NHIANA'S POV
Kumunot ang noo hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang nasa isip ko.Alam ko kung gano sya katakot kapag nasa madilim na lugar kaya hindi ko kayang hayaang na ganto.Pero kasi wala naman na akong karapatang makielam may jowa na sya siguro naman alam nya yung tungkol sa phobia nya
"Ahm nichole.."tawag ko nang humarap sya saakin parang umatras ang dila ko
Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy toh.
Wala na akong paki sakanya pero bakit nagaalala parin ako sakanya?Hindi ako nagaalala alam ko lang kasi kung anong pakiramdam nya kapag madilim
"Yes Nhiana?"Tanong ni Nichole tumingin ako kay Azeo nakatingin din sya saakin
"Ahh..Wala sorry sa abala."sabi ko naglakad na ako palabas
Tapos na kami at dapat balewala na rin sya saakin pake koba sakanya?Bahala sya nandyan naman si Nichole para tulungan sya
At isa pa expert sya sa paghahanap ng ibang babae kaya marami syang kadamay,Good luck nalang kay Nichole
Nakita ko si angelica nakaupo parin sya at mukhang inaantay parin ang jowa nya.Kagat labi akong naglakad papalapit sakanya
"Aray ko!!!"Tumayo sya pagtapos ko syang paghampas hampasin
"Nhiana?Ano trip mo!"sabi nya tinignan ko sya ng masama
"Yang bibig mo napakadaldal!Ang daming mong atraso saakin bwesit ka!!!"sabi ko tumawa sya saka tumakbo
"Kapag talaga nahuli kita ihahagis kita papuntang mars!"sabi ko
*********
Maaga kaming nagising dahil ngayon daw kami pupunta sa beach.Ayaw ko sana sumama dahil inaantok ako pero itong epal kong pinsan hinila ako papunta sa van
"Inaantok ka pa?"napatingin ako kay Gelo nakangiti sya
Sya ang katabi ko syempre kami lang naman ang single dito.Sya ang nasa tabi ng bintana gusto ko sana doon kaso ayaw ko namang sabihin kay Gelo nahihiya ako
"Medyo,"sabi ko
Hindi parin kasi maayos ang body clock ko nasanay akong puyat.Kaya medyo hirap akong matulog sa gabi.
"Gusto mong sumandal sa balikat ko?"tanong nya sasagot na sana ako ng sumabat si angelica
"Sge na couz!Alam ko namang hobby mo matulog lagi sa byahe!"sabat ni angelica
"Ikaw kausap?"sabi ko tumawa naman sya hindi na ako nakakilos ng hawakan ni Gelo ang ulo ko at ipatong sa balikat nya
Hindi ko alam kung gano kalayo ang nilakbay namin dahil natulog ako buong byahe.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid may ilan turista akong nakikita,Napatitig ako sa dagat
Hindi ko namalayan na humiwalay na pala ako sa mga kasama ko lumapit ako sa dagat.Ang ganda ng panahon ngayon kulay asul ang langit ganun din ang dagat.
Sa tagal ko sa thailand hindi manlang ako nakalibot doon.Natigilan ako ng pumasok sa isip ko ang lola ni Azeo
Kamusta na kaya sya?Hindi ko natupad ang pangako ko na babalik ako.Sana masigla parin sya hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...