chapter 33

21 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Natigilan ako nang makita ko sya.Nakangiti sya mukhang hindi pa nya ako nakikita dahil nasa likod ako nila angelica

Huminga ako ng malalim saka umiwas ng tingin,Ano bang nangyayari saakin?Dapat balewala lang sya kinalimutan kona sya

Hindi nga pala alam ni Angelica kung anong itsura ni Azeo.Pangalan lang ang alam nya.Siguro nagulat ako ex ko parin sya kaya hindi ko akalain na makikita ko sya dito.

Kahit hindi ko aminin nakakaramdam parin ako ng konting poot sa puso ko.Naalala ko kasi yung ginawa nya saakin

"Guys!meet my boyfriend azeo!"pakilala nung pinsan ni Ranz kay azeo

"Mas lalong nakakabitter noh?"napaharap ako kay Gelo ngumiti ako

"Op tayo dito!"bulong ko tumawa naman sya

"Hoy anong pinaguusapan nyo?Ang lapit ng mukha nyo ah!"napatingin ako kay Angelica ang laki ng ngiti sa labi nya

"Ayiee!!Ang pinsan ko lumalovelife!!!"sabi nya tinusoktusok nya ang tagiliran ko kaya nagtago ako sa likod ni Gelo

Malakas ang kiliti ko kaya baka bigla ko nalang masapak si angelica

"Babe!Nahihiya na yung pinsan mo!"sabi ni Ranz tumawa si Angelica lumapit ulit sya sa boyfriend nya

Bwesit na toh!Nangasar pa kung alam lang nya baka nilayo pa nya ako dito!Kaso ayaw kong sabihin baka masira ang araw nila

"Hi Gelo!Hi..."ngumiti ako ng humarap saakin ang pinsan ni Ranz

"Nhiana.."sabay sabay kaming napatingin kay Azeo ng banggitin nya ang pangalan ko

Nakatitig sya saakin kita ko ang pagkagulat sa mata nya

"Baby kilala mo sya?"tanong ng Pinsan ni ranz

"She's my-"

"Friend,Naging magkaibigan kami dati."sabi ko ng hindi tinatanggal ang tingin kay Azeo kumunot ang noo nya

"Oh!Hi Nhiana!I'm nichole!"tumingin ako kay Nichole ngumiti ako sakanya

Napalingon ako sa likod ko ng may humawak sa braso ko.Nakita ko si Gelo

"Yung callphone mo tumutunog."sabi nya

"A-ah!Thank you!"sabi ko kinuha ko yung cellphone ko napangiti ako ng makita ang pangalan ni Nico

"Sino yan Nhiana?"tanong ni angelica

"Si Nico!Mauna nalang kayo!"sabi ko tumango sila lumayo ako ng konti sakanila saka sinagot ang tawag 

"Nico!!"tawag ko sakanya

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko ilang araw ko rin syang hindi nakausap kaya namiss ko sya.

"Wow!Miss moko?"tanong nya tumawa ako

"Ofcourse!Ilang araw kang hindi tumawag saakin!"nakangusong sabi ko

"Sorry naging busy ako eh!"sabi nya nagindian sit ako kinuha ko yung maliit na stick saka nagsulat sulat sa lupa

"It's ok!Kamusta na?Baka pinapagod mo sarili mo!"sabi ko

"Wag kang ganyan baka hindi na ako makamove  on sayo!"sabi nya tumawa ako

"Edi wag kang magmove on malay mo tayo talaga sa huli!"biro ko

"Hayts!Wag kang ganyan nhiana papakasalan talaga kita!"sabi nya tumawa ako

"Kamusta pala?Saan ka pala dinala ni angelica?"tanong nya

"Nandito ako sa..."nilibot ko ang paningin ko sa paligid

Napatingin ako veranda sa second floor ng bahay.Nagtama ang paningin namin hindi nya inaalis ang tingin nya saakin kahit nakatingin na ako sakanya

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon