chapter 26

21 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Buong gabi akong gising at patuloy na umiiyak,Ayaw mawala sa isip ko yung nakita ko.

Siguro kung sa wattpad laging mis understading lang yung mangyayaring ganto,Kung sa wattpad baka may magandang dahilan kung bakit kailangang masaktan ang bidang babae

Pero bakit sa kwento namin dito sa reality lahat ng sakit na nararamdaman ko walang magandang dahilan?Matagal ko syang tinitigan doon at wala akong nakita ni isang pagaalinlangan sa mukha nya

Ni hindi nya nga ata naiisip na may girlfriend pa sya o baka naman para sakanya hiwalay na kami

Napaupo ako sa kama ko. Huminga ako ng malalim pinunasan ko ang pisngi ko

"Ano ba nhiana!Isa sa goal mo ang matutupad dapat h-happy ka!"Napasandal ako sa headboard ng kama ko.

Bakit ba ayaw manlang mabawasan nung sakit?Bakit imbis na mawala lalong nadadagdagan?

Nilibot ko paningin ko sa buong kwarto maraming alaala ang nabuo dito,Dito sa lugar  na toh nya ako sinusuklayan...  Dito sa lugar na toh ko sya Cinocomfort tuwing brown out

Kahit gusto kong magpaalam dito ng may ngiti sa labi mukhang hindi na yung mangyayari dahil aalis ako dito ng may luha sa mata.

Napatingin ako sa pinto kahit lokohin ko ang sarili ko alam ko sa sarili ko sa umaasa ako na bubukas yan at papasok si Azeo.

Kahit isang sorry lang eh handa akong magtanga tangahan para sakanya...

Binalik ko ang tingin ko sa maleta ko nakaayos na ako dahil ngayon ang araw ng pagalis ko.Aalis akong mabigat ang dibdib

Tumayo ako

"Umayos ka nhiana,Hindi ka dapat maging ganto!Malakas ka!"sabi ko inayos ko ang damit ko saka hinawakan ang maleta ko

I want to stay,But there's no reason for me to stay here.Naglakad ako palabas ng kwarto Mabigat ang bawat hakbang ko

Bawat hakbang katumbas ng isang luha.Napahinto ako tumingin ako sa katapat kong kwarto

Dapat ba akong magpaalam?Dapat ko ba syang makita?

Binitawan ko ang maleta ko at dahan dahang naglakad papunta sa kwarto nya.

Hinawakan ko ang doorknob.Kinagat ko ang labi ko saka pikit matang binuksan ang pintuan.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko.Nakita ko sya mahimbing na natutulog sa kama nya.

Naglakad ako papalapit sakanya lalo akong naiyak ng makitang mahimbing syang natutulog.

Dahan dahan akong umupo sa tabi nya para hindi sya magising.Tahimik akong nakatingin sakanya habang natahimik na umiiyak.

Nagpapasalamat akong tulog sya dahil kung gising sya hindi ko alam ang gagawin ko.

Tinaas ko ang nanginginig kong kamay at nilagay yun sa pisngi nya.

"M-mahal ko..."

Huminga ako ng malalim dahil parang may bumabara salalamunan ko.Hinaplos ko ang pisngi nya

"Alam mong mahal kita diba?.....G-gusto ko sana magstay dito kasama ka....pero kasi binigyan moko ng dahilan para umalis..."

Tinitigan ko sya tinitignan ko bawat parte ng mukha nya dahil alam ko ito na ang huling pagkakataon na makikita ko toh.

Suminghot ako pinunasan ko ang pisngi ko.Kinuha ko yung kamay nya napangiti ako ng makitang mahaba nanaman ang kuko nya.

Binuksan ko ang drawer nya at kinuha doon ang binili ko para sakanya na nailcutter

"K-kapag umalis ako...l-lagi mo tong lilinisan ah!Mahiya ka naman sa mga babae mo..."sabi ko habang nininailcutteran ko sya.

"Mamimiss ko tong dugyot mong kuko,M-mamimiss ko rin y-yung pagsuklay mo sa buhok ko"

Hindi sya nagigising kahit na may ginagawa na ako sa kamay nya..Hindi na ako makahinga sa sobrang pagiyak.

"K-kapag brown out gamitin mo yung emergency light na binili ko ah!P-para hindi ka matakot....T-tapos magsumikap ka!D-dapat maging proud sayo ang pamilya mo!"lumunok ako

Nilapag ko ang kamay nya pinipilit kong wag humikbi pero wala akong magawa sobrang sakit saakin na iwan sya

"Huminto kana sa paginom ah!Masama yun!D-dapat occasional lang.."

"Sa...sa susunod nating pagkikita successful na tayong dalawa!"tinitigan ko sya

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sakanya.Hinalikan ko sya sa pisngi

"I...love you mahal ko."tumalikod ako na ako tumayo ako at walang lingon lingon na lumabas ng kwarto

Napatakip ako sa bibig ko para iwasan ang paghikbi.Sobrang sakit sa dibdib ng nangyayari saakin..

At hindi ko alam kung pano mawawala ang sakit na toh,Gusto kong tumigil sa pagiyak pero sobrang sakit!

"Nhiana?"nagangat ako ng ulo nakita ko si max

Pilit akong ngumiti sakanya

"Don't smile,Alam kong hindi mo kaya."mataray na sabi nya

"Anong problema?Nagaway kayo?"tanong nya umiling ako

"P-pwede bang humingi ng favor?"tanong ko taka syang tumingin saakin

Pinunasan ko ang pisngi ko at tumingin sakanya

"Sge,Kahit hindi tayo close.."Mataray na sabi nya

"Pwede ka bang magstay sa tabi nya?C-can you make him happy?"tanong ko kumunot ang noo nya

"Why?Bakit mo sinasabi yan?Ikaw ang girlfriend nya!"umiling ako habang ang luha ko patuloy na umaagos

"Just promise....Kapag brownout puntahan mo sya at yakapin...T-tapos kapag marumi ang kuko nya linisan mo ah?"sabi ko

Huminga ako ng malalim bago humakbang papunta sa mga maleta ko.

"Ingatan mo sya.."sabi ko saka naglakad na paalis..

Napahinto ako pagtapos kong isara ang pintuan ng apartment.

Lugar kung saan nabuo ang pagmamahal namin,Lugar kung saan kami nagkakilala at bumuo ng mga  masasayang alaala.

Dito nagumpisa ang away at dito rin matatapos ang aming kwento..

Sa sa susunod natin pagkikita masaya kana at nagawa mona lahat ng goal mo dahil ganun din ako...Iiwan kita at bubuo ng alaala na makakapagpasaya saakin.

*********

Sinalubong ako ng yakap ni Angelica pagdating ko sa airport kasama nya ang iba pang kasabay namin pupunta sa thailand

"Kaya mo?"tanong nya

"Kakayanin ko."sabi ko

"Nhiana."lumingon ako sa likod ko nakita ko si Nico

"Excited kaba?"tanong ko umiling sya lumapit sya saakin at pinunasan ang luha  sa pisngi ko

"Nandito ako lagi para sayo...Hindi kita iiwan.."sabi nya

"Thank you Nico."sabi ko

"Thank you lang?Hindi I love you?"sinuntok ko sya sa balikat

"Loko!"sabi ko inakbayan nya ako

Magkatabi kami ni Angelica sa  eroplano nasa tabi ako ng bintana.Huminga ako ng malalim

"Sa susunod nating pagkikita...Mahal ko."

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon