NHIANA'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko.Kinuha ko yun sa side table"Hello?"sagot ko
[Nhiana anong oras?Papasok kapa ba?]nanlake ang mata ko tinignan ko yung oras
"Shit!"napasabunot ako sa buhok ko late na late na ako.
[Ok ka lang ba?Gusto mo sabihin ko na absent ka ngayon?Maiintindihan ka naman nila.]
"No!no..Papasok ako,Thank you mae bye!"sabi ko tumayo na ako saka tumakbo papunta sa banyo
Ito na nga sinasabi ko eh!!!Masyado na akong kulang sa tulog kaya maski yung alarm hindi na ako nagising.
Pagtapos kong magasikaso lumabas na agad ako dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig
"Anong oras ka umuwi?"napalingon ako sa likod ko nakita ko si Azeo
"Nandyan ka pala mahal!2 am na ako nakauwi."sabi ko nilagay ko yung thumbler ko sa bag
"Mauna na ko ah!"sabi ko humalik ako sa pisngi nya aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso
"Nagdate ba kayo ni Nico?"natigilan ako kumunot ang noo ko
"Ano bang sinasabi mo?Nasa-"
"OO o HINDI?"tanong nya binawi ko yung braso ko tinignan ko sya ng masama
"MALAMANG HINDI!Jusko naman Azeo!Girlfriend moko tapos pinagiisipan moko ng ganyan?Sinong tanga ang magdadate ng 2 am?"inis na tanong ko sakanya ngumisi sya
"Aba malay koba?Baka habang magkaaway tayo nakikipaglandian kan-"
PAK!
Nanginginig ang kamay ko pagtapos ko syang sampalin.Nagumpisa nang tumulo ang luha ko.Kita ko ang gulat sa mukha nya
"Buong araw nasa hospital ako halos hindi na nga ako makaupo dahil sa sobrang dami kong ginagawa,Tapos paguwi ko dito kailangan ko pang linisan lahat ng kalat mo dahil sa paginom mo!Ngayon sabihin mo saakin!May oras paba ako para lumandi!"sabi ko pinunasan ko ang luha ko saka ako naglakad paalis
Napahilamos ako sa mukha ko napahinto ako sa paglalakad hindi ko akalain na ganun na pala ang iniisip nya sakin.
Umayos ako ng pagkakatayo pinunasan ko ang luha ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Nhiana?"napahinto ako sa paglalakad nagangat ako ng ulo ko
Nakita ko si Nico nagumpisa nanamang mamuo ang luha sa mata ko.Gusto ko syang lapitan at yakapin pero mas pinili kong umiwas at iwan sya
Baka kasi kapag lumapit ako sakanya mas lalo lang maging komplekado ang lahat
"Nhiana what happened?"napahinto ako ng hawakan nya ako sa braso pinunasan ko ang pisngi ko tumingin ako sakanya saka ngumiti
Pero kasabay ng pagngiti ko ang pagtulo ng luha ko.Kinagat ko ang labi ko umiwas ako ng tingin
"L-late na ako mauna na ako."sabi ko binawi ko ang braso ko saka tumakbo palabas
********
"I-im sorry late ako."sabi ko dumeretso ako sa table ko paupo na sana ako ng may pumigil saakin
"Are you ok?"tumitig ako kay mae nagumpisa nanamang tumulo ang luha ko
"Hush!"niyakap nya ako kaya mas lalo akong naiyak
Sobrang bigat ng dibdib ko hindi kona alam kung anong gagawin.I need some one pero yung taong gusto kong makasama ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomansaHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...