Kabanata 6 : Bahay

146 56 2
                                    

Tumatakbo ang sinasakyan ng dalaga sunod sa dalawang kotse na nasa harapan nila, napansin din nito ang pulang race car sa likuran.

Napapaisip na lamang ito kung gaano ba kayaman ang kaibigan ng ina at ama, sobra naman ang accommodation sa kanila na para bang malapit na magkaibigan talaga ang mga ito.

Napatigil sa pag-iisip si Laica nang makita ang malaking pader bigla na lamang itong bumukas at namangha siya sa mga maliliwanag na kabahayan.

Maraming kabahayan ang nadadaanan ng sasakyan, nakikita niya rin ang mga taong naglalakad, may ilang mga kabataan at ang higit na ikinatutuwa niya ay ang mga kulay ng damit na suot ng mga ito, hindi itim kundi ay iba't-ibang kulay... may puti, pula, asul at berde.

"Mommy, mukha ngang maganda rito." Nakangiting sambit ni Laica.

"Oo naman anak. Pero mas maganda ang lugar na ito dati... mahiwaga." Sambit ng ina.

Kumunot naman ang noo nito napaisip kung ano ba ang itsura ng mahiwagang lugar. Siguro ay may mga Christmas lights ang tinutukoy ng ina, napangiti na lamang siya, maganda nga iyon!

"Daddy, pwede ko bang buksan ang bintana?" Tanong ng dalaga sa ama.

"Hindi pwede anak, sa panahon ngayon kapag dumapo na ang gabi. Huwag kang lalabas at huwag ka din magtitiwala nang basta-basta." Makahulugang saad ng ama.

Bumuntong hininga na lamang ang dalaga, maganda pa naman sana damhin ang hangin lalo na tuwing gabi.

Ilang sandali pa'y tumigil ang dalawang sasakyan na kanilang sinusundan. Tinignan ni Laica kung nasaan sila at nakita niya ang isang magarang bahay sa harap. Hindi naman mansiyon, pero two storey house kaya pangmayaman talaga, kung tutuusin mayaman naman talaga sila.

Bumukas ang gate at agad pumasok ang dalawang sasakyan, sumunod din ang kanilang sinasakyan.

"Mommy, ito ba ang bahay natin?" Natutuwang tanong nito.

"Ito na nga ata anak." Sambit ng ina na pawang hindi sigurado kaya agad na napalingon dito si Laica na may bahid ng pagtataka.

"Ata?" Tanong nito.

"Pagod lang sa byahe ang mommy mo anak, ito na nga ang bahay natin. Tara na." Lumabas ang ama sa sasakyan, SUV car kasi ito kaya medyo may kalakihan din ang space.

Dahan-dahan na din lumabas ang dalaga habang patuloy pa ring nakatingin sa bahay, ang ganda naman nito parang binagay talaga sa favorite color niya, pink. Sandali pa'y naalala nito ang pulang race car, hindi kasi nito napansing pumasok sa gate, kaya nama'y napatingin siya sa labas ng gate at nakita itong nakapark lamang sa labas.

Ang alam niya'y, nandoon 'yong tatlong lalaki na mga kaibigan ng ina at ama niya. Naalala niyang lumuhod dito ang ama upang magbigay galang. Ang mga ito rin ang nagligtas sa kanila mula sa mga taong nakaitim kanina.

Kaya nama'y habang nakatingin sa sasakyan na pula, ngumiti ang dalaga kasabay nito ay yumuko ito na katulad nang ginagawa ng mga prinsesa upang magbigay galang.

Kitang-kita ito ng Mahal na Hari, simula nang lumabas ang dalaga sa sasakyan ay para bang ito'y nakakita ng multo sa gulat kasabay nang mabilis na pagpintig ng puso nito. Ang dalaga ay kamukhang-kamukha ng dating Reyna, pati na ang hubog ng katawan nito... lalo nang tumingin ito sa kanila, para bang wala itong pinagbago sa yumaong Reyna.

"Woah! Grabe, totoo ang usap-usapan... napakaganda nga ng Reyna." Sambit ni Rio.

"Halata ngang isa itong... diwata, siya nga talaga ang tagapangalaga ng kagubatan." Bulalas naman ni Luke habang nakatingin sa dalaga.

Ngumiti ang dalaga para bang sumabog ang puso ng Mahal na Hari, kinuyom na lamang nito ang mga kamao, pinipigilan ang sariling lumabas mula sa sasakyan at yakapin ang minamahal.

"No wonder, inlababo ang ating Mahal na Hari." Nakangising sambit ni Rio habang nakatingin sa Hari na hanggang ngayon ay hindi maalis ang tingin sa dalaga.

Para bang walang naririnig ang Mahal na Hari, lalo nang lumuhod ang dalaga na para bang isang ganap na Reyna, bigla niyang naalala ang yumaong Reyna na mahilig yumuko upang magbigay galang sa kaniya tuwing uuwi ito sa kaharian galing sa kagubatan. Napangiti ang Mahal na Hari.

"Yown oh!" Sigaw ni Rio.

"Shit! Totoo ba ang nakikita ko?" Gulat na tanong ni Luke habang nakatingin sa hari. "Ngumiti na rin sa wakas!"

"Bro! You're whipped!" Hiyaw na sambit ni Rio na agad namang nakatanggap nang batok mula kay Luke. "Ouch! What's your problem!?"

"Mag-ingat ka nga sa pinagsasabi mo! Magpasalamat ka sa Mahal na Reyna dahil tulala parin ang Mahal na Hari hanggang ngayon, kung hindi baka pinugutan ka na ng ulo." Pangaral ni Luke, agad namang narealize ni Rio ang sinabi, nawalan nga ito nang paggalang sa Mahal na Hari.

Simula kasi nang ipinanganak sila ay malapit na sila sa Hari, hanggang sa lumaki kaya nasanay itong parang barkada na lamang ang turing, dahilan upang minsan ay nakakalimot itong Hari ang kaniyang kaharap. 

Ipinanganak sila ni Luke Limampung-taon na ang nakalipas kaya higit na matanda sa kanila ang Hari ngunit nang dumating ang kanilang ika-dalawampung taon ay hindi na nagbago ang kanilang wangis, kaya kung titignan ay para bang magkaka-edad lamang ang mga ito.

Hindi rin nila naabutan ang Mahal na Reyna kaya hanggang rumors na lamang sila, malaki ang respeto nila sa Reyna sapagkat ito ang bayani nang kanilang lugar.

Pumasok na ang dalaga sa loob ng bahay, gayun din ang mga tinuturing na magulang nito, ilang sandali pa'y lumabas ang mag-asawa mula sa bahay patungo sa pulang race car kung saan naroroon ang mga ito. 

Lumabas mula sa sasakyan si Rio at Luke, agad namang binuksan ni Luke ang pinto mula sa backseat at lumabas ang Mahal na Hari.

Yumuko ang mag-asawa bilang pagbibigay galang sa tatlo. 

"Mahal na Hari, maraming salamat sa 'yong pagligtas sa amin gayundin ang pagbibigay nang bahay na aming tutuluyan." Magalang na sambit ng Ginang.

"It is my duty to protect my Queen." Saad ng Hari, ilang sandali pa'y nagtanong ito "Alam ba niya?"

Halata ang gulat sa mga mata ng mag-asawa gayundin ang guilt na namutawi sa mukha ng mga ito.

Biglang lumuhod ang matandang nagngangalang Henry "Patawarin niyo po kami Mahal na Hari sapagkat wala pong alam ang Mahal na Reyna tungkol sa kaniyang nakaraan pati na rin ang Mundong inyong ginagalawan."

"Tumayo ka." Utos ng Mahal na Hari na agad namang sinunod ng matanda "I understand, ngunit kailangan niyo nang sabihin dahil malapit na ang kaniyang nakatakdang-edad, kayo lamang ang maaaring makapagsabi sa kaniya."

"Masusunod po, Mahal na Hari." Sagot ng Ginang.

Tumango ang Mahal na Hari bilang tugon saka pinukulan nang tingin ang bintana kung saan naririto ang kwarto ng dalaga.

***** viona99 *****

Sana'y nagustuhan mo, please vote and comment. Thank you!

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon