi ko nilakihan ko ang pagkakangiti ko para maniwala sya

"Sge magiingat ka!"sabi nya tumango ako

Napabuntong hininga ako sobrang lakas ng ulan ngayon sobrang dilim sa labas at hindi ko alam kung pano ako uuwi.Nag brown out pa kanina buti nalang talaga may generator

Kanina pa ako kinakabahan na iiyak narin ako dahil gusto ko nang umuwi kaso natatakot ako dahil malakas ang ulan tapos madilim pa.Dati tuwing malakas ang ulan tapos nasa school pa kami kapag uwian nanamin nasa labas na si mama at may dalang payong

Isa ito sa mga problema ko ngayong magisa ako wala ang mama ko na pwedeng sumundo saakin.Sa lahat malakas na hangin at ulan ang kinakatakutan ko kung sa iba nakakarelax ang tunog ng ulan saakin hindi

Simula kasi nung bagyong ondoy natakot na ako sa tunog ng ulan.Unan ko lang lagi ang karamay ko

"Are you ok?"napalingon ako sa gilid ko nakita kosi Nico

Ewan ko pero nagpapasalamat akong nandito si Nico.Nabawasan ang takot ko

"Nanginginig ka ok ka lang?"sabi nya naramdaman ko ang braso nya sa balikat ko

"Sabay kana saakin!"sabi nya saka binuksan yung payong nya

"Ok lang ba?"tanong ko tumingin sya saakin saka ngumiti

"Ofcourse!Hindi kita hahayaang magisa dito."sabinya

Naglakad kami papunta sa van nya.Imbis na sa passenger seat dinala nya ako sa back seat kung saan nandun ang para kama nya.

"Dito ka nalang magpahinga ka."sabi nya

"Hindi dun nalang ako sa kab-"napahinto ako sa pagsasalita ng itapat nya sa labi ko ang daliri nya

"Alam kong kanina kapa nakatayo dun.Magpahinga kana muna dyan."sabi nya wala na akong nagawa umikot sya papunta dun sa driver seat sumulyap sya saakin bago inistart ang van

"Out kana ba?"tanong ko umiling sya

"Huh?Eh bakit nandito ka?"tanong ko

"Hindi ko matiis na nakikita kang nakatayo lang dun habang nilalamig.May kukunin din ako sa bahay kaya naisip kong ihatid kana din."sabi nya

"Thank you!"sabi ko

Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kabaitan nitong si Nico.Napaka bait at gentleman nya kung papipiliin ako edi sya na pipiliin kong maging jowa

Ang kaso wala pa sa isip ko ang pumasok sa relasyon.Sabi ni mama kapag daw dumating yung taong para saakin wala daw akong magagawa

Alam ko naman yun kung dumating man yung taong para saakin hindi ko pipigilan ang sarili ko.Mag mamahal ako pero mas importante saakin ang goal ko

Crush ko si nico pero marami pa akong tatapusing goal kaya wala pa akong balak magjowa

"Dahan dahan lang ah."paalala ko sakanya kasama ko si nico at pauwi na kami pero kinakabahan parin ako

Marami akong negative na naiisip  like baka mawalan toh ng preno,O kaya naman baka biglang may makasalubong kaming nawalan ng preno tapos babangga saamin

"Yes ma'am!Don't worry hindi ko hahayaang mapahamak ka."sabi nya

NAKAHINGA ako ng maluwag ng ligtas kaming makarating.Pero pagbukas ko ng pinto bumalik yung kaba ko parang mas lalong lumakas ang ulan madilim din sa paligid mukhang brown out

"Nah!Dapat hinintay moko!"lumapitako kay Nico gaya kanina umakbay sya saakin hanggang  sa makarating kami sa loob

Nilabas ko yung cellphone ko binuksan ko yung flashlight masyadong madilim baka bigla nalang kaming madulas at gumulong kapag walang liwanag

Hinatid ako ni Nico hanggang sa tapat ng apartment 

"Thank you Nico!!!Kung wala ka baka hanggang ngayon nandun parin ako!"sabi ko ngumiti sya saakin

"Wala yun!Lagi lang akong nandito kapag kailan moko,Pasok kana"sabi nya tumango ako

"Good night!Ingat ka!"sabi ko ngumiti  sya pumasok na ako.Sinara ko yung pinto pagharap ko sa loob ng bahay napahinto ako

Madilim,tahimik,nakakatakot.

Huminga ako ng malalim dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko.Wala siguro si azeo ngayon

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko tumakbo ako papunta sa kama ko.Buti nalang talaga nakapagbihis na ako sa hospital nakashort at t shirt na ako

Nagtalukbong agad ako wala na akong balak maghilamos.Pumikit ako at pilit na pinakakalma nag sarili ko

Wala akong ibang naririnig kung hindi ang tunog ng ulan,Hampas ng hangin sa mga puno

"Hala sya!"Lumiwanag ang paligid dahil sa kidlat tinakpan ko ang tenga ko dahil alam kong kulog na ang susunod

Napapikit ako ng malakas na kulog ang tumunog

Kumunot ang noo ko ng marinig ko parang may kumakatok sa pinto ko.Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa  tenga ko

May kumakatok?Si azeo!

Kahit nanginginig pa rin ako sa takot pinilit kong tumayo dahil kumpara sa phobia ni azeo alam kong wala lang tong akin

Binuksan ko pinto bumungad saakin si azeo nakapikit sya nanginginig din sya

"Hala!Azeo ok ka lang ba!?"tanong ko unti unti syang nagmulat

"P-pwede ba akong m-makitulog?"tanong nya

"Makitulog?Matutulog ka sa tabi ko?"tanong ko tumango sya 

"W-wala akong gagawin sayo promise!"sabi nya tinaas pa nya yung kamay nyang nanginginig

Hinawakan ko yung kamay nya saka sya hinila papasok sa kwarto ko.Pinaupo ko sya sa kama ko nakayuko sya at hanggang ngayon nanginginig sya

"Azeo!Tumingin ka saakin!"hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang pisngi nya

"Walang mananakit sayo...nandito ako!"sabi ko pinahiga ko sya saka ako tumabi sakanya

"Matulog kana aantayin kitang makatulog."sabi ko sinuklay suklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko

Hindi ko alam kung anong feeling ng may phobia pero base sa nakikita ko kay azeo mukha ata talagang mahirap magkaphobia

Ibang iba sya sa malandi kong roomate para syang bata na kailan ng magulang.Conservative ako halos ayaw ko na ngang dumikit sa lalake pero ewan ko nung makita ko si azeo wala akong ibang naisip kung hindi ang tulungan sya

Kailangan nya ng tulong ko dati magisa sya tuwing may gantong pangyayari.Pero ngayon hanggat kaya ko sasamahan ko sya

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng kulog tumingin ako kay azeo na nasa tabi ko mukhang tulog na sya

Madilim parin mukhang ilang minuto lang ako nakatulog inayos ko ang kumot nya saka ako pumunta sa kabilang dulo ng kama

Makukuha kona sana ulit ang antok ko ng maramdaman kong gumalaw si azeo.Napamulat ako ng maramdamang yumakap sya saakin

"Azeo.."

"Don't leave me please!"sabi nya nasa balikat ko ang ulo nya

Niyakap ko sya hinaplos ko ang pisngi nya

"Don't worry i won't leave..."

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon