chapter 22

17 2 0
                                    

NHIANA'S POV
"Hayts.."sinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko

Tumingin ako sa pintuan ng kwarto ko hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito.Hindi ko sya maintindihan bakit nya ako pinapapili sa dalawang mahalaga saakin.

He so important to me but my goal....

*********

Kahit hindi ako makatulog at maga ang mata ko kakaiyak kagabi kailangan ko parin pumasok.Hindi ko kailangang dalhin ang personal problem ko sa trabaho

Paglabas ko ng banyo nanlumo ako dahil hindi ko sya nakita sa kama ko.Pilit akong ngumiti siguro kailan parin nya ng time para maintindihan ako.

Wala akong gana tinatamad ako ngayon.Sobrang bigat ng dibdib ko huminga ako ng malalim kinuha ko yung bag ko saka lumabas ng kwarto

Natigilan ako ng maabutan ko si Azeo sa kusina gumagawa ng sandwich napangiti ako

Lumapit ako sakanya saka sya niyakap mula sa likod.

"Mahal..."tawag ko sakanya humarap sya saakin walang emosyon ang mukha nya

Kinuha nya yung bag ko saka nilagay doon yung ginawa nyang sandwich.

"Mahal galit kapa saakin?"tanong ko tumingin sya saakin umiling sya saka ngumuso napangiti ako

Hinalikan ko sya sa labi.

"Hahatid moko?"tanong ko tumango sya hinawakan nya yung kamay ko saka ako hinila.

Napabuntong hininga ako ramdam ko parin  yung concern nya pero ang cold nya saakin.Hindi ko na alam gagawin ko.

Walang umiimik saamin habang nasa byahe hindi ako sanay na ganto na galit sya saakin.

"Mahal yung kagabi ka-"

"Wag na natin pagusapan,Kahit anong mangyare hindi ako papayag na umalis ka."sabi nya 

"Pero mahal.."

"Nandito na tayo."sabi nya tumingin ako sa labas nandito na nga kami sa hospital.

Tumingin ako sakanya inabot nya saakin yung bag ko.Nakatingin langsya sa harap hindi manlang sya tumitingin saakin kahit konti

"Mahal wag naman ganto alam-"

"Sge na,Malalate na ako."nanlumo ako hindi na ako umimik at lumabas nalang

Derederetso akong naglalakad hindi ako lumilingon dahil inaantay kong tawagin nya ako.Pero wala...wala akong narinig lumingon ako

Mapait akong napangiti wala na sya.Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng hospital at magtrabaho

"Nurse nhiana are you ok?"nagangat ako ng tingin nakita ko ang head nurse namin

"Ayos lang po ako."sabi ko hindi sya  sumagot tumingin lang sya saakin.

"Kanina kapa matamlay,Ang laki rin ng eye bag mo?Ano bang ginawa mo kahapon sa day off mo?"ngumiti ako para malaman nyang nyang ok ako

"Ok lang po ako,"sabi ko

Pagtapos ng shift ko pumunta ako sa office.Kailangan kong magpaalam na magreresign na ako next month

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon