NHIANA'S POV
"Hay sawakas!Makakapagpahinga na rin ako!"sabi ko paglabas namin ng hospitalTapos na ang pagvovolunter ko sa hospital dahil wala naman na masyadong cases ng dengue.
Excited na akong umuwi at matulog buong araw!Yung tipong gigising ka kahit anong oras at walang ibang inaalala.
"Iiwan mo nanaman ako!"napatingin ako kay Nico nakanguso sya nasa likod nya ang mga kamay nya
Maiiwan na kasi sya dito dahil dito na nya ipagpapatuloy ang pagiging doctor nya.Sinabi ko sakanya na magpahinga kahit one month pero ayaw nya marami daw bata ang nangangailangan sakanya.
Minsan naiisip ko ang swerte ng magiging anak ni Nico dahil sure akong maalaga syang ama sana lang hindi sya mawalan ng oras dahil sa sobrang busy nya
"Grabe parang pupunta ako sa mars!"biro ko kinurot ko ang pisngi nya
"Dapat kasi magpahinga ka kahit one month tapos hanapin mo na yung flight attendant para naman magkaroon ka ng asawa!"sabi ko tumawa naman sya
"Kapag hindi kona sya nahanap babalik ako sayo!Ikaw na lang papakasalan ko!"napangiti ako
"Loko!Pero seryoso alagaan mo sarili mo kapag mas lalo kang pumayat sa susunod nating pagkikita i swear ihahagis kita sa mars!"sabi ko ngumiti sya nilagay nya ang kamay nya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko
"Yes nurse nhiana!"sabi nya sumaludo pa sya
"Sge na mauuna na ako!"sabi ko pagdating namin sa parking lot
"Magiingat ka thank you ulit!"sabi nya kumaway ako bago pumasok sa kotse ko.
-------------
Napahikab ako habang naglalakad papunta sa elevator binilisan ko ang paglalakad dahil nakita kong bumukas na yun may pumasok na couple.Natigilan ako ng makita kung sino ang nasa loob ng elevator.
Azeo..Max..
Kita ko rin ang gulat sa mata nila umiwas ako ng tingin saka pumasok sa loob ng elevator.Ramdam ko ang tingin saakin ni Azeo nakikita ko rin yun sa pintuan ng elevator
Kakalabas lang ng hospital lumandi agad!Kinagat ko ang ibabang labi ko nakaramdam ako ng inis sobrang inis gusto ko syang sapukin ngayon na tapos ihagis sa mars!
Anong karapatan nyang sabihin saakin lahat yun pagtapos paglabas nya ang hospital may iba na agad syang kasama?Aba so ano yun?Sinabi nya lang yun dahil ano wala syang choice dahil ako lang pwede nyang landiin
Aba!
"Nhiana?Oh!Ikaw nga!"tumingin ako kay Max saka ngumiti
"Long time no see!Mukhang succesful kana ah!"sabi nya ngumiti lang ako hindi kopa sure kung ngiwi o ngiti un
"Btw sorry pala!"kumunot ang noo ko
"Para saan?"tanong ko
"Hindi ko nagawa yung sinabi mo bago ka umalis papunta thailand.Kinailangan ko kasing pumunta sa canada."natigilan ako ng maalala yung sinabi ko sakanya nung araw ng pagalis ko
"Wala yun."sabi ko
Pagbukas ang pinto ng elevator lumabas na agad ako
"Nhiana!"narinig ko ang tawag ni Azeo pero derederetso lang ako sa pagpasok sa condo unit ko
Pagtapos kong maligo deretso na agad ako sa pagtulog
----------
Nagising ako ng hapon na bumangon agad ako para ayusin yung mga gamit na ginamit ko sa hospitalNapatitig ako sa uniform ko
Masaya ako dahil makakapagpahinga ako pero malungkot din ako dahil ito na ang last na magtratrabaho ako bilang nurse.Pwede naman akong magvolunter minsan kaso iba parin yung gigising sa umaga para lang pumasok
Dati school uniform ang suot ko lagi tapos naging uniform ng nurse tapos ngayon kailangan ko na syang itago.Hindi ko maiwasang malungkot
Pagtapos kong magayos ng gamit nagayos ako ng sarili ko napagdesisyunan kong pumunta sa convenient store.
Matagal na simula ng huling punta ko doon kahit lagi akong inuupdate ni erin mas ok kung ako mismo ang pupunta
Pagdating ko doon medyo maraming tao akong naabutan nakatayo kasi ang convenient store ko sa lugar na malapit sa pasyalan.
Dederetso sana ako kay erin na nasa counter ng may makita akong familiar saakin lumapitako sakanya at doon ko na laman na sya nga
"Lola!"tumingin agad sya saakin ngumiti sya ng makilala ako
"Nhiana hija!"sabi nya kinuha ko yung basket na dala nya na naglalaman ng mga pinamili nya
"Bakit po kayo nandito?Saka wala po ba kayong kasama?"tanong ko
"Ako lang magisa kasama ko kanina yung apo kung babae kaso umalis na napadaan ako dito kaya naisipan kong mamili na."kumunot ang noo ko
"Bakit hindi nyo sinama si Azeo?Dapat lagi nyo syang kasama!Mabigat tong dala nyo!"sabi ko ngumiti si lola kumapit sya sa braso ko naglakad kami papunta sa cashier
"Maraming trabaho ang apo ko kaya nasa bahay lang sya at nagtratrabaho!"sabi ni lola
"Ma'am nhiana!/Good afternoon ma'am Nhiana!"bati nila Erin at kate
"Good afternoon!"bati ko napatingin ako kay lola kita kong nagtataka sya
"Ahm lola ako po kasi ang mayari ng convenient store na ito."sabi ko nanlake ang mata ni lola
"Talaga?"tanong ni lola tumango naman ako
Pagtapos namin bumili ako na ang naghatid kay lola sa bahay daw ni Azeo sya pupunta dahil ipagluluto nya ang apo nya para daw lalong gumaling
Kung alam lang ni lola nakikipaglandian agad ang apo nya siguro doon sa bahay nya kasama nya si max maglivein na sguro sila.Tinuro saakin ni lola kung saan nakatira si Azeo
Kumunot ang noo ko ng marealise na doon kami sa dating apartment kung saan ako dati tumira kami huminto
Bakit dito parin sya nakatira?
Inalalayan ko si lola paakyat sa hagdan kapag talaga nakita ko si Azeo babatukan ko sya matanda na si lola tapos naatim nyang hayang maglakad dito sa hagdan!
Kumatok si lola ilang sandali lang bumukas yun bumungad saamin si Azeo nakasuot sya ng salamin
"Lola!"nakangiting bati nya pero nang makita ako nagulat sya
"Tinulungan nya akong pumunta dito apo!"Sabi ni lola hinila ako ni lola papasok nilibot ko ang paningin ko sa paligid walang pinagbago ganun parin maliban nalang sa ibang furniture na bago.
Umupo ako sa sofa nakakalat sa lamesa ang mga gamit ni Azeo napatingin ako sadating kwarto ko.
Binalik ko ang tingin ko sa kamay ko parang bumalik lahat ng mga pangyayari na naganap sa lugar na toh..
Mga pangyayari na may nagpatatag saakin para mas maabot ng goal ko
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...