NHIANA'S POV
Kumunot ang noo nya binaba nya ang kutsara nya habang nakatingin saakin."Bakit ganyan ka makatingin?"tanong ko huminga sya ng malalim
"Anong nangyari?May ginawa ba sya o sinabi sayong masama?"sunod sunod na tanong nya umiling naman ako
"Wala,Actually nagsorry sya saakin."sabi ko
"Tapos ano?Napatawad mo na sya?"ramdam ko ang inis sa boses nya dahan dahan akong tumango sumama naman ang tingin nya saakin
"Nhiana!He hurt-"
"I know Nico!Hindi ako totally makakamove on kung hindi ko sya patatawarin!"sabi ko hinawakan nya ang kamay ko
"Are you ok?"tanong nya tumitig ako sakanya
"Actually i don't know...Nung una naming pagkikita nakaramdam ako ng galit sakanya..pero nung tumagal,Hindi kona alam."sabi ko umiwas ako ng tingin uminom ako ng tubig
"Naka move on kana ba?"tanong nya
"Oo!...Ata."napakamot ako sa ulo ko
Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip na ako ngayon ang alam ko nakamove on na ako bago ako bumalik dito eh.
"Do you still love him?"hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Nico
Do i still love him?Yan din nag tanong ko sa sarili ko na hindi ko masagot tanong na pilit gumugulo sa isip at puso ko.Sinasagot ng oo ng isip ko pero puso ko kabaliktaran ang nararamdaman.
"Ahm..."sinubukan kong magisip ng sagot
"I think oo."napatingin ako kay Nico nakangiti sya
"Nico sorry..Naguguluhan din kasi talaga ako eh."nakangusong sabi ko kinurot nya yung pisngi ko
"Wag kang magsorry,Nagaalala lang ako sayo saakin wag kang magalala dahil mukhang nahanap kona ang para saakin."nakangiting sabi nya nanlake ang mata ko
"Legit?Wow!Sawakas nakamove on ka rin saakin!!!"masiglang sabi ko tumawa naman sya
"So!Who's the lucky girl?"tanong ko tinaas baba ko ang kilay ko kita ko ang saya sa mukha ni Nico
Mukhang naguumpisa na ang chapter ng lovestory ni Nico,Hindi na sya pangsecond lead hahha.
Ngumuso sya sa bandang likod ko lumingon ako doon,May nakita akong grupo ng mga flight attendant pero nakuha nang atensyon ko ang isa na nakatingin sa gawi namin.Nang mapansin nyang nakatingin ako sakanya umiwas sya.
"Aysus!Nakuha mo pangalan or number?"tanong ko umiling si Nico napangiwi ako
"Napakatagal mo naman!Dapat kumikilos ka agad mamaya lumipad agad yan sa ibang lalake ay sinasabi ko sayo!Nganga ka nanaman!"sabi ko
Tumawa lang sya saakin sumulyap sya sa likod ko.Kinikiligako sa simpleng titigan nilang dalawa hindi naman mahirap gustuhin si Nico pero sadyang kaibigan lang talaga tingin ko sakanya.
-------------
Kinabukasan maagang tumawag saakin si Nico sinabi nyang ngayon na daw ang start namin.Hiningi ko ang pangalan ng hospital dahil wala akong balak magpasundo sakanya.Kumunot ang noo ko ng mabasa ang pangalan ng hospital.Ito yung dati kong pinagtratrabahuhan.
Napangiti ako ng makita ang sarili ko sa salamin suot ko ang scrub suit namin.Nakakamiss din pala.
Dumaan muna ako sa convenient store bago ako dumeretso sa hospital.Napangiti agad ako ng makapagpark sa parking lot
"Ang aga mo grabe!"sarcastic na sabi ni Nico
"Bakit hindi moba ako ililibre ng lunch kapag nalate ako?"mataray na tanong ko ginuo nya ang buhok ko
"Ang aga aga ang sungit mo!Tara na!"sabi nya
"Teka nga!Bakit hindi mo sinabi na Pamangkin ka pala ng mayari ng Hospital na toh?"tanong ko nagkibit balikat sya
"Kailangan ko ba talagang sabihin yun?Anong sasabihin ko?Hi i'm Nico pamangkin ako ng Mayari ng hospitak natoh!"sabi nya inirapan ko sya
"Napakahumble mo talaga!"sabi ko
Naglakad kami papasok sa hospital wala masyadong pinagbago maliban sa mga bagong nurses at doctor akong nakikita.
Napangiti ako ng makita ko si Mia may kausap sya na mga nurse na mukhang mga intern palang.
"Hi head nurse mia."napatingin sya saamin nanlake ang mata nya ng makikilala kami
"NHIANA!!!"natawa ako ng sunggaban nya ako ng yakap
"Grabe ka!Bakit hindi ka na tumatawag!Kamusta na?Nagawa mona mga goal mo?"sunod sunod na tanong nya
"Opo!Nagawa kona maliban nalang sa pinakahuli.How about you?Mukhang Head nurse kana ah!"sabi ko ngumiti naman sya
"Syempre!Pero congrats!Namiss kita!"sabi nya
"Oh hi Doc Nico!"bati nya kay Nico binati rin naman sya ni Nico .
"Anong meron bakit nandito kayo?Akala koba magreresign kana kapag nakagawa mona goal mo?"tanong nya
"Yung isa kasi dyan pinilit akong magvolunter dito sa hospital dahil marami daw cases ng dengue!"sabi ko kumunot ang noo ni Mia
"So kayo pala yung kanina kopa inaantay?"sabi ni Mia umayos sya ng pagkakatayo saka pinilit gawing masungit ang mukha nya
"Late na kayo,Kahit volunter at wala kayong sahod you need to be professional dapat hindi kayo late!"masungit na sabi nya yumuko ako habang pinipigilang matawa .
"Yes ma'am i'm sorry pff-"tinakpan ko ang bibig ko
Pinaliwanag saamin ni Mia ang mga gagawin kung saan nakapwesto ang may nga Dengue.Nang magumpisa na kami halos hindi na kami magkita ni Nico dahil ang daming pasyente matanda o bata.
Huminto ako sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko nakikipagvideocall si mama sinagot ko naman yun..
"Anak!"ngumiti ako
"Hi ma!"bati ko kumunot ang noo nya nang makita ang suot ko
"Nasaan ka?Wag mong sabihing nagtratrabaho ka parin?"tanong nya napakamot ako sa pisngi ko bago tumango
"Nagvolunter ako ma,Kailan kasi ng tulong dito sa dati kong piantratrabahuhan."sabi ko
"Nak,Ilang linggo ka palang nagpapahinga!Nangako kang titigil kana!"sabi ni mama napatingin ako kay Nico nang maupo sya sa tabi ko
"Sorry tita!Ako po nagpumilit kay Nhiana!"sabi ni Nico
"Basta wag mong hayaang mapagod ng sobrang ang anak ko nico!"sabi ni mama
Bumalik din agad kami sa trabaho dahil hinahanap na kami ngayon naman naassign ako sa mga private room.
"Room 9 Nurse Nhiana.Pakicheck ang patient doon."sabi ni Mia tumango ako
Napabuntong hininga ako first day palang pero pagod na ako mukhang nabigla ang katawan ko ilang linggo akong wala masyadong ginagawa tapos bigla akong sasabak sa ganto good luck nalang saakin mamayang gabi
Kumatok ako bago ko binuksan ang pinto.
"Hi good afternoon,Check ko lang po temperature ng patient."sabi ko humarap saakin ang nagbabantay sa patient nanlake ang mata ko
"Lola?"tanong ko
"Nhiana hija."
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...