NHIANA'S POV
Today is our last day dito sa bakasyon na toh.Halos araw araw kung saan saan kami pumupunta.Iba't ibang lugarGabi gabi rin pumupunta si Azeo sa kwarto ko para lang tumabi saakin.Ilang beses kong sinabing wag na syang bumalik pero hindi sya sumusunod
Alam ko naman na kailangan nya ng tulong ko kaso kasi baka iba ang isipin ng mga kasama namin.Ayaw ko ng gulo alam ko rin sa sarili ko na dahilan ko lang yun
Natatakot akong baka sa bawat gabi na nakayakap sya saakin masayang ang anim na taon na pagmomove on ko sakanya.Ayaw kong maging marupok ayaw kong bumalik ang feelings na nakasakit saakin dati.
Napuntahan na namin lahat kaya naisip namin na magstay nalang dito sa bahay at maginuman sila.Bukas ng umaga ang alis namin
Bukas din ang dating ni Nico susunduin ko sya dahil ako daw ang unang gusto nyang makita.
"Sawakas dumating din!"napatingin ako sakanila nakaupo sila sa sahig habang nasa lamesa ang mga bote ng alak nakatingin silang lahat saakin.
"Inaantay nyo ko?"tanong ko tumango sila
"Why?Hindi naman ako umiinom ng alak."sabi ko umupo ako sa tabi ni Gelo ganun padin ang pwesto namin tulad nung unang beses na uminom sila
May kuryente na ngayon pero maaga silang nagstart uminom 5 palang ngayon.
"Nhiana binilhan kita ng nito oh!"napatingin ako kay Gelo nilapag nya sa harap ko yung isang slice ng chocolate cake.
"Thank you Gelo!"sabi ko ngumiti naman sya saakin kinuha ko yung tinidor.Napangiti ako ng malasahan ko ang tamis nagthumbs up ako kay Gelo
"Oh!"napatingin ako sa nilapag nya sa Lamesa nanlake ang mata ko ng makitang bananaque yun gulat akong tumingin kay Azeo
"Baby bakit yan naman binili mo kay Nhiana?Hindi ka manlang bumili ng mahal na dessert."sabi ni Nichole
"That's her favorite,Hindi yung chocolate cake tsk!."pabalang na sagot ni Azeo
Hindi ako umimik hindi ko alam kung anong irereact ko hindi ko rin alam kung bakit kailan pa nya akong bilhan ng banana que baka magselos si Nichole
"Thank you."halos pabulong na sabi ko nang maubos ko ang chocolate cake kinain kona din yung banana que pinipigilan kong mapangiti ng malasahan ko ang masarap na lasa ng banana que
"Nasaan thumbs up ko?"gulat akong humarap kay Azeo nakakunot ang noo nya habang nakatingin saakin
Maski ang mga kasama namin taka ring nakatingin kay Azeo.Dahan dahan kong tinaas ang kamay ko at ang thumbs up sakanya
Ano bang nangyayare sakanya?Kailan magthumbs up din ako sakanya?Lakas talaga ng amats nya minsan eh.
"Hindi kaba iinom Azeo?"napatingin ako kay Ranz
Tumingin ako kay Azeo nakacross sa tapat ng dibdib nya ang braso habang nakatitig sa banana que na hawak ko sumulyap sya kay Ranz at umiling tapos ay binalik ulit ang tingin sa hawak ko
Ako ang naiilang sa ginagawa nya parang bang binabantayan nya kung kinakain ko ang bigay nya.Gusto kong hawakan ang mukha nya at iharap sa jowa nya
"He's not feeling well."sabat ni Nichole kumunot ang noo ko
Masama pakiramdam tapos nagawa pang tumambay dito hindi nalang nagpahinga.
-----------------
NATAPOS silang uminom ng alak ng lumalim na ang gabi nagsipagakyatan na sila sa mga kwarto nila dahil lahat sila lasing at inaantok naHindi pa ako inaantok dahil natulog lang ako kaninang tanghali napagdesisyunan kong pumunta sa bakuran.Naupo ako sa wooden bench dun.
Gusto kong magpahangin para antukin na ako.Maraming gumugulo sa isip ko pero hindi ko alam kung pano ko aayusin yun.Napabuntong hininga ako
"Can i seat beside you?"Napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita nakita ko si Azeo
Hindi ko alam kung gano na ako katagal nakaupo lang dito.
"Bakit nandito ka?You should rest hindi maganda pakiramdam mo."sabi ko hindi sya umimik tumitig lang sya saakin
"Nandito pahinga ko pano ako makakapagpahinga doon."kumunot ang noo ko dahil bulong sya hindi ko naintindihan
"Ano?"tanong ko
"Sorry.."natigilan ako nakatitig sya saakin kita ko ang lungkot sa mga mata nya habang nakatingin saakin nagiwas ako ng tingin
"Para saan?"tanong ko
"Sa mga nagawa ko.Hindi ako nagiisip masyado akong siraulo nung mga panahon na yun."sabi nya
Hindi ako umimik hindi ko alam kung bakit nya sinasabi tong mga toh.Hindi ko alam kung bakit sya nagsosorry ngayon?
Huminga ako ng malalim bago sumandal sa kinauupuan ko.Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sya saakin.
"You know what?Sometimes iniisip ko what if mas pinili kita kaysa sa goal ko?Mapupunta kaya ako sa kinatatayuan ko ngayon?"tanong ko hindi sya umimik kaya nagpatuloy ako
"Siguro iniisip mo mukha akong pera kasi mas pinili ko ang goal ko kaysa sayo,But you're wrong i choose you but you cheated on me."mapait akong napangiti ng maalala ko yung sarili ko nung panahon na inaantay ko sya sa restaurant
"Nhia.."
"Handa akong iwan ang goal ko para sayo pero hindi pa ako nakakaalis..May kasama ka nang iba."sabi ko
Huminga ako ng malalim para pigilan nag nagbabadyang luha sa mata ko.Bakit ako naiiyak?
"Nhia i'm sorry..masyado akong nasaktan kaya ko nagawa yung mga yun."tumingin ako sakanya medyo nagulat ako ng makitang naluluha sya
"No its ok,Kung hindi dahil sa pagiging malandi mo...Baka hanggang ngayon hindi kopa natutupad ang goal ko."sabi ko
Tinitigan ko sya ngayon ko nalang ulit sya natitigan ng malapitan,Bumaba ang tingin ko sa kuko nya
"Malinis ang kuko mo,Mabuti naman marunong ka nang mahiya."sabi ko binalik ko ang tingin ko sakanya
"How about you?Kamusta?Si lola"tanong ko gumuhit ang ngiti sa labi nya
Gusto kong ilihis ang usapan wala nang dahilan para balikan ang nakaraan.
"May sarili na akong company ngayon,Isa narin akong kilalang engineer at sila daddy proud sila saakin..Hinahanap ka lagi saakin ni lola."masaya ako sa sinabi nya maliban sa huli
"Galit ba saakin si lola?"tanong ko umiling sya
"Dadalawin ko sya sabihin mo ah!Marami akong ikwekwento sakanya!"sabi ko
"How are you?"tanong nya ngumiti ako
"Isang goal nalang ang hindi ko nagagawa at yun ang bumuo ng pamilya."sabi ko nawala ang ngiti ko ng makitang nakatitig sya saakin habang nakangiti
"Hindi ka parin nagbabago kita ko parin ang saya sa mata mo tuwing pinaguusapam ang goal mo."sabi nya
"Ikaw parin ang babaeng minahal ko."
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...