chapter 9

24 2 0
                                    

NHIANA'S POV
"Nhia!"binaba ko yung blower bago ko binuksan ang pinto

"Bakit?"tanong ko hindi ko alam kung anong kailangan nya saakin eh magkasama lang naman kami kanina

"Nagsuklay kana?"tanong nya umiling ako

"Good!"ngumiti sya saakin tinaas nya yung kamay nyang may hawak na suklay

"Oh bakit yan?May suklay din naman ako"sabi ko umiling ako pinatalikod nya ako tinulak nya ako papunta sa kama

"Bakit ba!?"tanong ko pinaupo nya ako sa kama pagkatapos pumunta sya sa likod ko

"Nilinisan mo yung kuko ko kaya susuklayan kita!"napailing ako

Ang layo nya sa azeo na unang nakilala ko na walang ibang alam kung hindi ang lumandi iba sya dahil para syang nakahanap ng kalaro ngayon para syang bata.

"Sabihin mo kapag masakit ah!"sabi nya

"Hmm.."sabi ko

"Magmakeup kana habang sinusuklayan kita!"sabi nya

"Hindi ako nagmamakeup."sabi ko

"Totoo?Edi natural lang yung lagi kong nakikitang mukha mo?"tanong nya

"Oo walang halong chemical!"sabi ko

Tumawa sya.

"Dali na malalate na ako!"sabi ko

Naumpisa na sya ramdam ko kung gano kagaan yung kamay nya wala manlang akong nararamdamang sakit.Samantalang ako kung makasuklay ako sa buhok ko daig ko pang may kaaway

Napapikit ako pakiramdam ko si papa yung nagsusuklay saakin.Lagi nya akong sinusuklayan every time na may time sya

Inaantok ako!Kapag talaga may humahawak sa buhok ko inaantok ako nakakarelax kasi.

"Ok na!"sabi nya humikab ako bago tumayo

"Masakit ba ako magsuklay?"tanong nya umiling ako

"Nakakaantok,Feeling ko si papa yung nagsusuklay saakin."sabi ko ngumiti sya

"Simula ngayon ikaw na maglilinis ng kuko tapos ako naman magsusuklay sayo!"masayang sabi nya napailing ako

"Ok?"tanong nya tumango ako

Narinig kong may nagdoorbell kaya kinuha ko na yung bag ko

"Baka si Nico na yan una na  ako thank u!"sabi ko

"Saya mo ah."seryosong sabi nya napahinto ako

"Oh bakit?Galit kaba?"tanong ko

"Hindi.Magingat ka."sabi nya saka lumabas ng kwarto ko napatitig ako sa dinaanan nya

Problema  nya?Sapak ata talaga sa utak yun.Sinabit ko sa balikat ko yung bag ko saka lumabas ng kwarto

"Good morning!"bati saakin ni Nico paglabas ko

"Morning!"bati ko

"May gagawin kaba mamaya?"tanong nya

"Wala naman,Bakit?"tanong ko

"Pwede mo ba akong samahan?Gusto kong dalawin si summer."sabi nya

Pumunta kami sa libing ni summer pero hindi manlang sya lumapit sa kabaong ng bata

Hindi pa nya kaya pero ngayon siguro kaya na nya..

"Sure ka?Handa kana?"tanong ko ngumiti sya saakin bago tumango

"Nandyan ka naman eh."sabi nya 

"Ehh?Anong konek?"bulong ko

"Kapag nasa tabi kita  may lakas ako."napatingin ako sakanya

******
"Oi!Kanina kapa inaantay ni Doc Nico!"napatingin ako sa likod ko may kausap na bata si Nico

"Sge alis na ako ah!"sabi ko tumakbo ako papunta kay Nico

"You should eat vegetables.It will make you strong!"sabi ni nico

"Really?"tanong nung batang lalake tumango naman si Nico

"Dapat magpalakas ka para makalabas kana dito!"sabat ko umupo ako sa harap nung bata

"Hindi na ako magsstay dito?Uuwi na ako?"tumango naman ako

"Kaya dapat sundin mo si Doc Nico!Kapag kumain ka ng gulay magiging kasing gwapo mo sya!"sabi ko nanlake yung mata nung bata

"Ok!Thank u ate nurse!"ngumiti ako kinurot ko ang pisngi ng bata

Tumayo na ako dahil dumating na yung mama  nung bata

"Ang cute!"sabi ko

"Ako?Hindi ako cute?"napatingin ako kay Nico nakapout sya kinurot ko yung pisngi nya

"Acute ka!"sabi ko hinawakan nya yung kamay ko

"Let's go!"sabi nya saka ako hinila

Pumunta kami sa van nya pinagbuksan nya ako ng pinto bago sya umikot papunta sa driver  seat

"May kapatid ka?"tanong ko sumulyap sya saakin bago binalik ang tingin sa daan

"Wala,Namatay ang kapatid ko nung 2 years old sya."sabi nya

"Hmm..Kaya ka siguro malapit sa bata at naging doctor ng mga bata."sabi ko

"Pano mo nalaman!?"gulat na tanong nya

"Wala hula ko lang"sabi ko

PAGDATING namin sa sementeryo hindi na umimik si Nico siguro hanggang ngayon masakit parin para sakanya..

Naglakad kami papunta sa puntod ni summer.Kahit para saakin mabigat din sa dibdib na makita ang pangalan ni summer na nakasulat sa lapida...

"Hi summer...How are you?"nagindian sit ako sa harap ng puntod ganun din si Nico

"Are you mad at me Baby?I'm s-sorry.."nabasag ang boses ni Nico

Maski ako naguumpisa nang mamuo ang luha ko.Hindi ko kayang makita si  Nico na ganto

"I wish i can hug you....Mapatawad mo sana si Doc pogi.."pinunasan ko ang luha ko saka ko kinabig ang ulo ni Nico para isandal sa balikat ko

"Napatawad kana nya.I'm sure masaya na si Summer.Patawarin mo na rin ang sarili mo Nico.."nilabas ko ang panyo ko saka ko pinunasan ang pisngi nya

Nagtirik ako ng kandila ganun parin posisyon namin habang inaantay paubos ang kandila

"I love kids,Kaya naisip kong mag pedia dahil ayaw ko ring magaya sila saakin.Na namatayan ng kapatid."

"Every time na makikita ko ang ngiti nila..Tuwing nagpapasalamat sila saakin..Nawawala ang pagod ko.."

"Pero tuwing may isa sakanilang nawawala i felt like namamatay din ako"

"Doctor ka pero hindi lahat maililigtas mo.Tao ka lang din."sabi ko

"Doctor ka,Sa  hospital ka magtratrabaho....Ginagawa natin lahat para matulungan sila.At si summer i'm sure thankfull sya kasi ang gwapo ng doctor nya.."sabi ko tumawa sya umayos sya ng upo saka humarap saakin

"I don't know what to do without you.."napatitig ako sakanya

"Nhiana..Can you please...Don't leave me?"sabi nya ngumiti

"Hangga't kaya ko..Hindi kita iiwan.."sabi ko

UWI na rin kami dahil gabi nagugutom na ako pero gusto ko ng umuwi kaya naisip kong sa bahay nalang ako kakain.

Kinuha ko yung susi ko saka ko binuksan yung pinto.Napaatras ako ng bumungad saakin si azeo

"Shit buti naabutan kita!"kumunot ang noo ko

"Ano bang ibig sabihin mo?Alis kana dyan papasok ako!"sabi ko pero umiling sya

Hinila nya ako saka ako niyakap..

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon