NHIANA'S POV
"Hindi ka talaga maliligo?"tumingin ako kay GeloUmupo sya sa tabi ko tulad ng iba basa na rin sya bumakat na sa katawan nya ang puting t shirt nya,Hindi ganun kalaki ang katawan ni Gelo pero masasabi ko na para saakin maganda na yung katawan ny
"Mamaya nalang,"sabi ko
"Kanina kapa nagsasabi ng mamaya."natatawang sabi nya ngumiti ako
Binalik ko ang tingin ko sa kinakain kong banana que,Inubos ko ang oras ko kanina para lang maghanap ng banana que dito,Nakakaenganyong maligo pero ewan ko sinapian nanaman ako ng katamaran
"Anong lasa nyan?"tanong nya habang nakatingin sya sa hawak kong banana que
"Alam mo ba kung ano toh?"tanong ko dahan dahan syang umiling
Kita ko sa mukha nya na curious sya sa banana que.
"Gusto mo tikman?"tanong ko tumingin sya saakin bakas sa mukha nya ang pagaalangan
"Masarap toh!Favorite ko kaya toh!"sabi ko papalit palit ang tingin nya sa banana que at saakin
"Sge pero wait lang!"Sabi nya lumayo ako sakanya ng konti ng tanggalin nya ang t shirt nya kinuha ko yung twalya sa tabi ko at inabot sakanya
"Thank you!"sabi nya
"TSK!"napatingin ako kay Azeo kapapasok nya lang sa cottage
Wala syang pangitaas na damit,Halatang maski katawan nya nagbago mas lalong lumaki ang mga muscle nya.
"Pwede ba akong kumagat sa hawak mo?"bumalik ang tingin ko kay Gelo tumango ako
Nilapit ko sakanya yung banana que balak ko sanang ibigay sakanya kaso hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa stick atsaka sya kumagat
Tinitigan ko sya.Hindi ko alam pero masaya ako tuwing napaguusapan ang banana o mga favorite ko.Nanlake ang mata nya saka tumango
"Nagustuhan mo?"tanong ko nakangiti syang tumango napangiti ako
"Tsk!Pahinge nga!"nagulat ako ng biglang agawin ni Azeo ang hawak kong Banana que
"Hoy akin yan!"Reklamo ko tinaasan nya ko ng kilay
"Akin nalang!Thank you."sabi nya saka umalis napairap ako
Tinignan ko yung plato ko ubos na yung banana que ko kinuha pa nung bwesit na yun!Bakit kasi hindi nalang sya bumili nagpakahirap pa akong naghanap nun
"Hey,Are you ok?"nakanguso akong tumingin kay Gelo
"Kinuha nya yung banana que ko.."malungkot na sabi ko
Kung para saiba hindi big deal yun pero kasi anim na taon akong hindi nakakain nun!NGAYON NALANG ULIT tapos..tapos kukunin nya
Alam ba nya kung pano ako magtiis para lang hindi makain yun sa loob ng anim na taon?Hindi rin nya alam nag pinagdaan ko mabili lang yun.Tapos ang lakas ng loob nyang kunin lang
"Alis muna ako,Titignan ko yung sunset."sabi ko hindi kona inantay yung sagot ni Gelo tumayo na ako at lumabas ng cottage
Naglakad ako papunta sa tabing dagat umupo ako sa buhanginan.Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko habang tinitignan ang magandang view sa harap ko
Unti unting nawawala ang inis ko habang nakatingin ako sa magandang view sa harap ko,I love sunset and sunrise sila ang nakakapagpakalma saakin tuwing nagbrebreak down na ako noon,Tumitingin ako sa langit kapag umiiyak ako dati tuwing hindi kona alam ang dapat kong gawin
Pero ngayon tumitingin ako sa langit ng masaya at wala nang ibang pinoproblema.Ngayon titingin ako sa langit na succesfull na
"Buhatin mo na yan!!"napasigaw ako ng may biglang bumuhat saakin
"Gelo!!IBABA MOKO!!!"sigaw ko pero umiling lang sya habang tumatawa
"Go couz!!!Alam ko namang araw araw kang naliligo pero dapat ka paring maligo ngayon!!"Rinig kong sigaw ni Angelica
"Bwesit ka talaga!!!"Sigaw ko napakapit ako sa leeg ni Gelo ng maramdaman ko ang tubig
Unti unti binabalot ng tubig ang katawan ko buhat ako ni Gelo na parang bagong kasal
"Tama na!Ok na ibaba mona ako!!!"Sabi ko pero huminto lang sya ng nasa leeg kona yung tubig
Dahan dahan nya akong binaba pero napakapit ulit ako sa leeg nya dahil hindi kona maabot yung lupa.Tinignan ko sya ng masama
"Atras ka dali!Hindi mo ko kasing tangkad noh!"sabi ko
"Natatakot kaba?"tanong nya nanlake ang mata ko
"Malamang,Hindi ako marunong lumangoy noh!"sabi ko tumawa sya naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko
Pinipilit kong abutin ung lupa pero hindi ko kaya sobrang tangkad naman kasi ni Gelo hanggang balikat nya lang ata ako.
Nanlake ang mata ko ng may biglang dumaan sa gitna namin hindi ko alam kung sino dahil nasa ilalim sya tubig binangga nya lang kami.Parang huminto ang paghinga ko ng napabitaw ako kay Gelo ganun din sya saakin kaya lumubog ako sa tubig
Ramdam ko ang pagsakit ng ilong ko dahil sa biglang pagbagsak ko nakainok din ako ng tubig.Naramdaman kong may nagangat saakin
Nakita ko si Gelo bakas sa mukha nya ang pagaalala.Naghabol agad ako ng hininga
"Are you ok?I'm sorry!"sabi ni Gelo habang inaayos ang buhok ko na humarang sa mukha ko
Hindi ako umimik hanggang makalapit kami kila angelica na nasa mababaw lang na parte
"Oh my ghad!Couz ok ka lang?"tanong ni Angelica ngumuso ako hinawakan ko yung ilong ko
"Ang sakit ng ilong ko!Ang alat pa nung tubig!"Reklamo ko mangiyak ngiyak pa ako dahil ang sakit talaga ng ilong ko
"Shocks!Sorry couz!Ano ba kasing nangyari?"tanong nya kumunot ang noo ko nilibot ko ang paningin ko sa paligid
"Humanda saakin yung dumaan sa gitna namin!Itatapon ko talaga sya sa mars bwesit sya!"sabi ko napatingin ako kay Azeo ng makita kong tumatawa sya
Sayang saya!Lunurin ko kaya sya bwesit!
*********
Nagstay na kami doon hanggang 6 pm tapos umuwi narin kami kumain kami sa isang restaurant kaya paguwi sa bahay nagaya sila na uminom.Balak ko na sanang magpahinga hindi naman ako umiinom.
"Saan ka pupunta Nhiana?"napatingin ako kay Nichole lahat sila nasa sala nakasalampak sila sa sahig tapos lahat ng bote ng alak nasa lamesa.
"Pupunta sa kwarto.."sabi ko
"Ay ang kj mo naman,Hindi kaba umiinom?"tanong ulit nya
Kumunot ang noo ko bakit pakiramdam ko ininsulto nya ako?
"Hindi sya umiinom."tumingin ako kay Azeo pansin ko hobby nya ngayon sumabat
Naglakad ako papalapit sakanila umupo ako sa tabi ni Gelo nasa kanan ko si Gelo nasa kaliwa ko naman Yung bwesit na aso.No choice walang ibang mauupuan.
"Umiinom ako...Ng juice."sabi ko
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...