chapter 32

25 2 0
                                        

NHIANA'S POV
"Mag iingat ka anak!"humarap ako kay mama ngumuso ako

"Tinatamad talaga ako ma!"reklamo ko

"Ay na!Hindi ka parin talaga nagbabago!Hanggang ngayon mas pinipili mo paring magtago sa bahay kaysa makisama sa iba!"sabi ni mama napakamot ako sa pisngi ko

"Kasi naman!Sabihin nyo nalang kay angelica hindi nyo ako pinayagan!"sabi ko umiling sya tinulak nya ako papasok sa kotse ko

Sinara nya yung pinto binuksan ko yung bintana.

"Ma sge na kasi!"sabi ko

"Nak,Ilang taon kang nagtrabaho pasiyahin mo naman ang sarili mo!"sabi ni papa

Napanguso ako wala na talaga akong choice pati magulang ko pinagtutulakan na ako.

"Opo sge na aalis na ako!"sabi ko lumapit saakin si mama at papa at humalik sa pisngi ko

"Babalik ako dito kapag wala akong masyadong ginagawa!"sabi ko tumango sila

"Magiingat ka!Maraming salamat sa mga ginawa mo anak!"sabi ni papa ngumiti ako

"Wala yun pa,Ah wait!"sabi ko kinuha ko yung bag ko kinuha ko dun yung isang sobre

"Nakalimutan ko pong ibigay kagabi nakatulog po kasi agad ako!"sabi ko inabot ko sakanila yun nanlake ang mata nila ng makita ang laman nun

"Anak!Wag na!Sobra na yung mga binigay mo saamin!At isa pa binigyan na rin kami ng mga kapatid mo!"pagtanggi ni papa umiling ako

"Magtatampo ako kapag hindi nyo tinanggap yan!At isa pa nagsumikap ako para maibalik din lahat ng paghihirap nyo!"sabi ko

"Maraming salamat anak!"ngumiti ako kumaway ako bago ko pinaandar ang kotse.

Napabuntong hininga ako ang bigat sa dibdib na aalis ulit ako...Mamimiss ko sila mama at papa

*********

DUMAAN muna ako sa condo ko para kumuha ng mga damit ko saka ako dumeretso sa convenient store.

Maaga pa kaya medyo maraming tao kumuha ulit ako ng mga snack ko.

"Ma'am nhiana!"ngumiti ako tinignan ko yung Id nya

"Hi kate!"bati ko

"Ma'am nhiana nandito ka pala!"napatingin ako sa likod ko nakita ko si Erin na may dalang karton

"Ano yan?"tanong ko

"Mga bagong stock ma'am!"sabi nya naglakad ako papunta sa labas may nakita  akong truck

"Wag mo nang subukang tumulong nhiana!Kaya kona toh!"tumingin ako kay Erin kinuha nya yung dala kong karton

"Bakit bawal akong tumulong?"kunot noong tanong ko

"Syempre boss kita!Kaya dapat ako gumagawa nito!"sabi nya napailing nalang ako

Porket ba boss ako?Hindi ba pwede na tumulong kahit ako yung nagpapasahod sakanila?

Bumalik ako sa loob saka kinuha yung mga pinamili.

"Aalis na ako,Matagal  bago ako makakabalik ikaw nang bahala dito ah!"Sabi ko kay Erin sumaludo sya

"Yes ma'am!"Sabi nya ngumiti ako bago lumabas at sumakay sa kotse

Nagdrive ako papunta sa Airport dahil kanina pa text ng text si Angelica nandun na daw sya

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon