NHIANA'S POV
Ilang beses akong napakurap hindi ako makapaniwalang nasa harap ko si lola.Balak ko palang sana syang dalawin kapag tapos kong magvolunterGulat ding nakatingin saakin si lola bigla akong nakaramdam ng hiya ng maalala ko na hindi ko na tupad ang pangako kong pagbalik sa bahay ni lola.
Napayuko ako hindi lang naman kasi ilang buwan eh anim na taon akong hindi nakadalaw sakanya.Nagangat ako ng ulo ng maalalang nandito pala ako bilang nurse
"Ahm lola bakit po kayo nandito?may-"napatingin ako sa likod ni lola ng lumayo sya sa kama nagulat ako ng makita ko si Azeo namumutla sya pero nakangiti sya saakin
"Binabantayan ko ang apo ko hija."sabi ni lola lumapit ako sakanya at nagmano
"Masaya po akong makita ka ulit lola."nahihiyang sabi ko kinagat ko ang labi ko
"Kung ganun dapat yakapin mo ako!"gulat akong tumingin kay lola nakaabang na ang mga braso nya napangiti ako lumapit ako sakanya saka yumakap
"Sorry po hindi ako nakadalaw ulit lola!"sabi ko
"Ayos lang yun,Naiintindihan kita pinaliwanag naman saakin ni Azeo lahat.Pagpasensyahan mo na ang apo ko may pagkagago lang yan dahil mana sa lolo nya."sabi ni lola natawa ako
"Ako may sakit dito hindi si lola!"napatingin ako kay Azeo nakakunot ang noo nya habang nakanguso
"Ay jusko nagselos pa!Sge na hija ikaw muna bahala sa apo ko may bibilhin lang ako saglit."tumango ako kay lola naglakad ako papunta kay azeo
Ginawa ko muna lahat ng mga dapat kong gawin nurse ako dito kaya hindi ko dapat dahil sa trabaho ang personal issue ko.
"Medyo bumaba na ang lagnat mo pero dapat ka paring maystay dito ng ilang araw-"nagulat ako ng bigla nyang hinila ang kamay ko nasubsob tuloy ako sa dibdib nya tumayo agad ako
"A-ano ba!May sakit kana inuuna mo pa ang kalandian!"sermon ko sakanya
"Kalandian agad?Hindi ba pwede na namiss lang kita?"tanong nya napabuntong hininga ako umupo ako sa gilid ng kama nya
Kinuha nya agad ang kamay ko at nilagay sa pisngi nya gaya ng lagi nyang ginagawa.Tinitigan ko sya hindi ako sanay na makitang ganto sya.
"Ano bang pinaggagawa mo?Bakit nagkadengue ka?"tanong ko ngumiti sya
"Kung hindi ko ginawa yun baka ikaw ang naka higa dito ngayon."natigilan ako
Nagalala ko yung nagcamping kami nung nagbakasyon kami kila Ranz masyadong maraming lamok nun wala akong nadalang jacket kaya binigay nya saakin yung jacket nya.Nakaramdam agad ako ng guilt dahil dun.
"Bakit kasi binigay mo pa saakin yun eh."sabi ko
Hindi sya umimik nakatitig lang sya saakin hindi ko maintindihan pero may iba't ibang emosyon akong nakikita sa mata nya
"Hindi ko kayang makitang nasasaktan at nahihirapan ka."napabuntong hininga ako
"Nakaya mo nga akong saktan noon."sabi ko tumayo ako na ako lumapit ako sa lamesa may nakita aking apple dun.
Lumapit ako sakanya pagtapos kong maghiwa ng apple tinapat ko sa bibig nya yung isang slice
"Ahh!"sabi ko umiling sya
"Ayaw ko!"Sabi nya tinignan ko sya ng masama
"Kainin mo toh sasapukin kita!"banta ko sakanya bahagya syang natawa pero umiling din
"Kahit sapukin moko!"sabi nya
"Kahit sapukin o bugbugin kita?"tanong ko tumango sya
"Eh kung iwan kita?"tanong ko kita kong nataranta sya
"Kakain na!Basta kapag kumain ako babalik ka dito!"sabi nya tumango ako
"Malamang nurse ako eh."sabi ko sinara nya ulit yung bibig nya
"Oo na!Dadalawin kita bago ako umuwi!"sabi ko
Ngumiti naman sya saka ngumanga napailing ako wala syang pinagbago sya parin yung playboy pero sweet na Azeo na kilala ko.
Pagtapos kong syang pakainin bumalik ao sa trabaho masyado nang gabi nang matapos ako.Inaantok na rin ako halos mahiga nalang ako sa sahig sa sobrang pagod
"Nhiana doon kana sa office ko matulog,Mahiga ka doon sa kama ko."napatingin ako kay Nico umiling ako
"Tsk!Hindi rin kita papayagan na umuwi!Sge na!"tumango nalang ako naglakad na ako papunta sa office ni Nico ng may maalala ako
Kahit antok na antok pinilit kong pumunta sa room ni Azeo kahit papaano marunong naman akong tumupad sa pangako ko
Kumatok ako bago ko binuksan ang pinto.Naabutan ko si Azeo nakatalikod sya saakin mukhang tulog na sya.
Magdadalawang isip pa akong pumasok pero sa huli naglakad din ako papunta sakanya.Umupo ako papunta sa harap nya naupo ako kaya katapat kona ang mukha nya.
Ilang minuto ko syang tinitigan.Malaki ang pinagbago ng mukha nya lalo na kapag seryoso pero kapag ngumingiti sya parin si Azeo ang lalaking minahal ko.
"You know what..I hate you pero thankful parin ako na ikaw ang minahal ko,"kinuha ko yung kamay nya tinitigan ko yun habang nilalaro
"Alam mo bang marami akong binusted dati dahil ayaw kong pumasok sa relasyon dahil ayaw kong may humadlang sa pagtupad ng goal ko,Pero nagawa mo yun napaibig moko."
"Maswerte ang susunod na babaeng mamahalin mo wag mo syang sasaktan."
Mapait akong napangiti sa sinasabi ko kabaliktaran sa nararamdaman ko.
"Ayaw ko sa iba gusto ko sayo lang."gulat akong tumingin sakanya nakatitig sya saakin may ngiti sa labi nya
"G-gising ka pala."sabi ko lumayo ako ng konti sakanya
"Inaantay kita pero nakaidlip ako.Akala ko hindi kana dadating!"nakangusong sabi nya
"Dapat natulog ka nalang para gumaling ka agad!"sabi ko kumunot ang noo nya
"Ayaw ko nang gumaling,Kapag nandito ako...Mararanasan ko ulit ang pagaalaga mo."may bahid ng lungkot ang boses nya
Hindi ako nakaimik naubusan ako ng salita na maaari kong sabihin wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumitig sakanya.
"Mahal ko..."bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi nya kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa pisngi nya
"Miss na kita."napaiwas ako ng tingin hindi ko kayang tignan ang mata nyang nangungusap
"I'm sorry,I'm really sorry for hurting you,Sa pagiging walang kwenta kong boyfriend anim na taon na ang lumipas pero hanggang ngayon nagsisisi parin ako sa hindi pagsuporta sayo.Kung sana hindi ako naging makasarili ako sana ang kasama mo sa pagtupad ng goal mo at hindi si Nico."malungkot na sabi nya hinaplos ko ang pisngi nya kaya napatingin sya saakin
"Ok na Azeo napatawad na kita."sabi ko humigpit ang paghawak nya sa kamay ko
"No please!Kahit habang buhay kapang magalit saakin ok lang."kumunot ang noo ko
"Ano bang sinasabi mo!?"tanong ko
"Kapag pinatawad moko parang pinuputol mo narin ang koneksyon natin,Nhia hindi ko kaya mas ok saakin na magalit ka atleast napapansin moko."napatitig ako sakanya
"Please nhia...Mahal ko wag mokong iwan...hindi ko kaya."

BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomantiekHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...