chapter 14

17 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Maaga akong nagising dahil maaga daw kaming aalis yun ang sabi ni Azeo.

Dalawang araw lang kami dun kaya konti lang dala kong damit.Saktong pagtapos kong magbihis may kumatok sa pinto binuksan ko yun bumungad saakin si Azeo.

"Bakit aalis na ba tayo?"tanong ko umiling sya saka pumasok sya sa loob ng kwarto ko

"Upo."sabi nya umupo naman ako sa kama ko pumunta sya sa likod hindi nagtagal naramdaman kong sinusuklayan na nya ako

"Galit ka parin ba?"tanong ko hindi sya umimik napangiti ako

Galit pa sya pero ito sya sinusuklayan ako.Hindi ko alam pero masaya ako

"Tara na."sabi nya tumango ako kinuha ko yung bag ko saka sumunod sakanya

Kotse nya ang gamit namin papunta sa probinsya nila.Kinakabahan ako

"Ahm Azeo pwede ba akong magtanong?"tanong ko pagpasok namin sa kotse nya sumulyap sya saakin bago tumango

"Ahmm...Sure ka bang ok lang na sumama ako sayo?Kasi ano hindi mo naman ako jowa..Baka kasi anong isipin ng lola mo,Baka magalit sya..."sabi ko tumingin sya saakin umiwas ako ng tingin

"Lahat ng mahal ko mahal din ni lola."gulat akong napatingin sakanya pero mukhang wrong move ata

Napaatras ako ng makitang sobrang lapit ng mukha nya saakin lumayo ako pero mas lalo syang lumapit.

"A-anong ba!Lumayo ka nga!"sabi ko pero ngumisi lang sya napasandal ako dahil mas lalo syang lumapit

Nababasa ko lang toh sa wattpad pero hindi ko akalain na ganto pala talaga ang pakiramdam kapag sayo na nangyari.Bumaba ang tingin nya sa labi ko kaya naitikom ko yun

"Nakakabit na pala."sabi nya saka lumayo

"Ano?Lumapit kaba para ikabit ang seatbelt ko?"tanong ko tumango sya

"Oo kaso nakakabit na pala!"sabi nya tumawa pa sya  napailing ako lakas talaga ng sapak nya

"Hindi kana ba galit?"tanong ko tumingin sya saakit at tumango

Nagkibit balikat nalang ako hindi ko kasi talaga magets yung point nya kung bakit sya nagalit eh

nakaramdam na ako ng antok kaya pumikit nalang ako.Wala rin naman akong gagawin kung mananatili akong gising.

Ginising lang ako ni Azeo nung kakain na kami.Sa isang restaurant nya ako dinala nagreklamo pa ako dahil mahal dun pero hindi nya lang ako pinansin

Kahit nung kumakain kami hindi nya ako pinapansin,

"Umamin na nga  ako sayong crush kita!Dapat wala ka ng niyayakap na  iba!"

Napangiti ako ng maalala yung sinabi nya.Tinitigan ko sya seryoso lang syang kumakain

"Wag kanang magalit saakin!Ikaw lang naman baby ko!"Biro ko gulat syang tumingin saakin

Ngumiti ako,Umiwas sya ng tingin kita ko ang pamumula at pagngiti nya.
******
NAALIMPUNGATAN ako dahil may kumukurot sa pisngi ko inalis ko yun saka humarap sa kabilang side.

TSUP!

napamulat ako dahil may humalik sa pisngi ko.Pagmulat ko bumungad saakin ang mukha ni Azeo napakalaki ng ngiti nya 

"Nandito na tayo!"Sabi nya saka lumabas.Huminga ako ng malalim inayos ko ang sarili ko

Wala talagang nangyayari saaking matino kapag kasama ko yung bwesit na yun!Bumukas ang pinto sa gilid ko

"Nagaantay na si lola."sabi nya kinuha nya yung kamay ko saka ako hinila palabas ng kotse

Namangha ako sa nakita ko sa piligid.Para akong nasa resort.

Napakatahimik ng paligid tanging huni lang ng ibon at tunog ng dagat ang maririnig

"Lola!!!"napatingin ako kay Azeo hindi ko napansin na nakapunta na pala kami sa tapat ng isang bahay

Tumakbo sya papunta sa matandang nagdidilig.

"Azeo,Apo!"sinalubong nya ng yakap si azeo napangiti ako kita ko kong gaano kahigpit ang yakap ni Azeo sa lola nya

"Namiss kita lola!!!"tumawa ang matanda ng tinadtad sya ng halik ni azeo

Hindi ko akalain na ganto pala sya sa lola nya.Halos ayaw na nga nyang hiwalayan ang lola nya 

"Yung magandang dalaga doon?Sya ba yung sinasabi mong magiging nobya mo?"napatingin ako sa kanila hindi ko narinig ang huling sinabi ng matanda dahil mahina

"Opo la!"lumapit ako sakanila ngumiti saakin ang matanda kaya ngumiti din ako

"Lola,Si nhia ay hindi si Nhiana po pala!Nhia lola ko!"lumapit ako saka nagmano

"Magandang hapon po!"sabi ko

"Magandang hapon din Nhia,Hija"bati saakin ni lola

"Lola nhiana po!"sabi ni Azeo taka namang tumingin sakanya si lola

"Bakit ikaw Nhia tawag mo?"sabi nung matanda

"Ok lang po lola Nhia nalang po itawag nyo saa-"

"Hindi!Ako lang dapat tatawag sayo nun!Nhiana lola!Yan po itawag nyo sakanya."reklamo ni Azeo natawa naman kami ni lola

"Pumasok na tayo sa loob!"Sabi ni lola inakbayan sya ni Azeo pero lumapit sya saakin at kumapit sa braso ko

"Mahilig ka daw sa pritong saging?"tanong nya tumango ako

"Opo,Lahat po ng pagkain na gawa sa saging na saba gusto ko!"sabi ko

"Mabuti naman!Halika tuturuan kitang gumawa ng minatamis na saging!"nakaramdaman ako ng excitement dahil dun kaya sunod sunod akong tumango

"Lola!Baka mapagod sya!"Napatingin kami kay Azeo

"Bakit ba kontra ka ng kontra!Hindi ko naman pahihirapan ang nobya mo!"sabi ni lola

"Ayy nako hindi nya po ak-"

"Sge lola ingatan nyo sya ah!"gulat akong tumingin kay azeo naramdaman nya ang tingin ko akya tumingin sya saakin nilakihan ko sya ng mata pero kumindat lang sya

"Kumain naba kayo?"tanong ni lola

"Opo!"sabi ni Azeo

"Sge,Magpalit muna kayo ng damit sa kwarto nyo."napatingin ako kay lola

"Kwarto po namin?"tanong ko

"Oo hija,Sa iisang kwarto nalang kayo magstay magkarelasyon naman kayo at isa pa nasa tamang edad naman na kayo!"hindi ako nakaimik inaantay kong tumutol si Azeo pero wala akong narinig

Humanda talaga sya saakin pagdating namin sa kwarto!

Nakasunod ako kay Azeo hanggang makapasok kami sa kwarto.

"Ouch!"gulat syang tumingin saakin habang hawak ang braso nya

"Bakit nanghahampas ka!"reklamo nya hinampas ko ulit sya

"Bakit kanina kapa hindi tumututol sa mga sinasabi ni lola!Talagang pabor ba sayong magkasama tayo sa iisang kwarto!"sabi ko habang hinahampas sya lalo lang ako nainis dahil tumatawa pa sya

"Teka!Teka!"nanlake ang mata ko ng bigla nya akong yakapin mula sa likod pinatong nya ang baba nya sa balikat ko

"Tuwing gabi pinapatay ni lola lahat ng ilaw dito.Kapag nakahiwalay ako ng kwarto sayo baka hindi lang din ako makatulog."

Kumalma ako matapos marinig ang sinabi nya.Ngayong alam kona ang dahilan nya kumalma ako

"Pero kung gusto mo..Sge sa iba nalang  ako matutulog!"sabi nya umiling ako

"Hindi ok na...Sge na dito nalang tayong dalawa magstay."sabi ko humigpit ang yakap nya saakin kumalma na ako pero ang bilis parin ng tibok ng puso ko

"Pero bakit nga hindi ka umangal nung pinagkamalan tayong magjowa!"sabi ko tumawa sya

"Ang sarap kasi sa pakiramdam na  nobya kita!"sabi nya saka kumalas sa yakap at tumakbo paalis

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon