NHIANA'S POV
Kinagat ko ang labi ko para pigilang matawa.Seryoso ang mukha nya napatingin ako sa kamay nya ng unti unti nya yung nilapit sa pisngi ko"Pff HAHAHAHA!!!"tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko
"Bakit ka tumatawa?"tanong nya
"Galawan mo bulok!"sabi ko tumawa naman sya
"Hindi ka manlang ba kinilig?"tanong nya
"Hindi!Kinilabutan ako!"sabi ko
"Anong ineexpect mo?Matitigilan ako tapos hindi ako gagalaw hanggang pupunasan mo ang gilid ng labi ko tapos sasabihin mo"tumikhim ako
"Ang kalat mo kumain! Tapos kikiliginako?Pff HAHAHA...Ang cliche ng naisip mo ah!"sabi ko huminga ako ng malalim saka uminom.
"Ano ba yan napahiya ako dun ah!Bakit naisip mo agad yung gagawin ko!"sabi nya
"Alagang wattpad kaya ako!"sabi ko
Grabe akala ko naman professional na syang playboy.Yun pala napakacliche din ng galawan
Pagtapos namin kumain umuwi na rin kami dahil inaantok na ako.
"Thank you sa pagsabay saakin."sabi ko
"You're welcome."sabi nya saka kumindat
"Sge pagpatuloy mo yang pagiging mabait ng pagpalain ka HAHAHA."sabi ko bago pumasok sa kwarto
******
Dumaan pa ang mga araw at normal padin at walang bago sa buhay ko maliban sa minsan kinakausap ako ni azeo at mukhang nagbabagong buhay na sya dahil napapansin kong wala sya masyadong babaeng kasamaMaayos ang pakikitungo namin sa isa't isa pero hindi ko masasabing close kami.
Hindi ko kasabay si Doc Nico ngayon hindi sya umuwi kahapon dahil kailangan daw nyang obserbahan ang isa nyang pasyente.
Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng hospital dahil napatingin ako sa isang lalake nandun sya sa parking lot nakasandal sa isang van
Familiar sya saakin kaya naglakad ako palapit dun habang lumalapit mas nakilala ko sya
"Doc Nico?"huminto ako sa harap nya nakayuko sya may hawak syang cup of coffee
"Doc Nico ayos ka lang?"tanong ko nag angat sya ng tingin nagulat ako ng makita ko sya
Ibang iba sya sa Nico na kilala ko na palangiti mukha syang miserable ang laki ng eye bag nya kita din ang lungkot sa mga mata nya
"May problema ba?Broken kaba?"tanong ko ngumiti sya pero hindi umabot yun sa mata nya
"You always makes me smile"sabi nya
Ehh?Layo ng sagot
Tinitigan ko sya naawa ako sa mukha nya halata ang pagod at lungkot.Hindi ko alam pero kusang tumaas ang kamay ko at hinaplos ang pisngi nya pumikit sya
"She's critical...."hindi ako nagsalit hinayaan ko lang syang magsalita
"And i can't do anything about it....I'm useless doctor!"hinawakan ko ang pisngi nya ng dalawa kong kamay at hinarap saakin
"Magiging ok sya...Trust your self and trust her ok?She will be fine..."sabi ko tumango sya
"Thank you.."mahinang sabi nya
"Kumain kana ba?"tanong ko tumango sya
"Good! now rest!Pano mo sya aalagaan kung pati ikaw kulang sa tulog?"Sabi ko inalalayan ko syang pumasok sa van nya
Sabi nya van daw ang dala nya lagi para atleast kapag napagod sya magtutulogan sya ng komportable.Yung van nya kasi meron lang driver seat at passenger seat tapos sa likod naman may kama dun(Panoodin nyo yung vlog ni ivana alawi na 24 hours sa van ganun ung ibig kong sabihin na style nung van)
Kinumutan ko sya nakatingin pa rin sya saakin kaya ako na nagsara ng talukap nya
"Sabi ko matulog ka!Saan ka nakakita ng tulog na nakamulat?"ngumiti sya
"Sge na tatawagin kita kapag may humahanap sayo"sabi ko tinapik ko sya sa balikat bago ako lumabas ng van
Matagal na kaming magkakilala at alam ko kung gano sya kalapit sa mga bata lagi ko syang nakikitang miserable kapag may namamatay na pasyente.
Pagdating ko sa nurse station naabutan kong nandun si Doc tuazon
"Good evening Doc."bati ko
"Doc ako nalang po sanay akong maglagay ng swero promise!"
"No Doc!Ako magaling akong kumuha ng dugo!"nagtaka ako sa mga inaasta ng mga katrabaho ko ngayon ko lang ata sila nakitang naguunahan para sa isang pasyente
Lumapit ako sa isang katrabaho ko na si mark
"Nagrounds na ba?"tanong ko umiling naman sya
Rounds iyon yung pupuntahan namin yung mga pasyente at ichecheck yung mga kondisyon nila
"Si nurse Nhiana nalang Doc matino yan."napatingin ako kila doc tuazon
"Sge,Nurse Nhiana ikaw nang bahala kay room 414 lagyan mo sya ng swero i check ang bp at kumuha ng dugo ok?Pakisabi nadin na discharge na sya bukas."Sinulat ko lahat ng sinabi ni Doc tuazon
"Yes Doc!"sabi ko
"Galingan mo!Iwasan mong madistract!"nagtataka ako pero tumango lang ako
"Ano bang meron sa room 414?Anong ibigsabihin sa bawal akong madistract?"tanongko pagalis ni Doc Tuazon
"Kasi naman gurl!!Ang gwapo nung patient dun!!!!Omy Ghad feeling ko sya na forever ko!!"sabi ni baklang mark
"Gosh oo nga!!!Pati yung mga kaibigan nya mga fafa!!!"Napangiwi ako tumayo na ako kailan ko pang kunin lahat ng kailan kong gamitin
"Room..414...414..Ayun!"Kumatok ako bago ko binuksan
"Good evening sir magkakabit lang po..."natigilan ako ng makita si azeo at ang mga kaibigan nya yung isa nyang kaibigan ang nakahiga sa kama
Kaya pala tahimik ang bahay wala yung malandi kong roomate
"Kakabitan kopo kayo ng swero at kukuhanan ng dugo at bp."sabi ko naiilang ako dahil nakatingin silang lahat saakin
"Hi Azeo's roomate!"bati nung isang kaibigan ni azeo ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagaayos ng gamit
"Kamusta na ang pakiramdaman mo?"tanong ko habang kinakabitan sya ng swero
"Maayos naman na kailan pala ako makakalabas?"tanong nya
"Bukas daw discharge kana "sabi ko tumango sya kinuha ko yung injection
"Matapang kaba?"tanong ko tumango sya
"Sure ka kaya mo toh?Baka naman umiyak ka kapag tinusok ko toh.."sabi ngumisi sya
"Hindi ako bata para umiiyak para lang sa injection."sabi nya
"Good."sabi ko saka tumayo tumingin sya saakin
"Tapos na?"tanong nya tumango ako "Grabe hindi ko naramdaman ang gaan ng kamay mo!"ngumiti lang ako
Inayos ko ang mga gamit ko dahil tapos narin naman na ako
"Thank you Nurse!"Ngumiti lang ako saka tumalikod
Napatingin ako sa ICU gaya ng lagi kong nakikita may uumiiyak nanamang pamilya
"Nurse Nhiana nakita mosi DocNico?"Tanong nurse na kalalabas lang ICU
"Hindi ang alam ko nasa van sya natutulog?"sabi ko umiling sya
"Nasa rooftop sya puntahan mo"sabi nya nagtaka ako matamlay ang boses nya at kita ko ang pamumuo ng luha sa mata nya
"Namatay si summer.."nanlake yung mata ko
Tumakbo ako papunta sa elevator si summer ang tinutukoy kanina ni Doc Nico miserable na sya kanina na critical yung bata pano pa ngayon?
"Ang bagal!!!"
"Bwesit ka Nico kapag nagpakamatay ka sinasabi ko sayo!!!"
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
Roman d'amourHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...