Naalimpungatan ako nang madaling araw, tinignan ko ang bintana, sarado ito at madilim parin sa labas, napansin kong madilim pati ang kwarto ko, brownout ba? Ay tama, pinatay ko pala 'yong ilaw, tulog pa ata diwa ko.
Sandali pa'y nakarinig ako nang kaluskos sa isang sulok dahilan para mapaupo ako sa takot, sinubukan kong titigang maigi kung ano ang nasa sulok na iyon ngunit dahil madilim ay wala akong makita, kahit pa maliwanag ang buwan ay hindi parin nito nasisinagan ang parteng iyon.
Ang cellphone ko naman ay hindi ko mahanap kung nasaan.
Pakiramdam ko'y may nagmamasid sa akin, palagi ko na lamang itong nararamdaman simula nang lumipat kami rito, ngunit hindi ko lang maintindihan kung bakit kampante ako na para bang may kasama ako at hindi ako nag-iisa. Masama na ata ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at sinubukang titigan muli ang sulok na iyon kung saan malapit sa likod ng pinto, pakiramdam ko talaga'y may ibang taong naroroon.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko, ang nakakagulat pa ay malumanay ang boses ko. Ang takot na kanina ko naramdaman ay para bang nawala.
Iniisip ko na kung mamamatay ako ngayon, ayos lang. Nakontento na ako sa buhay ko at wala na akong hinahangad pa, problema ko lamang ang parents ko, masasaktan sila.
Nakarinig ulit ako nang mahinang ingay na para bang may gumalaw sa gawing iyon ngunit wala pa rin akong makita.
I sighed, "Ano ang kailangan mo sa akin? Ikaw din ba 'yong nandito sa kwarto ko kahapon?"
Siguradong may nakita akong lalaki dito kahapon, mukhang madaling araw din 'yon, hindi nga lang ako 100% sure, sobrang antok ko kasi dahil na rin sa pagod.
Hindi pa rin siya sumagot. Kung totoo ngang may tao rito sa kwarto ko pakiramdam ko'y hindi niya ako sasaktan, dahil kung sasaktan niya ako sana kahapon niya pa ginawa, o 'di kaya'y kanina habang natutulog ako.
I sighed once again "Simula nang lumipat kami rito andami nang kababalaghang nangyari sa buhay ko." I murmured more to myself atsaka humiga ulit.
Napahikab ako, hays inaantok parin ako ansarap itulog. "Hindi ko alam ang pakay mo, pero inaantok na ako. Goodnight." Mahina kong sambit.
Sandali pa'y pawang may narinig akong bumulong sa tenga ko "Goodnight, love."
Para bang puno ito nang pagmamahal ngunit binalewala ko na lamang dahil sa sarap ng tulog ko, panaginip o guni-guni ko lang siguro. Wala na akong alam sa nangyari dahil nakatulog na ako agad.
Maaga akong nagising at tumayo sa higaan, sandali pa'y nag-inat atsaka binuksan ang bintana, agad akong napangiti sa liwanag ng araw at mga bulaklak na bumungad sa akin.
Huminga ako nang malalim sabay pumikit at dinama ang preskong ihip ng hangin.
Binuksan ko ang aking mga mata at natanaw ko ulit ang palasyo, napakaganda nito... sino kayang nakatira doon? Ewan ko ba kung bakit ang gaan nang pakiramdam ko dito, na para bang nakita ko na ito dati. Iniisip ko nga baka napanaginipan ko ito noong bata pa ako.
Sandali pa'y narinig kong kumatok sa pinto si Mommy. "Laica, halikana't kakain na tayo."
"Yes mom." Sagot ko rito saka mabilis na pumuntang bathroom at nagsimula nang gawin ang ritual ko every morning. Nag-ihi at naligo na rin ako, para fresh.
Nagmadali akong bumaba at pumuntang kusina, nakahanda na pala ang pagkain. "Umupo ka na riyan at kakain na tayo."
"Mommy, next time let me prepare the foods." Saad ko nang nakangiti.
"Paano ba naman, tanghali ka na nagigising." Sambit ni daddy habang prenteng nakaupo sa upuan at nagbabasa ng dyaryo.
I pouted "Hindi ko mapigilan, ang sarap nang tulog ko eh."
"Hayaan mo na ang anak mo Henry, ikaw na ang bahala sa tanghali anak, ako na tuwing umaga. At ikaw naman Henry, sa gabi." Sambit ni mommy.
Napangiti naman ako at napangiwi si Daddy.
"Thank you mom!" I cheered at agad siyang niyakap.
"Ako, wala bang morning hug?" Malungkot na saad ni daddy.
Agad naman akong tumakbo patungo sa kaniya at niyakap siya "Good morning daddy."
Natawa ito "Goodmorning anak, o siya kain na tayo."
Habang kumakain hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari kahapon, gusto kong makilala ang estrangherong nagligtas sa akin at makapagpasalamat lang man.
"Laica, ayos ka lang ba?" Biglang tanong ni mommy dahilan upang mapatingin ako dito.
"Y-yes mom, I'm fine." Sagot ko at ngumiti ngunit mukhang hindi ito kumbinsido.
Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Siya nga pala anak. Nakausap ko na ang may-ari nang school. Sabi niya, pwede ka na raw magsimula bukas." Saad ni daddy.
Lumiwanag ang mukha ko nang marinig ito, namiss ko na rin kasi ang pumasok sa school "Talaga daddy?"
"Yup." Sagot nito.
"Kailangan po ba ng uniform doon?" Tanong ko.
"Oo, pero huwag kang mag-alala ipapadala rito ang mga uniform mo mamaya." Sambit ni daddy.
Napangiti naman ako, prepared talaga si daddy. "Thank you dad."
*****
"Couz!" Narinig kong tawag sa akin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa swing na gawa sa kahoy, dito sa aming bakuran.
Kayganda kasing pagmasdan ang mga bulaklak, nakakagaan ng pakiramdam at nakakawala rin ng stress.
Napalingon ako sa gilid at nakitang papalapit si Irica, ngumiti ako "What's up?"
"Anong what's up, what's up. Ikaw dyan ang what's up, anong problema at mukhang malalim ang iniisip mo?" Tanong nito sabay upo sa tabi ko since malapad naman ang swing.
Napabaling ang tingin ko sa harap, tanaw ang mga pink tulips.
"Naniniwala ka ba sa mga... supernaturals?" Tanong ko sabay tingin dito.
Nagulat siya sa biglaan kong tanong "Ah... bakit mo naman natanong?"
Kumibit balikat ako, simula kasi sa byahe hanggang sa mga nagligtas sa amin mula sa mga nakaitim na lalaki... pati na rin ang nagligtas sa akin kahapon... pakiramdam ko may hindi sinasabi sa akin sina mom and dad.
"Napakalaki ng mundo Laica, marami tayong hindi alam... maraming hindi pa natutuklasan. Kaya masasabi kong oo, naniniwala ako." Sagot ni Irica.
Tumango na lamang ako bilang tugon, ayaw kong mag-open up tungkol sa mga nangyayari sa akin, sa mga nakita ko. Mamaya baka sabihan pa nila akong baliw, mahirap na.
"Bukas pasok natin ah, nakapaghanda ka na ba for your first day of class?" Pag-iiba na tanong ni Irica.
"Napaghandaan naman nina daddy ang mga gamit ko kaya, ready na ako for tomorrow." Sagot ko dito.
"Hindi ka ba kinakabahan?" Seryoso niyang tanong.
Napatingin naman ako dito "Bakit naman ako kakabahan, may dapat ba akong katakutan doon?"
Para bang narealize nito ang sinabi kaya bigla siyang ngumiti "Hindi naman sa ganun, noh ka ba. Mostly kasi kapag first day of class eh kinakabahan kasi new environment."
"Lahat naman tayo kailangang mag-adjust sa maraming bagay. Kaya, I look forward na magiging maayos ang pag-aaral ko sa school mo. Ano na ngang pangalan ng school?" Tanong ko.
"Gargantilla University." Nakangiti nitong sagot.
Hhmm...
Gargantilla ang pangalan ng bayan na ito, pati ba naman ang school.
***** viona99 *****
Vote and comment, thank you so much. Sana'y nagustuhan mo.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...