chapter 36

24 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Nagumpisa na silang uminom,Umiinom ako pero juice lang  bakit ko pipilitin ang sarili kong uminom ng alak?Eh sa ayaw ko nga nun eh

Nandito lang ako para hindi ako masabihan ng KJ,Killjoy agad hindi ba pwedeng gusto ko lang magpahinga?Ako talaga nanggigigil ako!

"So Nhiana kayo na ba ni Gelo?"kumunot ang noo ko ng marinig ang tanong ni Nichole mukhang may tama na sya

"Hindi."sabi ko

"Ayy bakit?Nagpapahard to get kaba?Dapat kayo na gwapo naman si Gelo ah!"sabi nya huminga ako ng malalim

"Nageenjoy pa ako sa buhay ko."bored na sabi ko kumuha ako ng chitchirya at kinain yun

"Nageenjoy?Pwede ka namang magenjoy habang kayo ni Gelo,Mas masaya kapag may lalake!"sabi nya tumango tango ako

"Siguro sainyo,Pero saakin problema lang ang lalake."sabi ko napatingin ako kay Gelo nakayuko sya habang nakatingin lang sa baso na hawak nya

Napansin ni Angelica na naguumpisa na akong mapikon kaya iniba nya na yung topic.

Hinawakan ko ang isang kamay ni Gelo napatingin sya saakin pilit syang ngumiti

"Iba ang ibig sabihin ko sa sinabi ko,Mga lalakeng siraulo lang tinutukoy ko dun."sabi ko

"Kaibigan narin turing ko sayo kaya hindi ka siraulo,At mas lalong hindi ka sagabal!"sabi ko ngumiti sya saakin bumalik ang normal na awra nya

Kinuha ko yung baso na may tubig saka uminom,Sumandal ako sa sofa sa likod ko nilapag ko sa  harap ko yung baso at tumitig doon.Inaantok na ako pero ayaw ko namang umalis nalang bigla.

"Whaaa!!!!"napapikit ako ng biglang dumilim ang paligid nagulat ako sa biglang pagdilim ng paligid ganun din sa malakas na tili ni Nichole at Angelica

Sa sobrang dilim wala talaga akong makita ni isa.Nakakatakot oo dahil feeling ko bigla nalang may yayakap saaking multo

"Bakit kaya?"

"Baka naputulan na kayo babe!"natawa ako sa sinabi ni Angelica

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko ng may maramdaman kong may humawak sa kamay ko.Kaliwang kamay ang hawak nya kaya alam kong hindi si Gelo toh.

Sinubukan kong tanggalin pero hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko nanginginig din ang kamay nya kaya wala akong nagawa kung hindi ang hayaan sya

Wala ba yung girlfriend nya para hawakan ang kamay nya?Bakit kailangan saakin pa syang humawak?Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung dahil sa nagulat ako kanina o dahil sa paghawak nya sa kamay ko.

Bumukas ulit ang ilaw kaya agad kong binitawan ang kamay nya.Nilibot ko ang paningin ko sa lahat ng kasama ko nakita ko si Angelica na nakayakap kay Ranz ganun din si Nichole nakayakap sya sa braso ni Azeo

Napasinghap ako inis akong napangisi hawak nya ang kamay ko kanina habang nakayakap sakanya si Nichole

Wow!So ano ako?Kabit?Third wheel?Anong tingin nya saakin isa sa mga babae nya na pwede nyang landiin?

"Azeo are you ok?Namumutla ka?"Bumalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang tanong ni ranz

"Y-yeah.."sabi nya pero mukhang ako lang ang nakakaalam na nagsisinungaling sya

"Takot kaba sa dilim?"Napatingin ako kay Gelo nakatitig sya kay Azeo

"What!No!Of course not!Kalalaki nyang tao takot sya dilim?Nagpapatawa kaba?"sabat ni Nichole natawa ako kaya napatingin silang lahat saakin

"Bawal bang matakot ang lalake?"tanong ko tumingin ako kay Nichole nakakunot ang noo nya

"H-hindi naman."sabi nya

"Yun naman pala eh,Tao sila kaya may kinakatakutan sila mas malakas at matapang lang sila kaysa saating mga babae,Pero natatakot din sila yan ang tandaan mo."sabi ko

"Wag mong tawanan ang kahinaan ng iba porket mas malakas ka doon."sabi ko

"Ang galing talaga ng pinsan ko!Ikaw na!"sabi ni Angelica

Napatingin ako kay Gelo nakangiti sya habang nakatingin saakin,Kita ko ang pagkaamuse sa mukha nya

"I really like you!"nagulat ako sa sinabi nya pero ngumiti rin ako

"Whaaa!!!"

"Oh my ghad!"

Napapikit ulit ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw at pagdilim ulit ng paligid.

Nagpakiramdaman kami walang umiimik.

"Ano bang nangyayari babe?"tanong ni Angelica nakarinig kami ng ingay sa labas ng bahay.Mukhang nanggagaling sa mga kapitbahay

"Titignan ko kung ano yun."sabi ni ranz sumunod sakanya si Gelo angelica at Nichole

"Hindi kaba sasama Nhiana?"tanong ni gelo

"Ay nako wala yang pake sa mga ganyan!"sabi ni Angelica wala akong makita lahat ng cellphone namin nasa mga kwarto namin.

Ayaw ko naman umalis mamaya may makasalubong pa ako na kakaiba.

"Baby sasama tayo sakanila!"rinig kong sabi ni Nichole hindi ko sila pinansin kahit maiwan ako dito bahala na narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang paglabas nila

Nililibot ko ang paningin ko sa paligid wala akong makita kung hindi dilim ngayon nagsisisi akong hindi ako sumama nakakatakot!

"Ay multo!"sigaw ko ng may biglang humawak sa kamay ko dahan dahan akong humarap sa kaliwa ko

Kinapa kapa ko yung mukha nya para malaman kung tao ba talaga sya mamaya multo pala nakahawak sa kamay ko

"Azeo?"tanong ko mabigat ang bawat paghinga nya malamig din ang kamay nya

"Magsalita ka mamaya multo ka pala bwesit ka!"sabi ko narinig ko ang marahan nyang pagtawa

"Still the same."hindi na ako umimik hinawakan ko ng dalawang kamay ang kamay nya

"Walang malisya toh!Baka isipin mo inaagaw kita sa jowa mo!"sabi ko naramdaman ko ang pagsandal nya saakin

"Ayaw mo bang agawin ako sakanya?"tanong nya

"Hindi ako nangaagaw ng pagmamayari ng iba."sabi ko

Walang umimik saamin hindi ko alam kung bakit ang tagal nila.

"Thank you.."mahinang sabi nya

"Hmm...Ako lang ang nakakaalam kaya ako lang makakatulong sayo.Kakalimutan ko muna galit ko sayo bati muna tayo."sabi ko himigpit ang hawak nya sa kamay ko

"Ngayon ko lang nagustuhan ang dilim.."kumunot ang noo ko dahil hindi ko narinig ang sinabi nya

Natigilan ako ng maramdaman kong nabasa ang balikat ko.Humarap ako sakanya hindi ko makita kung umiiyak ba sya

"Azei umii-"

"Were here!"

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon