chapter 49

30 2 0
                                    

NHIANA'S POV
"HOY AZEO FAVIOSA!ANO NANAMANG TRIP MONG KAMBING KA!?"sigaw ko kay Azeo pagkasagot nya ng tawag ko

Bwesit na bwesit ako sakanya dahil sa lakas ng amats nya pati ako nadamay!Ang walang hija nagpapunta dito ng mga tao para bihisan at makeupan ako!Muntik pa nga akong makipagsapakan doon sa baklang makeup artist!

Ang kati ng mga nilalagay nya sa mukha ko!

"Hehehe,Handa kana ba mahal?"tanong nya  nanliit ang mata ko

"Pinagloloko mo ba ako ah!"Sabi ko

Nasa bewang ko ang kamay ko dahil naiistress talaga ako!Ok sana kung umaga eh!Kaso matutulog na ako tapos biglang maydarating na mga tao dito para ayusan ako?

"Matutulog na ako tapos papamakeupan moko?Pinagsuot mopa ako ng dress!Ano bang trip mo AZEOOOO!"

"I love you mahal!Kita nalang tayo!"nanlake ang mata ko ng patayan nya ako napabuga ako ng hangin

"Ms.Ortiz lets go."napatingin ako doon isang matandang lalake walang emosyon ang kanyang mukha

Nakaformal suit din sya kahit highblood ako hindi ko naman kayang sigawan ang mas matanda saakin.Si Azeo lang naman kaya kong sapukin eh

Nauna syang maglakad nakasunod lang ako umalis na rin yung mga nagayos saakin.Huminto kami sa tapat ng kotse ni Azeo kumunot ang noo ko

"Kotse toh ni Azeo ah."sabi ko

"Ito po ang pinagamit saamin dahil dito lang daw po kayo sanay."tumaas ang kilay ko

Hindi na ako umimik pumasok nalang ako sa backseat ng kotse yung matandang nakaformal suit parin ang sumundo saakin

Kadalasan sa mga nababasa ko mga butler lang ng mga  mayayamang bida ang may nga gantong itsura.Yung tipong sunod lang ng sunod sa utos ng amo nila.

Wala akong ibang ginawa sa buong byahe kung hindi ang ilibot ang paningin ko sa labas inaantok na ako.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang restaurant pinagbuksan ako nung driver.May mangilan ngilang tao akong nakikita na kumakain sa loob at napansin kong halos lahat sila ay mukhang mayayaman.

Gusto kona sanang umalis kaso nakita kong bumukas ang pinto at niluwa si Azeo

Tinignan ko sya ng masama napahinto sya sa paglalakad tinignan nya ako mula ulo hanggang paa ngumiti sya na  para  bang hindi alintana ang masama kong tingin

"Ang ganda ng mahal ko!"sabi nya parang kumikislap ang mata nya habang tinitignan ako nakaformal suit din sya

"Hindi na talaga kita papakawalan!"lumapit ako sakanya at hinampas sya para naman syang bumalik sa realidad

"Ano bang trip mo!"sabi ko pero lumapit lang sya saakin dinampian nya ng halik ang labi ko bago ako inakbayan

"Lets go!Nagaantay na sila!"kumunot ang noo ko tumingin ako sakanya

"Sino?"tanong ko pero ngumiti lang sya

"Bakit ba dito mo pa ako dinala?Sana sa jollibee or Mcdo mo nalang ako dinala!"sabi ko

"Mahal bawal doon masama yun sa kalusugan mo kung panay fastfood ang kakainin mo!"sermon nya tumingin lang ako sa paligid

"Paano kayo ikakasal nyan nagaaway agad kayo!"napatingin ako sa nagsalita

Napahinto ako sa paglalakad tinignan ko lahat ng nakaupo sa mahabang lamesa.

Daddy ni Azeo                 Si papa

Mommy ni Azeo              Si mama

Si lola                              Mga kapatid ko
                          
Taka akong tumingin kay Azeo hindi ko alam kung anong irereact ko

"A-anong meron?"tanong ko hindi sumagot si Azeo inalalayan nya lang akong maupo

Naguguluhan ako bakit nandito sila mama diba dapat nasa pangasinan sila?

"Dad wag mokong unahan!"sabi ni Azeo lumapit muna ako kay mama at papa para magmano pati narin kay lola at sa parents ni Azeo.

"Saakin?"tanong ni kuya ngumiwi lang ako

"Grabe ate ang swerte mo!"napatingin ako sa bunso namin

"Hoy!Wag mong madaliin ang lovelife mo porket gusto mo ring makaranas ng ganto!"sermon ko sakanya nakangiti naman syang tumango sanay na kasi sya sa mga pangaral ko

"Long time no see Nhiana!"napatingin ako sa daddy ni Azeo

"L-long time no see rin po Mr.Favi-"

"Daddy nalang hija."napakurap kurap ako bago tumango

"Ang ganda mo hija!"ngumiti lang ako sa complement ni tita

Dumating na yung pagkain namin tahimik lang ako habang nagkwekwentuhan sila papa at daddy ni Azeo minsan tinatanong nila kami.

Magaling kasi makisama si papa kaya siguro nagkasundo agad sila ni Tito.Tumingin ako kay Azeo lumapit ako sa tenga nya at bumulong

"Bakit hindi mo sinabi na may Family dinner pala tayo?"bulong ko pero imbis na sagutin humarap sya saakin at hinalikan ako kinurot ko naman sya sa tagiliran

"Ayos ayusin mo Azeo!Nandito sila papa!"sabi ko tumango tango lang sya

Dumating na yung dessert kaya hindi na mawala ang ngiti sa labi ko.Tumingin ako kay Azeo kumunot ang noo ko ng makitang kinakabahan sya

"Mahal ok ka lang?May problema ba?"Tanong ko ngumiti sya at umiling

"Im fine mahal!"sabi nya tumango ako

"Ate tignan mo yung picture ko doon sa korea!"sumubo muna ako ng ice cream bago tinignan yung picture na pinapakita ni bunso

Kumunot ang noo ko pinakiramdaman ko yung nasa bibig ko

Bakit may matigas na parang bilog?Naduling ba yung gumawa nito at iba ang nalagay.

Kumuha ako ng tissue nagtaka pa ako dahil lahat sila nakatingin saakin siguro nagtataka rin sila.Niluwa ko yung nasa bibig ko

Natigilan ako ng makitang singsing ang lumabas sa bibig ko.Isang napakagandang singsing.Ilang beses akong kumurap pinunasan ko ng tissue yung singsing

Tumingin ako sa pamilya ko halos lahat sila naluluha at nakangiti napatingin ako kay Azeo para sana itanong kung ano toh pero pagtingin ko nakaluhod na sya sa gilid ko

"Hala!Anong toh!"gulat na sabi ko halo halo na ang nararamdaman ko saya gulat namumuo narin ang luha sa mata ko

Kinuha ni Azeo ang singsing sa kamay ko inayos nya ang buhok nya bago tumingin saakin

"Nhia,Mahal maraming pasubok ang naranasan natin kaya ayaw ko nang patagalin pa toh."

"Nhiana ortiz,Mahal ko WILL YOU MARRY ME?"tuluyan akong naiyak dahil sa sinabi nya

"Mahal wag ka namang umiyak sabihin mo nalang kung ayaw mo wag ka nang umiyak nasasaktan ako."tumawa ako kahit na puno ng luha ang pisngi ko

"Ofcourse!I will marry you!"sabi ko nanlake ang mata nya

"Totoo?"tanong nya  tumawa ako

"Oo kahit pakainin mo pa ako lagi ng gulay!"Sabi ko tumayo sya napasigaw pa sya ng YES! Lumapit sya saakin nilagay nya sa daliri ko ang singsing bago nya ako hinalikan

"I love you!!IKAKASAL NA KAMI!!!"

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon