NHIANA'S POV
Nagising ako dahil sa sobrang lamig.Inayos ko ang kumot sa katawan ko saka ko niyakap ang unan sa gilid koKumunot ang noo ko bakit ang tigas ng unan ko?Saka bakit may nakayakap at nakaunan sa braso ko?May humihinga pa sa leeg ko.
Napamulat ako napatingin ako sa paligid maliwanag na ibig sabihin umaga na,Inalis ko ang kumot sa katawan ko nanlake ang mata ko ng makita ko si Azeo na nakayakap saakin nakaunan pa sya sa braso ko
Sobrang himbing ng tulog nya at hindi alintana ang paggalaw ko.Inuga ko sya
"Azeo!Bwesit ka gumising ka umaga na!!!"Sabi ko hindi ako makatayo dahil nakayakap sya sa bewang ko nakadagan pa saakin ang paa nya.
"Azeo!!"inis na tawag ko sakanya kumunot ang noo nya binuksan nya ang isang mata nya pero pinikit ulit yun
"5 minutes."sabi nya napakamot ako sa pisngi ko
"Nah!!Umaga na nga baka gising na silang lahat!!!Si Nichole baka hanapin-"
Napahinto ako sa pagsasalita ng sumiksik pa sya lalo sa leeg ko humigpit din ang yakap nya saakin.
"I.DON'T.CARE,Hayaan mo sila ngayon nalang ulit ako nakatulog ng maayos!"sabi nya pumikit ako at huminga ng malalim
"Azeo hindi na ako natutuwa,May usapan tayo."seryosong sabi ko
Ngumuso sya kinamot nya ang ulo nya bago umupo.Nakapikit parin sya.
"Inaantok pa ako eh!!"Tatayo na sana ako kaso humiga ulit sya sa braso ko kaya napahiga ulit ako
"Wait lang!"sabi nya niyakap nya ulit ako tumagal yun ng ilang minuto bago ulit sya bumangon
Bumangon na rin ako kinuha ko yung cellphone ko tinignan ko yung oras.Nanlake ang mata ko ng makitang 9 am na ibig sabihin gising na sila!
"Sabi kasing gumising ka ng maaga eh!"natatarantang sabi ko
Naglakad ako papunta sa veranda hindi ko alam gagawin ko pano kung makita nila si Azeo na lumabas sa kwarto ko?Baka anong isipin nila!Bakit ba kasi ako pumayag kagabi!!
"Nhiana!!!"gulat akong tumingin sa garden nakita ko silang lahat doon mukhang naghahanda sila ng almusal.
"Baba kana dyan kakain na!Si Azeo tawagin nyo na rin."nanlake ang mata ko tumingin ako sa likod ko nandon parin si Azeo nakaupo sa kama habang nakatingin saakin
Naglakad ako papasok sa kwarto lumapit ako sakanya.Hindi ko alam kung pano sya papalabasin dito ng walang nakakakita.Ayaw ko na magkaroon ng issue ayaw ko rin sirain relasyon nila ni Nichole.
"Umalis kana!Ano bayan wag ka na talagang babalik dito!!"sabi ko habang tinutulak sya palabas pero hinila ko ulit sya papasok.
"Wait!Titignan ko muna!Ikaw na bahala magpalusot ah!Ayaw ko ng gulo!"sabi ko tumingin ako sa labas wala namang tao humarap ako sa likod ko pero mukha ni Azeo ang sumalubong saakin
Ang lake ng ngiti nya habang sobrang lapit nya saakin tinulak ko sya.
"Ihinto mo muna kalandian mo!Alis na!"sabi ko lumabas naman sya pero humarap sya saakin
"Matutulog ulit ako dito mamaya!"nanlake ang mata ko aangal pa sana ako kaso umalis na sya.
Sinara ko ang pinto umupo ako sa kama ko.Jusko ano ba tong pinaggagawa ko!Pakiramdam ko ang sama sama ko tumulong lang naman ako kaso kasi mali parin eh.Ano bayan para kaming may secret affair na pilit nag tatago sa ibang tao!
Naligo na ako bumaba ako saka naglakad pababa naabutan ko sila sa garden.Naglatag sila ng sapin sa damuhan
"Good morning Nhiana!"bati ni Gelo ngumiti ako
"Good morning Gelo!"sabi ko umupo ako sa tabi nya nilibot ko ang paningin ko wala parin si Azeo pero nandito si Nichole parang wala syang pake na hindi nya kasama si Azeo
"Nichole si Azeo?"tanong ni Ranz nagkibit balikat si Nichole
"Mahilig syang umalis ng maaga at maglakad lakad."sabi nya nakahinga ako ng maluwag
------------
Natapos ang buong araw at hindi kona ulit pinansin si Azeo.Nahuhuli kong nakatingin sya saakin pero pilit akong umiiwas.Naglaro kami ng badminton nung hapon pampalipas oras wala paring kuryente kaya hindi kami makanood ng tv.
Pagtapos namin maghapunan dumeretso agad ako sa kwarto ko napatingin ako sa side table dahil umiilaw yung cellphone ko
Kinuha ko yung cellphone ko nakita kong tumatawag si Nico.
"Bakit problema mo?"sabi ko pagkasagot ko narinig ko ang pagtawa nya
"Guess what?Uuwi na ako next week!"nanlake ang mata ko
"What?Seryoso?Akala ko ba next month pa?"tanong ko
"Yeah,Tumawag saakin si daddy at kailangan daw ako sa hospital ni tita,Pumayag ako para mas mapaaga ang uwi ko!"sabi nya napangiti ako
"Mabuti naman!"sabi ko humiga ako sa kama ko
"At isa pa excited ako kasi makakatrabaho ulit kita!"kumunot ang noo ko
"Pano eh hindi na ako nagtratrabaho?Baliw kaba!"sabi ko
"Kailangan kasi ng volunteer nurse,Two weeks lang naman Nhiana please!Marami daw kasi ang cases ng dengue."sabi nya napailing ako
Ilang oras kaming magkausap ni Nico pumayag narin ako sa sinabi nya.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nagising nalang ako dahil may kumakatok sa pinto.
Tinignan ko yung cellphone ko lowbat na humikab ako habang naglalakad papunta sa pintuan kinapakapa ko kung nasaan yung doorknob.
Nanliit ang mata ko ng makita ko ang isang bulto ng tao sa harap ko madilim kaya hindi ko makita mukha nya.
"Multo kaba o magnanakaw?"tanong ko hindi sya sumagot hinawakan nya ako sa balikat at tinulak papasok sa loob ng kwarto
"Ano ba!Sino ka-"
"Hindi moko inantay?"kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Azeo
"Azeo?"tanong ko
"Bakit may inaasahan kapa bang iba?"inis na tanong nya nagkibit balikat ako
"Sinong aasahan ko eh natutulog na nga ako."sabi ko hindi sya umimik tinitigan ko sya
Ramdam ko ang tingin nya saakin nakahawak parin sya sa balikat ko
"Bakit ba nandito ka ulit?Diba sabi jo sayo-"napahinto ako sa pagsasalita ng bigla nya akong yakapin masyado syang mabigat kaya hindi ko sya kinaya bumagsak kami sa kama.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.Napalunok ako bago sya tinulak
"Ang bigat mo!"reklamo ko lumayo ako sakanya saka umayos ng higa pero sumunod sya saakin yumakap sya saakin siniksik nya yung mukha nya sa leeg ko
"You need to face your fear azeo,Hindi sa lahat ng oras nasa tabi moko."sabi ko humigpit ang yakap nya saakin
"I know,Pero gusto ko paring yumakap sayo tuwing madilim."
![](https://img.wattpad.com/cover/248698432-288-k883921.jpg)
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
عاطفيةHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...