Third Person's POV
"You stole my first kiss." Sagot ni Laica sabay hablot ng kaniyang kamay na hawak ng Hari.
Madali naman itong umalis at nilisan ang lugar, samantala, naiwan ang mahal na Hari na nakatulala. Ramdam nito ang bilis ng pintig ng kaniyang puso nang marinig ang sinabi ng kaniyang minamahal.
Siya ang nakakuha ng unang halik nito, pero ang totoo niyan siya naman talaga simula nung isa pang ganap na diwata si Laica. Pero... iba sa pakiramdam noong marinig niya ang sinabi ng kaniyang minamahal o ng babaeng reincarnated ng kaniyang asawa.
Pero kahit saan titignan, mahal niya ang babaeng ito dahil puso niya ang nagdidikta. At nararamdaman niya rin ang kaniyang pinakamamahal na asawa rito.
Pagkaraa'y ngumiti ang Hari, nang maalala ang sa isip na ito ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya at kung paano ito mainis, ang ganda at cute lang niya na para bang hinding-hindi magsasawa dito ang Hari.
Sandali pa'y napadapo ang mata nito sa papel na pinag-drawingan ng dalaga kanina lamang. Biglang kumunot ang nuo nito at mabilis na kinuha ang papel, ng tuluyan niyang nasiguro ang naka-drawing sa papel gayun naman ang lakas ng pintig ng puso ng Mahal na Hari. Para bang lahat ng nangyari halos isang daan na ang nakalipas ay unti-unting bumabalik, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Noong panahon na nagmamahalan ang Hari at ang Diwata.
Lalo na't ang nakadrawing sa papel ang lugar kung saan sila palagi at patagong nagkikita ng Diwata. Ang Hidden Magicfalls ng Gargantilla, makikita lamang ito kung saan basta't sakop ng Gargantilla, lalong -lalo na kung gustong magpakita ng Hidden Magicfalls dahil isa ito sa pagmamay-ari ng Diwata ng Tubig kaya't parang may Buhay ang Hidden Magicfalls.
Hindi ito basta-basta napupuntahan ng kahit na sino, at napapasukan kahit na mga Maitim na nilalang. Tanging ang mga may mabuting puso, malinis na kaluluwa at piling nilalang lamang ang nabibigyan ng tsansang makapunta sa lugar na ito. Madalas, ang iba'y iisiping naligaw lamang sila... dahil kung titignan hindi ito kasali sa Mapa ng Gargantilla, kung meron man labas ito sa mapa dahil kahit saang lugar posible itong sumulpot.
Sumakatuwid, tanging ang Mahal na Hari at ang Diwata ng Gubat ay alam kung paano makapasok at makalabas ng Hidden Magicfalls kahit saan at kailan nila gugustuhin, ito ang privilege na meron sila bilang mga pinuno ng Gargantilla. Kaya, naging isang lugar ito ng kanilang pagmamahalan, tagong lugar ng kanilang pag-iibigan.
Subalit, paanong nalaman ito ng dalaga? May mga ala-ala ba ito ng nakaraan? May alam ba ito sa Gargantilla? O nakapasok ba siya ulit sa lugar na ito? O alam niya na kung paano makapasok at makalabas ulit dito? Naaalala niya na ba ang Hari? Ang kaniyang asawa? Maraming tanong ang sumagi sa isip ng Mahal na Hari pero mas lalo lang itong naguluhan dahil sa nakita niyang expression ng dalaga kanina, wala pa itong kaalam-alam.
Pero isa lang masasabi niya, bumalik man ang ala-ala ng dalaga sa nakaraan nito o hindi, mamahalin niya pa rin ito habang buhay, hangga't siya'y nabubuhay.
Dahil alam nito, at ramdam nito ang puso ng dalaga... nararamdaman ng hari na hindi nawawala ang pagmamahal sa kaniya ng Mahal na Reyna kahit na ito pa'y namatay at isinilang muli.
Madali namang umalis ang Mahal na Hari sa Detention Room dala-dala ang papel na pinagsulatan ng dalaga... kung saan kuhang-kuha talaga nito ang kumpletong detalye sa Hidden Magicfalls.
Habang naglalakad ito'y hindi maiwasan na isipin ang dalaga, at kung gaano niya iyo ka miss. Kung sa pagpipigil lang, hangang-hanga na ito sa sarili pero hindi niya alam kung hanggang kailan... ang makakaya nito.
----
Laica's POV
Teka... nasaan na ba ako? Kanina pa ako naglalakad ni hindi ko na alam kung anong oras na pero maliwanag parin naman eh. Kanina ko pa nilalakad pabalik ang school pero parang paikot-ikot lang ako dahil pabalik-balik lang ako sa maraming puno na lugar sa bandang likuran ng school.
Nakakainis lang hays, parang hindi nagbabago ang nilalakaran ko kung saan ito naman talaga ang direksyon pabalik ng school kaya dapat sa distansya ng nalakad ko kanina pa ako nakabalik sa school... kaya imbis na pabalik ang lugar na pupuntahan ko, this time susubukan kong suongin ang lugar magbabago ako ng direksyon baka may kabahayan duon malalaman ko kung paano makabalik. Tutal, naliligaw naman na ako eh, ililigaw ko na lang talaga ang sarili ko.
Ano ba naman Laica, antanga mo naman! Maikli lang naman nalakad ko kanina galing school eh, nakapasok lang ako ng gubat para bang nawala 'yong school.
Huhu tulong! Agh! Kailangan ko na talagang makagawa ng paraan, ano kaya ang mapupuntahan ko doon sa unahan? Wala naman sigurong tigre doon noh o 'di kaya Oso.
Nagsimula na lamang ako maglakad pasulong, hanggang sa makaraan pa'y nakarinig ako ng malakas na buhos ng... tubig? Kahit na ang pag-agos nito na para bang...
Teka! May Waterfalls dito??? Kyaaah!
Bigla ko na lamang nakalimutan na naliligaw ako sa lugar ng marinig ang pagbuhos at agos ng tubig, damn! I love waterfalls!
Mabilis akong tumakbo sa direksyon ng ingay ng tubig at mabilis din akong nakarating. "Woahhhhwww" Napanganga na lamang ako sa ganda ng aking nakita, hindi lang ganda napahanga ako sa view ng paligid... kamukhang-kamukha nito ang palagi kong napapanaginipan na lugar.
Teka, panaginip lang ba ito??? Panaginip man ito wala na akong pakialam!
"Kyaaaah!!" Kinilig na lamang akong nagtatalon mag-isa habang patingin-tingin pa ako sa ganda ng paligid ko.
For sure parang nasa heaven ako, ang ganda talaga! Iyong sobrang mahiwaga! Panaginip nga!
Andaming ibon sa paligid na nasa iba't-ibang kulay, iyong iba lumilipad. Ang mga puno naman, kumikinang ang mga bunga pero ni isa wala akong alam na pangalan ng puno, ngayon ko lang nakita ang mga 'to. Ang mga bulaklak sa paligid para bang inaakit ako na amoyin sila. Tapos... tapos... kyaaaah! Iyong mga vines!!! May mga bulaklak din na nakakabit. May mga lumulipad na hindi ko maintindihan ano yun pero ang cute nila!!! Basta butterfly lang ang nakilala ko.
"Kyaaah!" Napatalon ulit ako sa tuwa sabay tapon ng sapatos ko, mas gusto ko ang nakapaa. Nagulat na lamang ako ng sonrang soft ng damo, oh my gosh! Ba't ganito kaganda ang damo? Pwedeng-pwede tulugan!
"Gosh, ayaw ko munang magising." Sabi ko na lamang sa sarili ko na kumikinang pa ang mga mata ko.
Ni hindi ko alam na may mga mata palang nakamasid saakin.
***** viona99 *****
Another Chapter, I hope you like it! 🥰 Enjoy!
For more updates, please like and follow my Facebook Page: Author Viona99
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...