chapter 8

27 3 0
                                    

AZEO'S POV
Hindi ako natutuwa sa ginagawa kong pagyakap kay nhia pero ngayon na yakap ko sya wala akong nararamdamang takot

May phobia ako at ako lang ang nakakaalam nun pero ngayon alam na din yun ni nhia

Ayaw kong sabihin kanino man dahil ayaw kong isipin nilang mahina ako.Naramdaman kong gumagalaw si Nhia nung akmang tatanggalin nya ang yakap nya saakin hinigpitan ko ang yakap ko

Oo natatakot ako pero isa pang dahilan nahihiya akong humarap sakanya

"Sandali may kukunin lang ako,Saglit lang toh hindi kita iiwan."Sabi nya

I don't know pero feeling nakampante ako sa sinabi nya kaya bumitaw ako sakanya

Tinitigan ko sya habang kinukuha nya ang cellphone nya.Kung sa unang tingin mukha talaga syang masungit pero iba sya kapag nakilala mo.

Bumukas yung flashlight ng cellphone nya napapikit ako dahil tumama yun sa mukha ko

"Ayy sorry!HAHAHA!"nagmulat ako nakita kong inaayos na nya yung cellphone na para magkaroon ng liwanag

"D-do you think i weak?"tanong ko tumingin sya saakin kaya umiwas ako naramdaman kong sumandal  sya

Pumikit ako dahil madilim sa paligid nanginginig ang kamay ko kaya ikinuyom ko yun.

"No!You're not weak...You are strong kasi nagawa mong sabihin saakin ang sekreto mo."sabi nya napatingin ako sakanya ng hawakan nya yung kamay ko

"Walang malisya toh!Para lang atleast maramdaman mong hindi ka nagiisa"napangiti ako

Hindi sya vocal na tao pero ramdam mo sa kilos nya ang concern nya..

"Yung inhaler....ginagamit mo kapag nagbrobrown out?"maingat na tanong nya na para bang ayaw nyang mailang ako

Tumingin ako sa sa kamay naming magkahawak.Dinala ko yun sa hita ko saka hinawakan pa ng isa kong kamay..

"When i was a child....they always leave me ang lagi kong kasama ay yung yaya ko.."

"Tuwing gabi magisa ako sa kwarto..I'm too young at that time pero lagi akong magisang umiiyak sa kwarto tuwing gabi...at nung araw na yun...tulad ng dati magisa ako"

"May pumasok na magnanakaw sa bahay at dahil wala ang parents ko wala akong nagawa kung hindi ang umiyak...Sobrang dilim sa kwarto tinutukan ako ng magnanakaw ng kutsilyo at tinago sa cabinet.."

"Nagising nalang ako nasa hospital ako at simula nung araw na yun tuwing nasa madilim akong paligid pakiramdam ko may sasaksak saakin..Ginagamit ko yung inhaler para makahinga ako ng maayos tuwing may gantong pangyayari"

"Kaya pala laging bukas ang ilaw sa kwarto mo.."tinignan ko sya ngumisi ako

"Sinisilipan mo ba  ako?"tanong ko nanlake ang mata nya tumingin sya saakin

"Ikaw?Sisilipan ko?Sira ba ulo ko?Anong sisilipin ko sayo yang panget mong katawan?"sabi nya tumawa ako

"Anong panget!Ang ganda kaya ng katawan!Maraming babae ang nahuhumaling sa katawan ko"sabi ko napailing naman sya

"Pwes ako hindi ako nagagandahan sa katawan mo.Masyadong maraming muscle."napatitig ako sakanya 

"Bakit?"tanong ko

"Ewan ko pero napapangitan ako sa mga lalaking sobrang laki ng katawan"sabi nya

Nagindian sit sya saka humarap saakin

"Pwede ba akong magtanong?"tanong nya tumango ako

"Ako lang ba nakakaalam na may phobia ka?"tanong nya tumango ako

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon