NHIANA'S POV
Pagtapos kong naghalfbath sa cr na rin ako nagbihis ang laki saakin ng mga damit ni Azeo pero komportable naman.Natigilan ako ng makitang nakaupo si Azeo sa kama.Nakayuko sya nakatingin lang sya sa kamay nya na may hawak na suklay.
"Bakit nandito kapa?"tanong ko napatingin sya saakin tumayo sya at ngumiti saakin
"Susuklayan kita!"nakangiting sabi nya tinignan ko sya
"Bakit?"kunot noong tanong ko unti unting nawala ang ngiti sa labi nya
"H-huh?"tanong nya umiwas ako ng tingin umupo ako sa kama
"Hindi na tayo tulad ng dati Azeo."sabi ko
Kung dati saya at kilig ang dulot ng mga ginagawa nya ngayon sakit dahil tuwing ginagawa nya ulit ang mga bagay na lagi nyang ginagawa dati bumabalik lang ang sakit na naramdaman ko noon.
At hindi ko gusto yun naiintindihan ko lahat ng sinabi nya na gusto nya akong bumalik pero hindi naman nya tinanong kung same ba kami ng nararamdaman.
Dahil kung itatanong nya saakin yun hindi ko rin alam ang isasagot ko dahil ngayon naguguluhan na din ako para bang nabalewala ang pagmomove on ko ng ilang taon
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto walang umiimik o gumagalaw manlang saaming dalawa.
Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko pero hindi ako gumalaw.
"Hindi na nga tayo tulad ng dati pero pwedeng baguhin nalang natin yung nakaraan?Gawin nating mas better ang present at future.."sabi nya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil ramdam ko ang lungkot sa boses nya.
"Please Nhia.."hinawakan nya ako sa balikat pumunta sya sa likod ko
Hindi ako kumilos hinayaan ko syang pumunta sa likod ko.
Pwede pa nga bang ayusin ang nasira?Dapat paba akong umasa na may magbabago?Sasaya ba ako kapag umasa ako?
I have many question but there's no Answer..napabuntong hininga ako
Hinawakan nya ang buhok ko hanggang sa nagumpisa na syang magsuklay.
"I'm so proud of you...Masaya ako kasi natupad mo lahat ng goal mo,Ang dating mga kwento mo lang naging totoo.Isang bagay lang ang kinalulungkot ko yun ay ang pagiging selfish ko."tumigil sya saglit sa pagsuklay sa buhok ko
Napapikit ako hindi ko alam kung bakit may namumuong luha sa mata ko sinusuklayan nya lang naman ako bakit kailangan kong umiyak?
"Mas pinili kong pigilan ka kaysa samahan ka,Nangmarealise ko ang mali ko doon ako nagsisi gusto kong lumapit sayo nun pero hindi ko kaya...Baka kasi mawala ang ngiti sa labi mo kapag nilapitan kita."tuluyan syang tumigil sa pagsusuklay
"Everytime na maymaachieve ako pinupuntahan kita tuwing malungkot ako pinupuntahan kita sa thailand,Tuwing nakikita ko ang ngiti mo..nawawala ang pagod ko."
"Gusto kitang bawiin kay Nico pero wala akong karapatan dahil alam kong gago ako at wala akong karapatan na akinin ka.Sinubukan kong magmove on,Sinubukan kong makipagdate pero hinahanap lang kita sakanila at doon ko napatunayan na wala kang katulad,Ang m-mahal ko ay nagiisa lang."nanginginig ang boses nya narinig ko ring suminghot sya
Haharap sana ako sakanya pero pinigilan nya ako
"S-sorry mahal ko.."parang piniga ang puso ko nang marinig ko ang impit ko hikbi nya
"I love you i'm sorry..Sorry nhia.."naguumpisa narin akong umiiyak this is the first time na narinig ko syang umiyak
Hindi ko parin pala sya kayang saktan.
"Hindi kita deserve,I will support you hahayaan na kitang magmahal pero ako hindi kita kayang palitan kaya mag tratrabaho nalang ako hanggang pagtanda-"inis akong humarap sakanya
Napatitig ako sakanya basa na ang pisngi nya dahil sa luha para kaming tanga na nagiiyakan.Hinawakan ko ang pisngi nya pumikit naman sya
"A-alam mo ikaw!May sapak ka talaga sa utak!Bakit ba lagi ka nalang nagdedesisyon ng magisa?"huminga ako ng malalim
"Tinanong mo ba kung anong nararamdaman ko?Tinanong mo ba kung ayos lang saakin yang balak mo!TINANONG MO BA KUNG MAY MAHAL NA AKO IBA!!"sigaw ko sakanya tumingin sya saakin puno ng luha ang mga mata nya
Umiling ako ilang beses akong umiling hanggang sa ipatong ko nalang ang noo ko sa balikat nya
"Naiinis ako sayo!Kasi..kasi hindi ka maalis sa puso at isip ko!Masyado mo nang namanipulate ang puso at isip ko kaya hindi ka mapalitan!"
Naramdaman ko ang kamay nya na yumakap saakin kaya mas lalo akong umiyak.Masakit pero nakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam na para bang isang napakalaking problema ang natanggal ko
"K-kung magiging matandang binata ka magiging matandang dalaga nalang rin ako!"sabi ko narinig ko ang pagtawa nya
Lumayo ako sakanya at tama ako napakalaking ngiti ang nakalagay ngayon sa mukha nya.
Sinubukan kong pigilan ang pagngiti pero wala akong nagawa nahawa ako sa pagngiti nya hanggang sa sabay nalang kaming natawa
"Ayaw kona!Lagi mo nalang ako pinapaiyak lumayas kana nga dito!"sabi ko pero hinuli lang nya ang kamay ko at nilagay sa pisngi nya
"No!Hindi na ako lalayo sayo..Hindi na mahal ko."sabi nya
"Baliw charot lang yung mga sinabi ko!"sabi ko kumunot ang noo nya
"Ano?Anong charot?Salita ba yan sa thailand?"tumawa ako
"Charot means joke!"sabi ko
"Joke?Edi ano?Joke lang mga sinabi mo?Lahat yun joke lang!"Gulat na tanong nya para bang hindi sya makapaniwala
"Parang ganun na nga."nagkibit balikat ako umiling sya
"No!Lahat ng sinabi ko totoo!Love mo parin ako!"nanlake ang mata ko
"Hala asa ka!"sabi ko
"Mahal naman eh!Bati na tayo diba?"tanong nya hindi ako sumagot
"Nhia..Totoo lahat ng sinabi mo saakin diba?"tanong nya umiwas ako ng tingin
"Nhia!Mahal ko!I love you!"may lambing nag bawat tawag nya saakin kaya dapat akong magpakatatag
Bawal marupok!
"Ano azeo?"tanong ko
"Mahal naman eh!"tumingin ako sakanya ngumuso sya
"Sabi mo...Akala ko totoo lahat ng sinabi-"
"I love you mahal ko."gulat syang tumingin saakin hindi ko naman maiwasang mapangiti
"Love mona ulit ako?"tanong nya
"Hindi hate kita!"pilosopong sabi ko nagulat ako ng bigla nya ako niyakap
Napangiti ako now i realise sa anim na taon na yun walang nangyaring move on nakalimutan ko lang saglit yung problema pero yung pagmamahal ko sakanya hindi nawala
Kung patuloy akong magmamatigas mas lalo lang akong masasaktan at ngayon alam ko na
I still love him.
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...