Kabanata 1 : Dark World

335 77 7
                                    

Sa gitna ng kagubatan ay may nakatayong kaharian ng mga kakaibang nilalang... masasabing hindi sila tao ngunit sila'y nasa anyo ng tao na ni hindi makikita ang pagkakaiba nito, kilala ang kahariang ito sa tawag na... Dark World.

Napapalibutan ang kaharian ng liwanag at sariwang hangin, kay ganda nang paligid dahil puno ito ng mga bulaklaking halaman at mga puno. Parang isang mahiwagang mundo kung titignan, mababait at maamo ang mga hayop.

Dumating ang araw na nagkaroon nang pagtitipon sa kastilyo at dumalo ang lahat nang imbitado. Hindi maikakaila na lahat nang dumalo ay taglay ang kakisigan, kagandahan at kagwapuhan na para bang mga gods and goddesses in their youth, ganito sa mundong ito, para bang bawal ang pangit at matatanda... mapapatanong ka na lamang kung ano nga ba ang mga ito.

Nagsimula na ang programa at ang pinakahinihintay na pagkakataon... ay ang pagpapakilala.

"Let's welcome, King Mathew and Queen Laica of Dark World! Please a round of applause." Masiglang saad ng Speaker at nagpalakpakan ang lahat.

Sabay na lumabas ang isang kay gandang dilag na nagpakintab ng gabi at makisig na Ginoo na taglay ang hindi makakailang kagwapuhan na nagpatili sa mga kababaihan sa loob ng stadium.

"Thank you so much for a warm welcome. We have been on the position but we wanted it to be official since we just got married. As long as we are leading this world, your Queen and I will do our best to maintain peace and unity among us." Saad ng Hari sa kaygandang boses na taglay, sabay hawak sa kamay ng Reyna, halata sa mga mata ng hari ang labis na pagmamahal habang tinititigan ang Reyna.

Naghiyawan naman ang lahat, sang-ayon sa saad ng Hari, kitang-kita rin na tiwala sila sa hari at reyna na pamunuan ang kanilang mundo.

Mabilis na natapos ang pagtitipon at ang mga nilalang ay nagsiuwian na sa kani-kanilang tahanan, naiwan na lamang ang mga kawal, tagapangalaga pati narin ang Hari at Reyna.

Nang mapansin ng hari na nakaalis na ang lahat ay agad niyang hinanap ang kaniyang mahal na Reyna, hindi naman siya nahirapan sapagkat nakita niya ito sa balkunahe ng kanilang kastilyo. Dahan-dahan niya itong niyakap mula sa likuran.

"What are you thinking my love?" Mahinahong tanong niya rito sabay tingin sa paligid. Napakataas pala ng kanilang kinatatayuan na kung titignan ay nasa daang metros ang taas.

Ngumiti ang Reyna saka niya hinarap ang hari "I was thinking, what if we have a baby? Gusto ko, maranasan niya ang simply at magandang buhay."

Sumeryoso ang mukha ng hari "You want a simple life?" tanong nito na may bahid na lungkot.

"Hindi naman sa ganun, I want a life with you and I don't care how hard it could be as long as I'm with you." Saad ng Reyna sabay ngiti "I was just thinking of having a child... of what life awaits her."

"Her?" The King chuckles "You seems to be competent that she's a girl."

Kumibit balikat ang reyna "Hinala ko lang."

"Okay, so since you talk about child." Ngumisi ang hari as he lean closer "Let's make one." Bulong nito sa Reyna.

The queen giggles, hahalikan na sana ng hari ang reyna nang,

"Nagkakasiyahan kayo, ni hindi niyo man lang ako sinali." Bigla na lamang sumulpot ang isang lalaki na medyo may katandaan sa kanila ng ilang taon, taglay nito ang kakisigan, halata rin ang kagwapuhan pero hindi maikukumpara sa hari, sa likuran nito ay may sampung mga kalalakihan na nakaitim.

"Uncle?" Agad na itinago ng hari ang reyna sa kaniyang likuran. "How did you get in?"

"Invited ang lahat bakit ang sarili mong uncle hindi?" Tanong nito na nakangisi papalapit sa hari at reyna.

"Stop right there! Don't come any closer." Matigas na tuon ng hari.

"Natatakot ka ba? Eh ikaw ang piniling hari at hindi ako, ako nga dapat ang matakot hindi ba?" Saad ng lalaki, inilahad nito ang palad kasabay na lumabas ang maitim na enerhiya mula rito.

Biglang dumilim ang mata ng hari kaya mahigpit na napahawak ang reyna sa braso nito, agad namang pinukulan nang tingin ng hari ang Reyna, umiling ang reyna na nagpapahiwatig na ayaw nito ng gulo.

Bumuntong hininga ang hari "Ayaw ko nang gulo, so please get out of my palace."

"My palace." Tumawa ang lalaki na para bang isang baliw. "This should be mine..." at biglang napadako ang mga mata nito sa Reyna "She should be mine but you stole everything away from me!" Biglang kumuyom ang mga kamao ng lalaki at ang mga itim na enerhiya ay pumalibot sa katawan nito sabay na nagbigay nang senyales sa sampung mga kalalakihan sa kaniyang likuran.

Mabilis na sumugod ang mga lalaki at agad naman nitong hinarap ng hari, nilabanan niya ang Sampu ngunit dahil na din sa dami at bilis na taglay ng mga ito ay nahirapan siya. Agad na sinunggaban ng hari ang isa sabay inikot ang ulo nito, mabilis naman itong nabawian ng buhay, mabilis ding pinalabas ng hari ang bolang apoy mula sa kaniyang kamay at ipinalipad ito sa isa pang lalaki na agad ding namatay.

Ngunit sumugod ang tatlo, umilag ang hari hindi inaasahang sumugod din ang lima masyadong mabilis ang mga pangyayari, ni hindi na makita.

Sobrang kaba at takot ang nadarama ng Reyna, hindi niya maiwasan ang pangambang nararamdaman para sa asawa kaya isang puting enerhiya ang unti-unting lumalabas sa kanyang dibdib, kung saan ay mayroong balat na hugis puso at sa gitna ay may gumamela.

Nang makita ng Reyna ang itim na enerhiya mula sa kamay ng tinatawag na Uncle atsaka bigla itong pinalipad patungo sa hari, hindi na nito na pigilan pa ang sarili "Stop!" Sigaw nito at pawang isang puting liwanag ang sumabog na nagmula sa kaniyang buong katawan.

Ang lahat ng nga lalaking nakaitim ay pawang naging usok na lumipad sabay sa hangin, nawala na parang bula. Maliban sa Uncle na nakatayo mula sa di-kalayuan, ngumisi ito at biglang nawala.

Mabilis na napatingin ang hari sa Reyna saka dumilim ang mga mata nito sa nakita, nanghihina man he tried his best to move fast.

"Hindi ka man mapapasaakin, walang ibang pwedeng magmamay-ari sa'yo." Mga bulong na narinig ng Reyna at sabay na naramdaman ang itim na enerhiyang itinama sa kaniyang likuran patungong puso.

"No!" Sigaw ng hari at mabilis na sinakal ang lalaki, pinning him on the wall. Itim lamang ang makikita sa mga mata nito na pawang wala na sa katinuan, sinubukang kunin ng Uncle ang kamay ng hari mula sa kaniyang leeg ngunit sa taglay na lakas ng hari ni hindi niya ito magalaw, para nang mapuputol ang kaniyang leeg sa lakas nito.

Maririnig ang mga nagtatakbuhang hakbang mula sa mga kawal na tumigil sa hindi kalayuan dahil na din sa kanilang takot sa hari.

"M... mahal." Katagang nagmula sa Reyna ang nagpagising sa hari at bumalik ang kulay hazel na mga mata nito.

Mabilis na binitiwan ng hari ang kaniyang uncle dahilan para matumba itong pawang lantang gulay. "Take him to the dungeon." Matigas na utos nito saka agad pinuntahan ang kaniyang minamahal na reyna.

Mabilis namang tumugon ang mga kawal at kinaladkad ang lalaki.

Naluluhang napaluhod na lamang ang hari sabay yakap sa minamahal "Love, please don't leave me." Rinig sa boses nito ang labis na lungkot kasabay ng mga luhang umaagos habang nakatingin sa nanghihinang reyna.

"I... I love y-you." Mahinang sambit ng reyna.

"I love you more, stay awake please. I'll call the doctor." Agad na sinenyasan ng hari ang isang kawal, mabilis naman itong tumakbo para tumawag ng manggagamot.

Umiling ang reyna "I... I couldn't m-make it. S... stay... strong f-for me, o-okay?"

"No, you said we will still have a child, baby girl right? I can't let you go love, I'll die. Please, I can't just let you go, stay with me." Pagmamakaawa ng hari.

"Y-you have to." Huling katagang sambit ng reyna atsaka ito'y nabawian nang buhay.

"No!!!" Sigaw ng hari na umalingawngaw sa buong palasyo.

***** viona99 *****

I hope you like this new story of mine, please follow me for more. Thank you so much!

Like and comment, I really appreciate it❤.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon