chapter 4

35 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Umuwi muna ako sa bahay para magpalit at saka ako pumunta sa mall

Sa totoo lang hindi ako komportable na maglakad magisa nakakailang kasi na magisa akong naglalakad.Pero tuwing iniisip ko na maggrogrocery ako ang saya ko!

Napatingin ako sa nadaanan kong botique.Parang gusto kong tumingin kasi tinatamad ako kaya wag nalang

Bumili muna ako ng fries habang naglilibot ako.Nagutom ako bigla at bawal saakin ang malipasan ng gutom maari kasing bumalik ang ulcer ko at ang worst kapag pinabayaan kong lumala ang ulcer ko pwede akong mamatay.

Mahirap kumain sa tamang oras lalo na't isa akong nurse.Hindi ko hawak ang oras ko kapag trabaho trabaho.Kaya lagi akong may tinapay sa bulsa lagi rin kasing pinapaalala saakin ng doctor ko ang kumain

Hindi ko rin naman kasi kayang pigilan mahapdi at masakit ang pakiramdaman kapag gutom ako at pinabayaan ko.At kapag pinabayaan ko maari akong madistract at maapektuhan ang trabaho ko

"Nhia!"nagulat ako ng may biglang umakbay saakin

"Pahinge!"sabi nya sakakinuha ang fries sa kamay ko.Kunot noo ko syang tinignan

"Oh!Galit ka nanaman!"sabi nya

"Pwede ka namang lumapit ng maayos kailangang manggulat!?"sabi ko tumawa naman sya

Minsan hindi ko rin alam kung may sapak sa utak tong si azeo eh!

"Nagulat kaba o na shock?HAHAHA!"sabi nya

"Happy ka nyan?"tanong ko tumango naman sya

"Oh sge  tawa ka dyang hanggang mamatay ka!"sabi ko saka  naglakad na papunta sa supermarket

"Maggrogrocery ka?"tanong nya  nakasunod papala saakin toh

"Hindi mamamalengke ako."sabi ko kinuha ko yung push cart at nagumpisa nang maglakad

"Maggrogrocery din ako!"sabi nya napatingin ako sakanya tumabi sya saakin may dala rin syang push cart

"Anong bibilhin mo?"mahina akong natawa ako napakadaldal naman nito naalala ko tuloy yung kaibigan ko nung highschool

"Isang pirasong itlog."sabi ko huminto sya kaya napatingin ako sakanya

"Isang pirasong itlog?Yun lang bibilhin mo?"tanong nya natawa ako sakanya

"Adik!Ang slow mo!"sabi ko taka syang tumingin saakin

"Ahhh!!!Nagbibiro ka lang pala!"sabi nya napailing ako may sapak ata talaga sa utak toh

Pumunta ako sa pwesto ng mga frozen foods.Marami akong binibili nito wala kasi ako masyadong time para magluto ng matitinong ulam.

"Ang dami nyan ah para saating dalawa ba yan?"tanong ni azeo tumango lang ako habang namimili

"Totoo?Yang pinapamili mo saating dalawa?"tanong nya tumingin ako sakanya

"Oo,Diba sabi ko ako na bahala sa grocery dahil ipapagamit mo naman saakin yung mga gamit dun sa kusina mo."sabi ko tumango tango sya

"Thank you!"sabi nya tumango lang ulit ako

"Marunong ka bang magluto?"tanong nya

"Medyo"sabi ko

"Sabi nila para daw makuha mo ang puso ng lalake dapat daw masarap kang magluto.Naniniwala ka dun?"sabi nya

"Ewan,Wala akong masyadong time para magaral magluto at isa pa wala naman akong balak magasawa hangga't hindi kopa tapos ang goal ko..so no need."sabi ko

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon