NHIANA'S POV
"Please nhia...Mahal ko wag mokong iwan...hindi ko kaya."Napapikit ako ng maalala ko nanaman yung sinabi ni Azeo hindi ko alam kung anong dapat kung gawin o ireact.
Bakit ba hindi nalang nya ako pabayaan?Bakit ba kailangan pa nya akong guluhin ng ganto,
Napabuntong hininga ako buong duty ko lutang ako buti nalang hindi ako nagkakamali.
"Nhiana!"napatingin ako kay Nico taka syang nakatingin saakin
"Kanina kapa wala sa sarili may problema ba?"tanong nya
Huminga ako ng malalim bakit ba kasi kailangan pa nyang sabihin yun.Ngayon tuloy gumulo ulit ang nararamdaman ko may part saakin na masaya pero may part saakin na nagtataka
"Nhiana."
"A-ah wala kulang lang ako sa tulog!"sabi ko tinitigan nya ako na para bang hindi sya naniniwala
"Tsk!After natin mag rounds bumalik ka sa office ko matulog ka dun!Bakit kasi hindi ka natulog simula kahapon!"sabi nya tumango ako
At gaya ng sabi nya nagikot nga kami kasama ko si Mia dahil sya ang head nurse namin kasama rin namin ang ibang doctor para icheck ang mga patient.
"Kaya paba?Last naman na dun sa mga private rooms."natigilan ako bigla akong nakaramdam ng kaba
"Private rooms?"tanong ko tumango sya
"Bakit?"tanong nya umiling ako tumango sya saka sumabay nasa mga kapwa nya doctor
Pano ko sya haharapin?Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon nakaconfine parin sya eh simula nung gabing yung hindi na ako bumalik sa room nya kasi naman naguguluhan ako para bang hindi kayang iabsorb ng utak ko yung sinabi nya
Habang papalapit kami sa room 9 mas lalo akong kinakabahan.Hindi ko alam kung nahihiya o sadyang ayaw ko lang syang makita.
Kumatok ang isang doctor bago kami pumasok sa kwarto nya nakatago ako sa likod ni Mia
"Nurse nhiana!"napatingin ako kay Mia ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sila saakin lahat
"P-po?"tanong ko
"Pakitanggal na ang dextrose."Utos ni Mia tumango ako nakayuko akong naglakad papalapit sa pasyente napapikit nakakahiya bakit ba kasi lutang ako
"Nhia.."parang huminto ang puso ko sa pagtibok ng marinig ko ang familiar na boses nagangat ako tingin
Napatingin ako sa mukha hindi na sya masyadong maputla pero ang mata nya kita ko ang lungkot.Nagiwas ako ng tingin lumapit ako sakanya saka tinanggal ung Dextrose
Aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko
"Pwede na po syang umuwi,Mauna na po kami."pinilit kong tanggalin ang kamay nya sa kamay ko at tumalikod
"Sya ba ang dahilan kaya tahimik ka?"napatingin ako kay Nico sya nalang ang naabutan ko sa tapat ng pinto
Umakbay sya saakin saka ako sinabayan sa paglalakad
"Take a nap ok?"sabi nya
AZEO'S POV
"Apo halika na!"napabuntong hininga ako"Lola wala pa si nhia."sabi ko bumuntong hininga si lola
"Apo sigurado ka bang ang taong inaantay mo ay darating?"napayuko ako
Hindi ako sigurado pagtapos ng sinabi ko sakanya nung isang araw medyo lumayo nanaman sya saakin.Hindi naba nya ako mahal kaya sya nagkaganun?
Bakit mahal na ba nya si Nico?Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko dahil sa naisip hindi ko sya kayang makitang mapunta sa iba pero kasalanan ko rin naman lahat kung bakit naging ganto.
Masyado akong naging masaya nung dumating sa buhay ko si Nhia sya lang ang tanging babae na gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.
Masyado akong nasaktan nung sinabi nyang pupunta sya sa thailand sinubukan ko syang intindihin pero mas lumalamang ang pagkagusto kong manatili sya sa tabi ko
Pagtapos kong marinig ang pagmura saakin ni Nico sa videocall doon lang ako natauhan nun.Doon ko narealise na napakagago ko hindi kona nga sya sinuportahan sinaktan kopa sya.
Araw araw wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak nagawa ko pang pumunta sa thailand para lang maibsan ang pagkamiss ko sakanya.Nakita ko kung gano sya kasaya sa trabaho nya kung gano sya kapursigidong makamit ang lahat ng goal nya
"O sge mauuna na akong umuwi,Magiingat ka apo...Kung hindi na maayos wag nang pilitin total ikaw din naman ang sumira nyan."umalis na si lola pagtapos nyang sabihin yun tumayo ako
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na hinahanap si Nhia pero hindi ko sya mahanap.
"Si Nhiana ba hinahanap mo?"napahinto ako sa paglalakad tumingin ako sa likod ko nakita ko si Nico mukhang kakalabas lang nya sa pinto sa likod nya dahil hawak pa nya ang doorknob
Napatingin ako sa loob ng kwarto kumunot ang noo ko ng makita si Nhia na natutulog papasok na sana ako ng harangan ako ni Nico
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"tanong ni Nico nakakunot ang noo nya huminga ako ng malalim
"Kailangan kong makausap si Nhia!"sabi ko ngumisi sya
"Sa tingin mo makakausap mo ang tulog?Kung talagang may concern kapa sakanya hayaan mo syang magpahinga."kalmadong sabi nya napapikit ako
"Nico please!Hayaan mo lang akong makita sya please.."pagmamakaawa ko sakanya tumitig sya saakin napabuntong hininga sya
"Sge pero babantayan kita masyadong conservative si Nhiana ayaw nyang lumapit sa mga mas matandang lalake sakanya pero tinitiis nya yun para sa pasyente"
"Ako lang nakakatulong sakanya sa ganung sitwasyon kaya hindi ko sya pwedeng iwan."
Napayuko ako nakaramdam ako ng sakit sa puso ko mas kilala nya si Nhia kaysa saakin marami syang alam na hindi ko alam.Sya ang kasama ni Nhia tuwing malungkot sya at hindi ako.
Pumasok kami sa loob naglakad ako papunta kay Nhia umupo ako sa gilid nya wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan sya.
Namiss kong gawin toh ang titigan lang sya habang natutulog lagi ko tong ginagawa tuwing magigising akong katabi sya.At yun ang pinakamasayang gising ko masarap ang tulog ko kapag nasa tabi ko sya.
Lumuhod ako sa tapat nya kinuha ko yung kamay nya at hinalikan yun nilapit ko yun sa pisngi ko
"Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko pero hindi ko alam kung paano ayaw na ulit kitang piliting manatili sa tabi ko dahil alam kung masasaktan lang kita.Mahal ko...wag mo sana akong kakalimutan"napapikit ako ng maramdamang may namumuong luha sa mata ko
"I'm sorry i love you.."
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...