chapter 16

19 2 0
                                    

NHIANA'S POV
Natigilan ako sa sinabi nya.Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko gulat,Pagtataka saya...Pero bakit masaya ako?

"Azeo.."hindi ko alam ang sasabihin ko ngumiti sya

Umiwas ako ng tingin hindi ko alam ang gagawin ko.Naguguluhan ako!

"Baka...baka naguguluhan ka lang!Kasi...ano..ahm ako kasi lagi mong kasama kay-"

Napatingin ako sakanya ng hawakan nya ang pisngi ko.Nakatingin lang sya sa labi ko dahan dahan syang lumalapit saakin gusto kong lumayo pero hindi ko alam hindi ako makagalaw

Nanlake ang mata ko ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko.Nakapikit sya habang ako mulat na mulat

Lumayo na sya saakin pero hindi parin ako makakilos,Ramdam ko ang paginit ng pisngi ko

"Nhia,I like you,Hindi ko alam kung paano o kailan toh nagsimula pero ang alam ko lang gusto kita."

"This is the first time na nakaramdam ako ng ganto.Masaya akong kasama ka,Nawawala ang takot ko tuwing nasa tabi kita,Nagseselos ako tuwing iniisip kong kasama mo si Nico.."

"I don't know pero nagising nalang ako ganto na nararamdaman,Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya.."

Bumangon ako mula sa pagkakahiga,Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?Magkaiba ang nasa isip at puso ko

Pero kasi bakit?Bakit ako?Diba sabi nya hindi nya ako type?Ibig sabihin totoo yung sinabi nyang crush nya ako?Pero bakit nga?

Sinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko masyado akong nabigla hindi ko alam kung pano ako magrereact.

"Nhia."huminga ako ng malalim bago humarap sakanya.Kinuha ko yung kamay nya saka ko hinawakan

"Azeo,Seryoso kaba sa sinabi mo?Oh baka may sapak ka lang ngayon?Kung pinatritripan moko tumigil kana kasi hindi moko maloloko!I'm sure itong sinasabi mo saakin nasabi mo narin sa ibang babae."sabi ko tinignan ko sya habang umaasa na babawiin nya yung mga sinabi nya

Ngumiti sya nilapit nya ang kamay ko sa pisngi nya,Kinulong nya ang mukha nya sa kamay ko.

"Ikaw palang ang nagiisang babae na nagparamdam saakin ng ganto,Believe it or not sayo palang ako naging chessy!"ngumiti sya

"I like you at handa akong mahalin kapa..."

Tsup!

Napahawak ako sa bibig ko pagtapos nya akong halikan.

"Ano ba!Nakakadalawa kana!"Sabi ko

"I love your lips!"sabi nya napailing ako

Humarap ako sa dagat hindi ko alam pero napangiti ako.Hindi ko maintindihan ang sarili ko 

"Nhia,Can you be my girlfriend?"napatingin ako sakanya.Humiga sya sa lap ko

"Seryoso ka?Kakaamin mo lang tapos gusto mo maging girlfriend mo agad ako?"Tanong ko tumango sya kinuha nya yung kamay ko at nilagay yun sa pisngi nya

"Kailangan ba ligawan muna kita?"tanong nya gulat akong tumingin sakanya

"Seryoso ka?Hindi ka aware na dapat ligawan mo muna ako bago mo ako yayaing maging jowa mo?"sabi ko

"Alam ko naman yun....Pero uso paba yun?"Parang nagtatakang tanong nya

Kinurot ko ang ilong nya tumawa naman sya.Hinuli nya yung kamay ko saka nilagay sa pisngi nya hinaplos ko ang pisngi nya gamit ang hinlalaki ko

"Sabi mo ako lang baby mo!Bakit ayaw moko maging boyfriend?Paasa ka!"sabi nya

"Sira!Biro lang yun!"sabi ko

"Matulog na tayo masyadong ng gabi!"sabi ko

Gaya kanina inalalayan ko ulit sya madilim na rin sa loob ng bahay kaya dumeretso na kami sa loob ng kwarto.

Binalyan nya angsarili nya sa kama kaya sumama ako.Sisigawan ko na sana sya ng bigla syang pumatong saakin

"Ano bang pinaggagawa mo!Alis nga dyan!"sabi ko pero umiling sya

"Ano ba!Balak mo bang matulog sa ibabaw ko!"reklamo ko unti unting nabuo ang ngiti sa labi nya

"Pwede?"nanlake ang mata ko tinulak ko sya.

"Azeo,Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo ah!"sabi ko ngumuso sya

"Sorry,Galit kaba?"tanong nya huminga ako ng malalim umiling ako

Umayos na ako ng higa dahil napagod talaga ako kanina sa dami naming ginawa,

"Sorry,Hindi ko rin alam kung bakit ako ganto sayo.."sabi nya hinawakan ko ang pisngi nya

"Ok lang basta wag sosobra ah?"sabi ko narinig ko ang ringtone ko kaya tumayo ako para kunin yun sa bag ko

Nico's calling....
Sinagot ko yung tawag umupo ako sa kama.

"Hello nico!"bati ko sumandal ako sa headboard ng kama

"Nhiana!Good evening,Naabala ba kita?"tanong ko nya

"Nope!Bakit ka pala tumawag?May problema ba?"tanong ko

Napatingin ako kay Azeo ng humiga sya sa tyan ko nakaharap sya saakin.Nakakunot ang noo nya habang nakatingin saakin

Problema nanaman nito?

"Wala naman,Gusto lang kitang kamustahin,So how's your vacation?"tanong nya

"Ahmm..ok naman"sabi ko hindi ako makafocus sa pakikipagusap kay Nico dahil nakatitig saakin si Azeo

"Namiss kita."natigilan ako ilang minuto rin akong natahimik bago ko narealise yung sinabi nya

"A-ah Nico good night na...Thank you sa pagtawag mo!"sabi ko saka binaba ang tawag

"Did he said that he missed you?"Napatingin ako kay Azeo nakahiga parin sya sa tyan ko

"Pano mo nalaman?"tanong ko umupo sya

"Alam ko na yang mga ganyang galawan!He likes you!"sabi nya

"Si nico?Gusto ako?Wag mo nga  akong pinagloloko!"sabi ko

"He's so obvious!"sabi nya nagtaka ako dahil parang galit sya

"Oh bat parang galit ka?"tanong ko sumimangot sya lumapit sya saka yumakap saakin

"I'm not mad,I just worried.."sabi nya

"Worried?Bakit?"tanong ko

"Lagi mo syang kasama,Baka magustuhan mo sya kawawa naman ako."natawa ako sa sinabi nya

"Kaibigan ko lang si Nico,Pero medyo crush ko din sya."sabi ko hinawakan nya ang pisngi ko at hinarap saakin

"Mali naguguluhan ka lang!Ako dapat crush mo!"tumawa ako

"Wow ah!Ikaw ba nakakaramdam?"tanong ko

"Pano ako?Hindi moko crush?"tanong nya nagkibit balikat ako

"Matulog na tayo."sabi ko tinulak ko sya saka umayos ng higa

"Nhia!Sinong crush mo?"tanong nya hindi na ako umimik dahil inaantok na ako

"Nhia!Ako crush mo diba?Dapat engineer hindi doctor!Nhia!"napabuntong hiningaako

"Oo na ikaw  na crush ko."inaantok na sabi ko humikab ako

"Nhia good night!I like you!"sabi nya

"Night."sabi ko

"Nhia pwede kita i kiss?"napamulat ako bumungad saakin ang mukha ni Azeo tinulak ko sya

"Matulog kana nga!"sabi ko ngumuso sya

"Gusti kita ikiss eh!"tumalikod na ako sakanya.

Goal Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon