NHIANA'S POV
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman,Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Pero bakit?Bakit sya tumatawagMay sasabihin ba sya?O baka hihingi sya ng sorry..O baka napindot nya lang ang daming pumapasok sa isip ko na kung ano ano at hindi ko alam kung anonh paniniwalanaan ko
Dapat ko bang sagutin?...
"Wag mong sagutin!"pero huli na ang lahat dahil napindot kona ang answer
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pagtapos ng videocall na toh...Pero umaasa ako umaasa ako na magkakaayos kami...
Wala akong ibang ginagawa kung hindi ang titigan ang screen magulo yun napara bang hindi alam kung saan ihaharap...
"Gago ka azeo!"
"Ibaba mo na!"
"Ano bang trip mo Azeo!Ibaba mo na yan!"
"Bakit mo tinawagan gago ka talaga!"
"Hayaan nyo syang magsisi.."
Kumunot ang noo ko dahil sa ingay nila familiar saakin lahat ng mga boses na yun dahil alam kung sa mga kaibigan yun ni Azeo
Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga sinasabi nila.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o saya
Huminto sa paggalaw at tumapat yun sa kisame...Familiar saakin yung kisame nayun nasa apartment sila ni azeo
"Nhiana.."
Napalunok ako hindi ko alam kung dapat bang magsalita ako o manatiling tahimik...
Hindi kona nakita ang kisame dahil may kumuha ulit sa cellphone...Pero hinihiling ko na sana hindi nalang sana inalis sa pagkakatapat sa kisame...
Parang huminto sa pagtibok ang puso ko sa nakita ko pagtapos tumapat sakanya ang camera...Naikuyom ko ang mga kamay ko naguumpisa naring mamuo ang luha sa mga mata ko
Parang isang daang piraso ng kutsilyo ang sabay sabay na tumusok sa puso ko.Bawat pagdidikit ng mga balat at labi nila katumbas ng ilang libong sakit
"That's enou-"hinawakan ko ang kamay ni Nico para pigilan sya
Ang lalakeng ilang araw kong iniyakan...Ang lalaking binalak kong piliin kaysa sa goal ko..Ang lalaking mahal ko ay ngayon may kahalikang babae
Lahat ng sakit kanina bumalik at mas doble pa...Parang sa sobrang sakit mas pipiliin ko nalang mamatay...
Naging black ang screen pero nakatingin parin ako dun kahit wala na akong ibang makita kong hindi itim...
Pumikit ako pero wala akong ibang nakita kung hindi si Azeo..Si azeo na may kahalikang babae
"Hush!"napahagulgul ako ng yakapin ako ni Nico wala akong ibang nagawa kung hindi ang iiyak lahat sa balikat nya
"He don't deserve your tears!"sabi ni nico
**********
Nang tumahan ako sa pagiyak lumayo na ako kay Nico pinunasan ko ang luha ko.
"S-sa labas muna ako...Gusto kong mapagisa"sabi ko dahan dahan akong tumayo kahit na nanghihina ako
Gusto kong humiga nalang at umiyak magdamag sa kwarto.Pero hindi walang mangyayari saakin kung gagawin ko un
Mas makakabuti kung makakalanghap ako ng sariwang hangin para makapagisip ako.
"Nhiana.."pinigilan ko sya sa akmang pagtayo
"Kaya ko...Ok lang ako.."sabi ko hindi kona inantay ang sagot nya naglakad lang ako palabas
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa bakuran ng bahay ni Nico umupo ako sa wooden bench
Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng umiyak ako kanina..Wala nang lumalabas na luha sa mata ko at nagpapasalamat ako doon
Ayaw ko nang umiyak ng dahil lang sa taong ni minsan ata hindi ako minahal...May konting galit sa puso ko hindi ko akalain na ganun kabilis nya akong mapapalitan.Tumawag pa talaga sya para ipakitang nagpapakasaya sya habang ako hirap na hirap dito
Ilang minuto rin ako nakatitig lang sa kawalan hindi ko alam kung anong susunod kung dapat gawin
Masakit gusto ko syang gantihan gusto ko syang tadtarin ng kutsilyo tapos saka ko sya gagamutin...Pero magmumukha lang akong isip bata kung maiisipan ko pang maghiganti
Kailangan kong magpakamatured hindi lang sya ang nagiisang problema ko.Ang mag move on yun ang kailan kong gawin para makapagpatuloy ako
"Nhiana.."nagangat ako ng tingin ngumiti ako kay Nico kahit alam kung peke naman un
Tinapik ko ang pwesto sa tabi ko umupo naman sya dun,Sumandal ako sa balikat nya...
"Sabi ko gusto kong mapagisa eh.."sabi ko
"Hindi ko naman kasi kayang hayaan kang magisa!"sabi nya napangiti ako
Walang umimik saamin para bang pumunta lang sya dito para lang samahan ako..
Napabuntong hininga ako..
"Kailan ko bang magpakamatured?O magpakaisip bata?"
"Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin...Galit ako sakanya pero ayaw ko syang saktan tulad ng ginawa nya saakin."sabi ko
"Alam kong hindi ko dapat toh sabihin ngayon pero..You need to move on."sabi nya huminga ako ng malalim
"Alam ko naman yun..Walang mangyayari saakin kung patuloy lang akong umiyak dito."sabi ko
"Alam mo bilib ako sayo,Alam kong nasasaktan kana pero napakamatured mong magisip."sabi nya umayos ako ng pagkakaupo
"Marami akong goal na dapat ko pang tuparin..At hindi ko matutupad yun kung dadamdamin ko lahat toh."sabi ko
Nagpapasalamat din ako kay Azeo,Kahit masakit dahil sa ginawa nya mas napadali ang pagpili ko
Humarap ako kay Nico kita ko ang pagaalala sa mukha nya ngumiti ako
"Maraming salamat Nico,Hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo pero hindi ka umalis sa tabi ko..Thank you."sabi ko
"Mahal kita nhiana..Kaya hindi kita iiwan."sabi nya niyakap ko sya"Nico pwede mo ba akong samahan,Samahan moko hanggang matupad ko ang lahat ng goal ko."sabi ko
"I'm always here for you."sabi nya ramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko
Some stories are written with pen,While some stories are written with pain.
At handa akong burahin ang sakit nayun gamit ang mga goal ko
Goal ko lang ang tanging makakatulong sa akin sa lahat ng problem.
All i want to do right now is cry and scream and let it all out because it's killing me inside
Pero kung hindi ako magpapakatatag hindi lang ang sarili ko ang madidisappoint kung hindi pati ang pamilya ko.
I need to be strong and don't give up just because of one bad chapter of my life,I need to keep going my story doesn't end here.
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...