NHIANA'S POV
"Ouch!"sigaw ni Azeo pagtapos ko syang batukanHawak nya ang ulo nya taka syang tumingin saakin
"Ganyan kaba magHi?Hindi mo manlang ba ako namiss!?"sabi nya
"Wow!Gusto mo batukan ulit kita!"sabi ko inambaan ko sya ng batok pero lumayo na sya saakin.
"Bakit ba kasi namamatok ka?Kagagaling ko lang sa hospital tapos gusto mo nanaman akong maospital dahil dyan sa lakas ng batok mo!"tinignan ko sya ng masama
"Kagagaling sa ospital?Tapos nagawa mo agad makipaglandian?Wow grabe ka talagang Aso ka!"sabi ko unti unting naform ang ngiti sa labi nya nagulat ako ng bigla syang lumapit saakin at niyakap ako.
"Nagseselos ba ang mahal ko?"tanong nya tinaas baba nya ang kilay nya
Pinitik ko ang noo nya
"Alam mo yang mukha mo napakakapal!Bakit ako magseselos hindi naman kita mahal-"maski ako natigilan sa sinabi ko
Unti unting lumuwag ang yakap nya saakin hanggang sa tuluyan syang lumayo
Bakit ko ba sinabi yun?Ang bobo mo talaga nhiana!
"A-ah ganun ba.."sabi nya parehas kaming nakaupo at hindi umiimik
Nasaktan ko ba sya sa sinabi ko?Bakit ba kasi yun ang sinabi ko?Hindi ko naman gustong sabihin yun sakanya eh.
Tumikhim ako umayos ako ng upo
"Dapat sinasamahan mo si lola tuwing umaalis sya,Masyado na syang matanda para lumabas magisa kung masyado kang busy dapat maghire ka ng pwedeng maging kasama ni Lola."kalmadong sabi ko narinig ko ang buntong hininga nya
"Sge gagawin ko yan."sabi nya kinagat ko ang ibabang labi ko
Ngayon ako naman naiilang na ako ayaw ko pa naman ng gantong feeling.Tumingin ako sa paligid hanggang sa tumama ang paningin ko sa gamit nya sa lamesa
"Empleyado mo pala kuya ko.."sabi ko tinignan ko sya sa gilid ng mata ko kita kong tumango sya
"Magaling ang kuya mo,Isa sya sa mga pinakamagaling kong architect."sabi nya tumango ako
Ilang minuto kaming tahimik bago ko napagdesisyunan na tumayo.Wala akong balak magstay pa ng matagal uuwi nalang ako at kakalimutan ang nangyari ngayon.
"Nhia.."napahinto ako sa paglalakad ng hawakan nya ang kamay ko tumingin ako sakanya nakatingin lang sya sa kamay ko
"Sorry...Maniwala kaman o hindi wala kaming relasyon ni Max sakto lang na nakasalubong ko sy-"
"Azeo,Hindi mo kailangang magpaliwanag."sabi ko
Simpleng sorry lang ok na saakin hindi na kailangan pa ng mga dahilan para lang magsorry.
"Upo kana dito!"sabi nya umiling ako
"Uuwi na ako."sabi ko kumunot ang noo nya hinila nya ako kaya napaupo ulit ako sa tabi nya
"Dito kana matulog!"nakangiting sabi nya bumalik na ulit yung Azeo na kilala ko
"May sapak kaba?Bakit ako matutulog dito?Gusto kong matulog sa bahay ko!"sabi ko
"Naging bahay mo rin naman toh eh!"umiling ako
"Hinatid ko lang si lola dito wala akong balak mag stay di-"
"LOLA!SI NHIA OH UUWI NA DAW!AYAW NYA KAININ YUNG NILULUTO NYO!!!"nanlake ang mata ko dahil sa pagsigaw nya hinampas ko sya
"Hija dito kana kumain at matulog!Wala namang gumagamit ng isang kwarto dyan!"sabi ni lola lumabas sya mula sa kusina
"Pero kasi lola-"
"Wag ka nang tumanggi alam kong hindi mapapanatag ang apo ko kapag hindi ka pumayag!"sabi ni lola sasagot pa sana ako kaso bumalik na ulit sa kusina si lola
"Dito ka daw matutulog!!"Tinignan ko ng masama si Azeo kinurot ko ang pisngi nya at pinanggigilan yun
"Ang kyut mo!Sarap mong ihagis sa mars!!!"sabi ko
-------------
Gaya ng gusto ni Azeo dito nga ako kumain at wala akong choice kung hindi ang dito matulog.Magagalit daw si lola kapag umalis ako hindi na nga daw ako bumalik sa bahay nya tapos aalis pa ako kaya ayun no choice ako.Pagtapos namin kumain dumeretso na si lola sa kwarto ni Azeo ako na ang presinta na maghugas hindi ko rin naman kayang makikain tapos wala akong gagawin.
"Nhia payakap ah!"natigilan ako ng maramdaman ko ang braso nya sa bewang ko pinatong nya ang baba nya sa balikat ko
"Azeo ano ba!Naghuhugas ako!"reklamo ko pinilit kong gawing galit ang boses ko kahit na ang totoo sobrang bilis na ng tibok ng puso ko
"Payakap lang isa lang!"sabi nya napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paghuhugas
"Ok na nakayakap kana ng isa!"sabi ko pero sumisik lang sya sa leeg ko kaya ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko
"Sinabi ko bang isa?Sabi ko forever!"sabi nya umirap nalang ako sinubukan kong lumayo para ilagay ang plato sa lagayan kaso hindi ako binitawan ni Azeo
"Azeo ano ba!"sabi ko lumuwang ng konti ang yakap nya pero nakayakap parin sya saakin kahit palipat lipat ako ng pwesto.
"Nhia.."ramdam ko sa boses nya na inaantok na sya
"Hmm."sagot ko
"Totoo ba yung sinabi ni Max?"tanong nya napahinto ako ginagawa ko
"Ano yun?"tanong ko
"Na sinabi mo daw sakanya na...Alagaan ako."napabuntong hininga ako
"Sobrang sakit saakin ng araw na yun pagtapos kitang makitang maykasamang iba habang ako nagaantay sayo...Binilin kita sakanya kasi nung panahon nayun hindi ko kayang iwan ka."sabi ko humarap ako sakanya
"Matutulog na ako,magpahinga kana."sabi ko tinanggal ko ang braso nya sa bewang ko at naglakad paalis.
Napabuntong hininga ako pagpasok ko sa loob ng kwarto nilibot ko ang paningin ko sa paligid walang pinagbago pero halatang inaalagan dahil wala manlang alikabok.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon na nandito ulit ako sa kwarto na toh.Maraming alaala ang bumabalik masaya at malungkot na alaala
Parang nakikita ko ulit ang sarili ko simula nung dumating ako dito hanggang sa araw ng pagalis ko.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon lumapit ako doon at binuksan ang pinto bumungad saakin si Azeo
"Bakit?"tanong ko inabot nya saakin yung damit na hawak nya
"Ano yan?"tanong ko pumasok sya sa loob nilapag nya sa kama ko yung damit
"Panjama at tshirt ko hiramin mo para may pampalit ka."sabi nya tipid akong ngumiti
Lumapit ako sakanya saka kinuha yung damit balak ko naring maghalfbath
"Thank you Azeo."
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...