chapter 15

22 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Pagtapos kong magbihis lumabas na ako ng kwarto ko.Sakto lang ang laki ng bahay ni lola may nakita din akong ibang tao dito siguro kasambahay nila

Paglabas ko nakita ko si Azeo nakayakap sya mula sa likod kay lola.Ang cute nilang tignan

"Lola inaway ulit ako ni daddy!Pero pinagtanggol ako ng nobya ko!"

"Talaga?Yang papa mo talaga!"

"NHIA!Lola nandyan na nobya ko!"nanlake ang mata ko matapos isigaw ni Azeo yun ngumiti ako ng tumingin saakin si lola

"Nandyan kana pala!Halika magumpisa na tayo!"Napangiti ako lumapit ako sa kanila 

Pumunta kami sa kusina nakahanda na dun lahat ng mga gagamitin namin.Sobrang saya ko habang tinuturuan ako ni lola

Ako gumagawa lahat sinasabi lang ni lola ang kailangan kong gawin.

Natapos na namin ang pagluluto  pero hindi manlang ako makaramdam ng pagod.Mas lamang ang excitement kaysa  pagod

"Oh,Tapos na yan tikman natin!"excited akong tumango binigyan ako ng kutsara ni lola

Inantay ko muna tikman ni lola.Gusto malaman ang reaksyon nya

Kinabahan ako ng bigla syang umiling.

"Hindi po ba masarap!?"tanong ko ngumiti sya

"Tikman mo!"sabi nya sinunod ko naman si lola  sumandok ako ng konti at tinikman

Nanlake ang mata ko tumingin ako kay lola nakangiti sya.

"Mas magaling kana ata gumawa saakin."sabi nya

"Nagustuhan nyo po?"tanong ko tumango sya napangiti ako hindi ko naiwasang yakapin si lola sa sobrang tuwa

"Thank u lola!Thank u posa pagtuturo!!"sabi ko tumawa naman si lola

"Sya sge ipatikim mo sa nobyo mo!"napalingon ako sa likod ko nakita ko si Azeo nandun sya sa island counter nakatalumbaba sya habang nakatingin saamin.

"Sge po!"sabi ko kumuha ako ng platito saka kumuha ng niluto namin

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang lumalapit ako sakanya.Pumunta ako sa tabi nya nilapag ko sa harap nya yung platito.

"Masarap ba yan?"tanong nya

"Tikman mo!"sabi ko umayos sya ng upo

"Ahh!Subuan moko!"Napanguso ako napakadami namang arte nito!Titikim lang eh!

Kinuha ko yung kutsara saka kumuha ng niluto ko.Nilapit ko yung kutsara sa bibig nya 

Sinubo nya yun tinagilid nya agad yung ulo nya kaya nalagyan ng minatamis yung gilid ng labi nya.Tinitigan ko sya

"Kamusta?"tanong ko ngumiti sya saka nagthumbs up napangiti ako

Aalis na sana ako kaso bigla akong hinila ni Azeo.Pumulupot ang braso nya sa bewang ko.Gulat akong napatingin sakanya

"May dumi yung gilid ng labi ko!"sabi nya napailing ako pinunasan ko yung labi nya

"Yan ok na?"tanong ko ngumiti sya saka tumango

Nilagay namin sa lamesa yung niluto ko saka namin kinain.Kasama namin yung ibang tao dito sa bahay pati narin ang kapatid ni lola.

"Anong trabaho mo hija?"tanong ni lola

"Nurse po."sabi ko

"Pwede ba akong magpacheck up sayo?"tanong ni lola

"Bakit la hindi paba kayo nagpapacheck up?"tanong ni Azeo

"Ay nako apo!Pinipiit ko sya pero ayaw nya!Tinatamad daw sya!"sabi ng kapatid ni lola

"Lola naman!Kailangan mabantayan ng blood pressure mo!"hinawakan ni lola ang kamay ni Azeo

"Apo....Tinatamad kasi akong lumabas!"reklamo ni lola

"Ahmm...Lola gusto nyo ako nalang po kumuha ng blood pressure nyo?"tanong ko

"Marunong kaba?I mean wala ka kasing dalang mga gamit."bakas sa boses ni Azeo ang pagaalala ngumiti ako hinawakan ko nag braso nya

"Don't worry may dala akong gamit,Saka sanay na ako dahil lagi naman kaming may medical mission."sabi ko

"Kasama si Nico?"seryosong sabi nya tumango ako

"Ayos lang ba apo kung pati ako magpatingin?"Napatingin ako sa kapatid ni lola tumango ako

"Oo naman po!"sabi ko

Pagtapos namin kumain kinuhanan ko na ng blood pressure si lola at yung kapatid nya.Parehas namang maganda ang kinalabasan

"Nhia."napatingin ako kay Azeo nasa gilid ko sya nanonood kami ng tv

"Bakit?"tanong ko hinawakan nya yung kamay ko

"May ipapakita ako sayo!"sabi nya tumayo sya saka ako hinila

"Saan ba tayo pupunta?Gabi na!"sabi ko nagulat ako ng bigla syang huminto at humarap saakin nilapit nya saakin yung mukha nya

"Ipapakita ko sayo ang paborito kong lugar  nung bata ako!"sabi ko hindi na ako umimik

Tulog na sila lola kami nalang ang gising dahil nanonood pa kami.

Napahinto sya ng buksan nya ang pinto.Sumilip ako sa labas madilim sa labas tanging ilaw lamang na galing sabuwan ang nagsisilbing liwanag.

"Wag nalang kaya tayo tumuloy."sabi ko nagaalala ako sakanya baka kung anong mangyari sakanya

"Pero gusto kong ipakita sayo yun."ramdam ko ang lungkot sa boses nya kaya lumapit ako sa tabi nya

Nilagay ko ang kamay ko sa bewang nya kinuha ko ang kamay nya saka ko inakbay saakin.Kinuha ko ang cp ko para may ilaw kami.

"Don't worry nandito ako.Hindi kita iiwan."sabi ko huminga sya ng malalim bago nagumpisang maglakad

Dinala nya ako sa tabing dagat merong papag dun.Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin.

Umupo kami sa papag kita ko ang buwan at maraming star.Nakakarelax  ngayon nalang ulit ako narelax ng ganto

"This is my favorite place...Pero simula nung gabing yun hindi na ako makapunta dito...Ngayon nalang ulit."sabi nya tumingin sya saakin

Humiga ako sa papag gusto kong mag star gazing.Sobrang daming bituin

"Then enjoy!."sabi ko humiga sya sa tabi ko pinatong nya ang ulo nya sa kamay nya habang ang siko nya nakatungkod sa papag

"Boyfriend mo ba si nico?"natawa ako sa sinabi nya

"Nope.kaibigan ko lang sya pero....medyo crush ko sya."sabi ko

"Tsk!Nagkaboyfriend kana ba?"tanong nya umiling ako

"Gusto kong magfocus sa goal ko."sabi ko

"Ano bang goal mo?"tanong nya ngumiti ako

"Marami akong goal,At tatlo nalang ang kailangan kong tapusin.."sabi ko

"First goal ko makagraduate bilang nurse,
2,Goal ko makahanap ng trabaho,
3,Goal ko ay ang dalhin sa mall si mama at papa at bilhin lahat ng gusto nila
4,Goal ko pumunta sa mall at bilhin lahat ng gusto ko,
5,Goal ko maging independent sa pamamagitan ng mamuhay ng magisa,
6,Goal ko pumunta sa thailand at magtrabaho dun bilang nurse,
7,Magipon at magpatayo ng sarili kong convenient store
8.My last goal,Bumuo ng sarili kong pamilya."hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasabi yun napatingin ako kay Azeo nakatitig sya saakin

"Bakit?"tanong ko

"You're so beautiful,"natigilan ako naguumpisa nanamang bumilis ang tibok mg puso ko

"A-ano bang tri-"

"I love you.."

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon