chapter 2

36 3 0
                                    

Nhiana's pov
Maaga akong nagising dahil morning shift ako ngayon.Bumangon na ako para maligo

Naninibago parin ako sa lugar mukhang ilang buwan akong magsstay dito bago umalis.Pagtapos kong maligo sinuot kona ang uniform ko malapit lang naman hospital dito kaya ok na kahit dito na ako magsuot ng uniform

Usually kasi dun ako sa hospital nagsusuot ng uniform kung sa dati ko kasing apartment madudumihan ung uniform ko dahil sa mahabang byahe

At isa pa hindi ako komportable na suot ang uniform ko kapag babyahe kasi maiksi ang skirt lalo na kapag umuupo

Pinatuyo ko ang buhok ko saka itinali yun.Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko na may laman na  tubig extra clothes.

Nilock ko ang pinto ng kwarto ko bago ako nagpunta sa sala naabutan ko dun si azeo na nagsasapatos

Nilapag ko ang bag ko sa sahig at naupo para magsapatos

"Nurse ka pala!"sabi nya tumango lang ako

Tumayo na sya kaya akala ko umalis na sya pero pagaangat ko ng tingin ko nandun sya nakatingin saakin

"Bakit?"tanong ko

"Sabay na tayong bumaba."sabi nya

Napakafriendly naman nito hindi ko alam kung tunay o nakikipagplastikan lang sya.

Kinuha ko ang bag ko saka nauna nang lumabas nakasunod  naman sya saakin

"Do you love you work?"tanong nya tumango ako

"Ofcourse."sabi ko tumango tango sya

"Is that what your parents want?"napatingin ako sakanya

"What do you mean?"tanong ko hindi sya sumagot

"No..Ito ang dream job ko."sabi ko

"Oh Nhiana nakalipat kana pala"napatingin ako sa landlady namin

"Opo,Good morning po!"sabi ko ngumiti naman sya

"Morning manang!"napatingin ako sa katabi ko hindi ba sya  marunong gumalang?

"Ayy ito pala yung susi ng apartment mo"sabi nya saka inabot saakin ang susi kinuha  ko naman yun

"Thank you po!"sabi ko

"Nurse ka pala!Mukhang kompleto na ah meron din kasing nakatirang doctor dito "sabi nya

"Talaga  po?"tanong ko tumango naman sya

"Dyan sya sa itaas ng apartment nyo nakatira."sabi nya tumango ako tinignan ko yung apartment sa taas ng apartment namin

"Sge po una napo kami!"sabi ko

Doctor?Sino kaya?Sguro doctor din sya dun sa pinagtratrabahuhan ko

"Mukhang interesado ka kay doc ah."napatingin ako sa katabi ko kasabay ko papala sya hindi ko alam

"Hmm."sabi ko

*******
"Nurse nhiana!!"natawa ako dahil sa pagsigaw ni mia nakita ko pang pinagalitan sya ng head nurse namin

"Good morning!"bati ko

"Sayang ka talaga!Ang daming gwapo dun sa pinuntahan namin!"kwento nya ngumiti lang ako

"Ayy nako kahit kasama natin yang si Nhiana kahapon sure ako mabored lang yan!"sabi pa ng isa naming katrabaho

"Ayy oo nga noh!Nasa huli pala ng goal mo ang pagkakaroon ng relationship"sabi ni mia

"Paturo naman kung pano hindi maging malandi!"natawa ako sa sinabi ng katrabaho ko

*******
Pagtapos ng shift ko dumeretso agad ako sa fastfood para  magdinner.Mas gusto kong kumain ng mga simpleng pagkain hindi rin ako mahilig sa gulay kaya hindi na ako pumupunta sa mga  restaurant

Pagtapos kong kumain umuwi na agad ako dahil inaantok na ako.Gaya dati walang nagbago sa  routine ko gising,pasok,uwi,tulog.At balak kong ipagpatuloy ang ganyang routine hanggang sa makapagpatayo na ako ng sarili kong convenient store

16 year's old palang ako matured na ako magisip iniisip kona agad ang mangyayari saakin sa future mga dapat kong gawin at iwasan ay alam kona.Ayaw kong magaya sa mga dati kong kakilala na maagang nagasawa kaya hindi umahon sa kahirapan

Sinisisi nila ang mahirap nilang buhay kaya daw sila hindi makaahon ahon.Hindi ako naniniwala dun kasi kung talagang gusto mongumahon sa kahirap kailan mong magsumikap dahil hindi magic na bigla ka nalang yayaman you need to do something to make your life better

Napahikab ako malapit na ako sa apartment.Kinusot ko ang mata ko dahil nagluha yun ng humikab ako

"Nurse Nhiana?"

"Nurse nhiana?"nagangat ako ng tingin nagulat ako ng makilala ko ang nasa harap ko

"Doc nico?"tanong ko ngumiti sya saakin

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko tumingin sya sa gilid namin napatingin ako dun nandito na pala ako.

"Nakatira ako dito."napatingin ako sakanya

"Dito?Ibig sabihin ikaw yung sinasabi nung landlady na doctor na nakatira dito?"tanong ko nakangiti syang tumango kumunot ang noo ko

"Happy ka doc?"tanong ko tumawa sya

Ehh?Happy nga sya

"HAHAHA!Ang cute mo!"napatitig ako sakanya

"Huh?"tanong ko minsan naiisip ko dapat talaga doktor nalang ng nga baliw tog si doc nico kaysa doctor ng mga bata.Ang weird nya pero mabait naman sya

"Nothing,Btw nakatira ka din dito?"tanong nya tumango ako

"Let's go?"tumango lang ulit ako at naunang maglakad

"Bye doc!"sabi ko pagdating ko sa floor ko

"Bye!Good night!"natatawang sabi nya kumaway lang ako

6:30 palang maaga  pa ito para sa iba pero para saamin na nurse at doctor kapag uwi tulog agad.

Kinuha ko ang susi ko sa bag saka binuksan ang pinto.Kumunot ang noo ko ng may marinig akong naguusap

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko .Derederetso akong naglakad at walang balak pansinin sila.

"Wait!Hey!who the heck are you bitch!"napahinto ako sa paglalakad

Bitch?sira ata ulo nito eh sya nga itong nakakandong sa lalake

"Sino ka?Ba't ka nandito?Are you one of azeo's bitch?"nakataas ang kilay na tanong nya napangisi ako

"No i'm not.At kahit kailan hindi magiging...Eh ikaw?Isa kaba sa kanila?O baka ikaw ang queen of azeo's bitch?"nanlake ang mata nya

Nilibot ko nag paningin ko sakanila halos lahat sila nakangisi including azeo.

"Alam mo bang ang apartment na toh ay sa boyfriend ko!At si Azeo  ang bf ko!Kaya wala kang karapatang  agawin sya o tumira man lang dito!"napairap ako sobra naman kung magoverthink toh Napaka OA

"May karapatan akong tumira dito kasi nag babayad ako.At pwede ba"tumawa ako pagkatapos binalik ko ang seryoso kong mukha

"Wala akong balak agawin yang playboy mong jowa...Kung gusto mo itali mo nalang sayo"

"Wag ka  kasi masyadong mainsecure.Masyado kang takot maiwan eh."umiling ako bago naglakad papunta sa kwarto ko

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon