chapter 48

31 2 0
                                    

NHIANA'S POV
"Mahal kailangan mong maging malakas!"pangungulit saakin ni Azeo pero umiling ako

"Malakas pa ako mahal!Kaya pa nga kitang sapukin eh!"Pagdadahilan ko

Tumawag sya saakin kanina at sinabing dito daw sya maglulunch kaya sabi ko bumili sya ng pagkain at ang walang hiya gulay ang dala!

I hate vegetables!Hindi ba sya aware doon?Limang buwan na kaming magkasama pero lagi parin nya akong pinipilit na kumain ng gulay.

Hindi naman kasi ako kambing o kabayo para kumain ng mga kulay green na gulay na yan!

Maging healthy?Jusko wala sa vocobulary ko yan!

"Mahal napagusapan na natin toh!You promised!"napakamot ako sa pisngi ko

"Kasi naman mahal!Bakit kasi ang hilig mo sa gulay dinadamay mo pa ako!Kung gusto mong maging kambing wag moko idamay!"Sabi ko huminga sya ng malalim bago nilapag ang kutsara sa plato nya

"Hindi ka magiging kambing kapag kumain ka ng gulay mahal.Panay frozen foods,Chicken and pork ang kinakain mo walang gulay!"wala akong ibang nagawa kung hindi ang makinig sa sermon nya

Naiintindihan ko naman yun eh gusto nya lang ako maging healthy eh kaso kasi!Parang mas ikakamatay ko pa ang pagkain ng gulay!

"Eh kasi naman araw  araw moko pinapakain ng damo!Mukha ba akong kambing!"nakangusong reklamo ko nawala ang pagkakakunot sa noo nya

Tumayo sya at tumabi saakin kinuha nya ang kamay ko at pinatong sa malaki nyang kamay.

"Wag kang magalala mahal,Ikaw parin ang pinakamagandang kambing sa paningin ko!"tinignan ko sya ng masama tumawa lang sya habang hinahampas ko sya

"Ako ba pinagtritripan mo!Hindi ako kakain nyan!"sabi ko binawi ko ang kamay ko pinagkrus ko ang braso ko sa tapat ng dibdib ko

5 months na kaming magkasama at ang daming nabago sa mga ugali namin mas naging matured sya pero nandun parin naman ang pagiging sweet nya.Ako ang nurse saamin pero ako pa tong pinipilit nyang kumain ng healthy

Sa limang buwan na kaming nagsasama at masasabing kong masaya  kami.We are both happy and contented

"Sobrang pagod ko pero dumeretso pa ako sa restaurant para lang bumili nyan para lang maging healthy ka tapos-"

"Oo na!Nangguilty pa!Kangkong nalang sana binili mo pumunta kapa kasi sa restaurant eh mga damo lang naman tong mga toh!"reklamo nagumpisa na akong kumain alam kong magtatampo sya kapag hindi o ito kinain.

"Thank you mahal!Pero hindi damo yan vege-"

"Damo toh para saakin wag kanang umangal baka hindi kona kainin toh!"sabi ko

Pagtapos namin kumain kailangan narin umalis ni Azeo marami pa daw syang pending na paperworks

"Dumeretso kana agad sa condo mo para makapagpahinga kana ok?"sabi ko nang nakarating kami sa parking lot

"Ayaw mo ba akong makita?Bakit ayaw moko dumaan dito?"May bahid ng pagtatampo ang boses nya kaya lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa pisngi

"Alam kong pagod ka kaya magpahinga kana agad!"sabi ko tumango sya

"Take care love you!"sabi ko

"Love you too mahal!"

----------------
NANG sumapit ang hapon pumunta ako sa convenient store daily check lang at isa pa bibili ako ng frozen foods na ulam ko mamaya

Isa yun sa dahilan kaya gusto kong dumertso na agad ng uwi si Azeo.Kapag kasi hindi kami sabay kumain doon lang ako nakakatakas sa mga damo na yun!

Maski ref ko kasi naglalaman ng damo inalis lahat ni Azeo ang mga frozen foods ko!

"Nako ma'am Nhiana pagagalitan ako ni Sir Azeo nyan,Bilin nya wag daw  kita pagtitindahan ng frozen foods!"tinignan ko si Erin

"Sino boss mo?Ako o Si Azeo?"nakataas ang kilay na tanong ko nagkamot sya ng batok

"Kasi naman Nhiana-"

"Shh!!Hindi magagalit yun kung hindi mo sasabihin!At isa sawa na ako sa damo!"sabi ko nabuntong hininga na sya kaya wala na syang ibang nagawa kung hindi ang pagbentahan ako.

Excited akong umuwi sa bahay saktong 6 pm ako nakauwi kaya dumeretso agad ako sa kusina excited akong kumain!At syempre merong saging na saba!

Habang nagluluto ako tumawag ako kay Nico.

At talaga namang ang galing kong manghula dahil ngayon sila na nung flightattendant.

"Yes?May problema ba?"tanong ni Nico pagkasagot nya ng videocall

"Problema agad?"tanong ko nilapag ko yung cp ko sa gilid para makapagluto ako

"Mga gulay nanaman ba problema mo?"tanong nya tumawa ako

"Ofcourse ano paba!"sabi ko nakita ko ang pagiling nya

"Nhiana kung ako kay Azeo ganyan din ang gagawin ko sayo!Kailangan mo din ng sustansya sa katawan!"napanguso ako

Sermon nanaman!

Tinusok ko ng tinidor yung pritong saging at kinagat

"Minsan na nga lang doc!Hindi naman kasi akong kambing para kumain araw araw ng damo!"sabi ko

"At ako mukhang kambing?Kaya ako lagi pinapakain mo ng gulay?"tanong nya tumawa ako

"Hindi noh!Mukha kang kabayo hindi kambing!HAHAHA!"natigilan ako sa pagtawa dahil may nageencode ng password ko dito sa condo

"Bakit?"tanong ni Nico

"Si Azeo nandito patay!"sabi ko

Sya lang ang nakakaalam ng password ng condo ko.Pero bakit nandito sya?

"HALA KA!Bahala kana dyan bye bye!"nanlake ang mata ko

"Hoy wait-"

"Mahal?"napatuwid ako ng tayo ng marinig ko ang boses ni Azeo tinignan ko ang niluto kong ulam masasayang nalang ba sila,

"Mahal nandito ka pala-Ano yan?"nagiwas ako ng tingin ng makita kong tinignan nya yung niluto ko

Paktay ka Nhiana magdasal kana!

"Mahal."napalunok ako naglakad ako papalapit sakanya

"H-hi mahal hehehe."bati ko pero seryoso lang syang nakatingin saakin

"I told you to stop-"

"Mahal naman!Minsan lang yan eh!"sabi ko

"Mahal hindi yan makabubuti sa katawan mo!You should eat healthy food!"napasimangot ako tumalikod ako sakanya

"Ok...Itatapon kona para hindi kana magalit."sabi ko napatingin ako sa pritong saging namuo ang luha sa mata ko

Kinagat ko ang labi ko dahil naguumpisa na akong umaiyak naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Azeo

"Shh mahal sorry.."hindi ko sya sinagot patuloy lang ako sa paghikbi

"N-namiss ko lang naman kasi eh,G-gusto ko lang kumain ulit ng walang gulay."sabi ko hinarap nya ako sakanya pinunasan nya ang pisngi ko

"Ok,Kakainin na natin yan don't cry naiiyak na din ako!"sabi nya tumingin ako sakanya namumuo na nga ang luha sa mata nya

"Don't cry kakain na tayo."

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon