NHIANA'S POV
"Thank you po lola!""Maiingat kayo,Bumalik ka dito hija."lumapit ako kay lola saka nagmano
Hinawakan ni lola ang pisngi ko,Ngumiti sya saakin kaya ngumiti din ako
"Alagaan mo ang apo,Sobrang saya nya habang sinasabi nya saakin na ikaw ang nagaalaga sakanya tuwing inaatake sya ng phobia nya.Ako lang ang takbuhan nya pero ngayon na nandyan kana mapapanatag ako ingatan mo sya ah."bilin nya tumango ako
"Aalagaan ko po sya,Magiingat rin po kayo dito wag nyo pong kakalimutang magpacheck up."sabi ko tumango sya
"Lola!Uuwi na kami!"napangiti ako habang tinitignan sila
Yakap yakap ni azeo ang lola nya,Dahil sa pagpunta namin dito mas lalo ko pa syang nakilala.Marami ugali nya ang nalaman ko at lahat ng good attitude nya ay sapat na para masabi kong matino naman sya
Aaminin kung ayaw ko talaga sakanya nung una,Panget ang una naming pagkikita pero napatunayan nya saakin mali lahat ng mga akala ko
Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng pinapakita ng mga tao ay totoo minsan ang mga ugaling pinapakita nila ang paraan nila para takpan ang mga soft side nila.
Napatunayan ko ring hindi lahat ng tao sa paligid mo ay mabait dahil mahal ka nila kung hindi...Mabait sila dahil may kailangan sila
Tumingin ako sa dagat paangat palang ang araw,Maaga kaming aalis dahil may duty pa ako mamaya
Saglit lang akong nagstay sa lugar natoh pero lahat ng nangyari dito ay sobrang memorable.Isa ito sa mga alaala na hindi ko makakalimutan.
Pagtapos namin magpaalam umalis narin kami.Back to my normal life,hindi naman ako nabobored sa buhay ko dahil ito ang dream job ko.
"Nhia bakit nasa pinakahuli ng goal mo ang pagbuo ng family mo?"napatingin ako kay azeo
"Kasi gusto ko munang eenjoy ang buhay ko,Gusto ko munang bumawi sa lahat ng paghihirap ng magulang ko sa pagpapaaral saakin bago ako bumuo ng pamilya ko."
"Hindi ko inaksaya ang 16 years ng buhay ko para sa pagaaral para lang bumuo agad ng pamilya.Ayaw kong magsisi sa huli na hindi ko naenjoy ang buhay ko."sabi ko
"Napakamatured mo talaga."sabi nya
"Diba sabi mo dapat ligawan mo na kita?"tumingin ako sakanya
"Oo,Bakit gagawin mo?"tanong ko
"Ofcourse!Pero tuturuan moko!"Kunot noo akong tumingin sakanya
"Ako yung liligawan mo pero ako pa ang magtuturo sayo kung pano manligaw?"hindi makapaniwalang tanong ko tumango sya
"Bakit bawal ba?"inosenteng tanong nya napailing ako
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.Hindi ko alam kung saang lupalop toh pinanganak!
"Now tell me!Do you want chocolate?Bears?Gifts?Surprise?"tanong nya umiling ako
"Kapag ba sinabi ko susundin mo?"tanong ko
"Sasagutin mo ba ako kapag ginawa ko?"tanong nya
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...